PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB Celebrity Collab Final Duos: Mika-Brent, AZ-River, Charlie-Esnyr

PBB Celebrity Collab Edition is now on its last four weeks.
by Erwin Santiago
Published Jun 7, 2025
pbb celebrity collab final 6 duos
PBB Celebrity Collab Final 6 Duos: (top, from left) Will Ashley and Ralph de Leon, Shuvee Etrata and Klarisse de Guzman, and Dustin Yu and Bianca de Vera; (bottom, from left) Mika Salamanca and Brent Manalo, AZ Martinez and River Joseph, and Charlie Fleming and Esnyr Ranollo.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube

Kumpleto na ang Final 6 Duos ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition.

Sa live episode ng pinag-uusapang reality show ngayong Sabado, June 7, 2025, ay pinili na ng natitirang Kapuso housemates ang Kapamilya housemates na gusto nilang maging ka-Final Duo.

Read: Ralph de Leon-Will Ashley first Final Duo of PBB Celebrity Collab

MIKA AND BRENT

Unang pumili ang rank No. 6 na si Mika Salamanca, at gaya ng inaasahan ay ang rank No. 11 na si Brent Manalo ang kanyang pinili.

Sabi ni Mika tungkol kay Brent: "Pipiliin ko po itong taong ito dahil isa po siya sa malaking parte ng growth at journey ko dito sa loob ng bahay.

"At isa po siya sa napakabuti, napakasipag, at selfless na taong nakilala ko. And I think this person is my strength inside the house.

"And sa tuwing naririnig ko po yung salitang Final Duo, siya po yung unang pumapasok sa isip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang gusto ko pong maging duo at ang pipiliin ko pong maging Final Duo ay si Brent."

mika brent pbb
Mika Salamanca and Brent Manalo
Photo/s: Kapamilya Channel YouTube

Pinakaba naman ni Brent ang lahat dahil nang banggitin ni Mika ang pangalan niya ay nanatiling seryoso ang kanyang mukha.

Kita sa mukha Mika ang matinding pangamba nang seryoso pa rin ang mukha ni Brent nang tanungin kung tinatanggap niyang maging ka-duo si Mika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm sorry, Mika..." seryosong simula ni Brent, pero bumalahaw siya ng tawa nang sundan niya ito ng "... tinatanggap ko."

Nang makatuntong na sila pareho sa platform ay tinanong ng PBB co-host na si Bianca Gonzalez si Brent kung ano ang reaksiyon niya na siya ang pinili ni Mika.

Sagot niya: "Siyempre sobrang saya po kasi, I think, second week pa lang namin dito sa PBB house, alam na namin sa aming dalawa na talagang may chance, may opportunity na makapili ng Final Duo, na yung isa't isa po yung pipiliin namin.

"Now na dumating yung point na yun, siyempre sobrang saya po, Ate B."

Ito ang pangalawang pagkakataong naging magka-duo sila.

Read: PBB Celebrity Collab Final Duos: Shuvee-Klarisse, Dustin-Bianca

AZ AND RIVER

Sumunod na pumili ng kanyang ka-Final Duo ang rank No. 7 na si AZ Martinez.

At ang pinili niya ay ang rank No. 10 na si River Joseph.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Speech ni AZ sa pagpili niya kay River: "We all have our own kind of magic that we brough to this house, and this person has been a light and inspiration to many of us housemates.

"This person is strong, selfless, and stands by the value of friendship.

"I look up to this person and I would say that this person has been a hero to many of us.

"And being a gentle giant is his own kind of magic. So, this person is River."

az river pbb
AZ Martinez and River Joseph
Photo/s: Kapamilya Channel YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman nagpadaig si River sa kanyang straight-English ding acceptance speech sa pagiging ka-Final Duo ni AZ.

Nakangiting saad ni River: "AZ has been one of my good friends here in the house. She's like a little sister to me.

"I've seen her grow ever since Day 1 to be the person she is now.

"She's not just good in tasks but also her personality. For me, she is one of the selfless people here also.

"And I'd be happy to be her Final Duo, which is why I accept."

Ito ang first time na naging ka-duo nina AZ at River ang isa't isa.

