Ang romantic song ni Michael Buble na "LOVE" ang dinedicate ni Xian Lim, 35, sa nobyang si Iris Lee, 34.
May lyrics ito na "I said love was made for me and you."
Ginamit ni Xian na background music ang kanta sa kanyang Instagram carousel ng sweet photos nila ni Iris.
Read: Xian Lim and Iris Lee: A relationship timeline
XIAN LIM AND IRIS LEE TRAVEL TOGETHER
Kuha ang mga litrato sa iba-ibang lugar na pinasyalan nila.
Meron iyong nag-fishing sila habang sakay ng yacht o kaya naman ay mga selfie sa elevator.
Meron din iyong chill lang sila na may kanya-kanyang ginagawa habang nasa sofa sa tabi ng garden.
May kuha rin sila sa isang sofa kasama ng alagang pusa.
Sa caption, may birthday cake emoji, dahil noong June 1 ay nagdiwang si Iris ng kanyang kaarawan.
Bakas sa mga larawan ang saya at pagiging kuntento ni Xian sa piling ni Iris.
IRIS LEE ALSO POSTS PHOTOS WITH XIAN LIM
Kahit si Iris ay nagpo-post din ng mga quality time nila together.
Noong December 2024, ipinakita ni Iris ang video ng unang sakay niya sa eroplanong pinalipad ni Xian, na isang licensed pilot.
April 2025 naman nang mag-tandem skydiving sila.
Unang kinumpirma ni Xian na "dating" sila ni Iris noong May 2, 2024, at mula noon ay naging bukas sila sa pagbabahagi ng kanilang sweet moments.