Read: Xyriel Manabat, Vince Maristela evicted from PBB Celebrity Collab

CHARLIE AND ESNYR

Dahil sila na lang ang natitirang dalawang housemates, ang rank No. 9 na si Charlie Fleming at ang rank No. 12 na si Esnyr Ranollo ang automatic naging pang-anim at huling Final Duo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Charlie, masayang-masaya siya dahil si Esnyr din daw ang pipiliin niyang maging ka-Final Duo kung nabigyan siya ng pagkakataong makapamili.

charlie esnyr pbb
Charlie Fleming and Esnyr Ranollo
Photo/s: Kapamilya Channel YouTube

Pahayag niya: "Actually po, if I was given a chance to choose, I would also choose Esnyr po talaga. He was my Top 1 ever since po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I've actually talked about it rin dati pa lang na if I have a Final Duo, it would be him po.

"Kaya I'm actually really, really, really happy na siya po yung naging Final Duo ko, at walang ka-effort-effort po.

"Kung may tadhana and everything, ito na din po yun."

Bakas naman sa mukha ni Esnyr na nabagbag ang kanyang kalooban sa mga sinabi ni Charlie, lalo pa't hindi naging madali ang pinagdaanan niya nitong nakaraang linggo.

Sa 12 housemates ay siya lang ang hindi nakatapos ng Final Duo Formation Task na naging dahilan kaya siya nasa rank No. 12.

Ibig sabihin, wala siyang pagkakataong makapamili ng magiging ka-duo niya at hihintayin lang niyang may pumili sa kanya.

Naging emosyunal si Esnyr nang tanungin tungkol sa reaksiyon niya sa mga pahayag ng kanyang ka-duo na si Charlie.

Aniya: "Ang masasabi ko lang po... sobrang ano po, important nito sa akin kasi...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thank you, thank you, kasi you made me feel na likeable ako.

"Salamat kasi sobrang bigat po sa akin ng week na ito, at eto po talaga yung kinakatakutan ko na hindi ako mapili, ganyan.

"Pero nung narinig ko po si Charlie po, sobrang na-appreciate ko po yung tiwala niya sa akin."

Sabi pa ni Esnyr: "Ako, naniniwala ako na ibinalik si Charlie dito sa bahay kasi hindi pa tapos yung laban niya.

"Kasi sasamahan ko pa siyang lumaban para sa pangarap naming dalawa sa dulo kaya wala nang aalis sa bahay na ito.

"Hindi puwedeng umalis sa bahay na ito, at I'll do my best na lalaban para sa yo, Charlie. I'll do my best."

Nag-iwan din ng deklarasyon si Esnyr para sa mga naniniwala sa kanya.

Aniya: "Ito ay laban para sa mga probinsyanang Bisaya, laban para sa mga content creators, at laban sa mga bakla!"

Ito ang unang pagkakataong naging magka-duo sina Charlie at Esnyr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PBB Celebrity Collab: 10 housemates nominated for eviction

LAST FOUR WEEKS OF PBB

Ngayong buo na ang Final 6 Duos, ibig sabihin nito ay palapit na nang palapit ang pagwawakas ng PBB Celebrity Collab Edition.

Inanunsiyo ng mga host na sina Bianca Gonzalez at Gabbi Garcia na apat na linggo na lamang ang nalalabi at magaganap na ang Big Night.

Nakatakda ang Big Night sa July 5, Sabado.

Ngunit bago ito ay sasabak muna sa mas matitinding hamon ang natitirang housemates, kabilang na ang harapang nomination ngayong linggo.

Mula sa anim na duos ay pipiliin ang apat na duos na makakaabot hanggang sa Big Night.

Ang tatlo pang Final Duos ng PBB Celebrity Collab ay sina Ralph de Leon at Will Ashley, Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman, at Dustin Yu at Bianca de Vera.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB Celebrity Collab Final 6 Duos: (top, from left) Will Ashley and Ralph de Leon, Shuvee Etrata and Klarisse de Guzman, and Dustin Yu and Bianca de Vera; (bottom, from left) Mika Salamanca and Brent Manalo, AZ Martinez and River Joseph, and Charlie Fleming and Esnyr Ranollo.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results