PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB Celebrity Collab Final Duos: Shuvee-Klarisse, Dustin-Bianca

Shuvee chooses Klarisse; Dustin picks Bianca.
by Erwin Santiago
Published Jun 7, 2025
shuvee klarisse dustin bianca
Shuvee Etrata and Klarisse de Guzman (left) and Dustin Yu and Bianca de Vera (right) are the second and third Final Duos, respectively, of PBB Celebrity Collab Edition.
PHOTO/S: GMA Network

Marami ang nagulat sa pagpili ng Kapusong si Shuvee Etrata sa Kapamilyang si Klarisse de Guzman bilang ka-Final Duo sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab.

Nauna na kasing idineklara ni Shuvee sa isang episode na si Esnyr Ranollo ang gusto niyang maka-Final Duo.

Ngunit sa episode ng PBB Celebrity Collab na ipinalabas nitong Biyernes ng gabi, June 6, 2025, ang pinili ng rank No. 2 na si Shuvee ay ang rank No. 3 na si Klarisse.

Base sa kani-kanilang ranking ang pagpili ng natitirang housemates sa kanilang Final Duo.

Read: Ralph de Leon-Will Ashley first Final Duo of PBB Celebrity Collab

Ito ang sagot ni Shuvee nang tanungin kung sino sa Kapamilya housemates ang kanyang magiging ka-Final Duo: "Pinipili ko po ang tao na ito dahil isa po siya sa nagbibigay kasiyahan sa bahay na ito.

"I can't imagine my stay in this house if it weren't for this person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I really wanna think so much about winning and I have a lot of considerations. However, for today, I'm gonna follow what's in my heart.

"I choose this duo kasi po matagal na po naming pinag-usapan na maging ka-duo.

"So, ang pinipili ko pong maging final ka-duo ay si Ate Klang."

Read: Xyriel Manabat, Vince Maristela evicted from PBB Celebrity Collab

SHUVEE IS ALSO KLARISSE'S CHOICE AS FINAL DUO

Bagamat may karapatan si Klarisse na tumanggi, lalo pa't siya ang susunod na pipili ng ka-duo, tinanggap niyang maging ka-Final Duo si Shuvee.

Kunwari'y nag-isip pa si Klarisse ngunit sabi nito, "Yung desisyon ko, base talaga sa puso ko. I think it's a unanimous decision, tinatanggap ko.

"Dahil, Shuvee, ikaw yung talagang gusto kong maging Final Duo, alam mo yan.

"I think this is it para bumawi sa yo sa pagkakasalba mo sa akin...

"Ilalaban natin pangarap mo, pangarap natin. Tuluy-tuloy ang ShuKla. So, I love you, Shuvs."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Klarise na "pagkakasalba" ay nang tumalon siya sa pool nang minsang malasing siya, at walang alinlangang tumalon din si Shuvee upang isalba siya kahit suot pa nito ang lapel.

Dahil dito ay napatawan ng automatic nomination si Shuvee dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagbasa sa lapel.

Hindi naman mapagsidlan ang kasiyahan ni Shuvee dahil tinanggap ni Klarisse na maging ka-Final Duo niya.

Tinanong ng PBB co-host na si Bianca Gonzalez si Klarisse kung sakaling nagpalit sila ng ranking ni Shuvee at siya ang naunang pumili, si Shuvee rin kaya ang pipiliin niyang maging ka-Final Duo?

May halong birong sagot ni Klarisse: "Yes po. Yes na yes, si Shuvee pa rin po talaga yung pipiliin ko kasi wala naman pong choice. Joke lang!

"Si Shuvee po talaga No. 1 sa ranking ko yan, so siya talaga.

"So, I'm so happy na pareho po kami ng desisyon dahil hindi na po ako nahirapan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ang ikalawang pagkakataong naka-duo nina Shuvee at Klarisse ang isa't isa.

Read: PBB Celebrity Collab: 10 housemates nominated for eviction

DUSTIN CHOOSES BIANCA

Sumunod na pumili ng kanyang ka-Final Duo ang nasa rank No. 4 at Kapuso na si Dustin Yu.

Katulad ng inaasahan, ang pinili niya ay ang Kapamilya at ka-"loveteam" niyang si Bianca de Vera, na nasa rank No. 8.

Rason ni Dustin sa pagpili niya kay Bianca: "Pinipili ko po itong taong ito kasi sobrang laking part niya sa journey ko dito sa PBB.

"Ang dami kong natutunan sa kanya, and can't wait na matuto pa sa kanya as a duo.

"Itong taong ito ay very important sa akin, at ito ay si Bianca."

Napahiyaw naman ang ibang housemates nang marinig ang sinabi ni Dustin.

Nang tanungin si Bianca kung tinatanggap niyang maging ka-Final Duo si Dustin, ito ang sagot niya: "Okay naman.

"We've been through a lot in this house. We've been through thick and thin, hell and back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Aso't pusa man tayo madalas, I wouldn't have it other way, so tapusin na natin ito."

"Sobrang excited" at "looking forwrd" naman si Dustin na maka-duo si Bianca sa unang pagkakataon.

Samantala, nang tanungin si Bianca kung in-expect ba niyang siya ang pipiliin ni Dustin ay nagbiro muna siya.

Aniya: "Siyempre, I wasn't really ex... hindi, oo, medyo in-expect ko na kasi ako na lang... huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa.

"Pero thank you for choosing me," sabi pa niya kay Dustin.

Nang tanungin kung gaano sila kasaya, on a scale of 1 to 10, na sila ang magka-Final Duo, "10" ang sagot ni Dustin.

Pero biro muli ni Bianca, "Ako po, siyempre hindi natin masyadong i-give, mga 9.5."

Read: Ralph de Leon, Charlie Fleming officially back as PBB housemates

WHAT WILL HAPPEN TO THE OTHER HOUSEMATES?

Bago ito ay nauna nang pinili ng rank No. 1 na si Ralph de Leon ang rank No, 5 na si Will Ashley bilang ka-Final Duo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim pa ang natitirang housemates na pipili ng kanilang makaka-Final Duo.

Dahil mas mataas ang ranking ng Kapuso housemates na sina Mika Salamanca (No. 6), AZ Martinez (No. 7), at Charlie Fleming (No. 9), sila ang mamimili kung sino sa Kapamilya housemates na sina River Joseph (No. 10), Brent Manalo (No. 11), at Esnyr Ranollo (No. 12) ang gusto nilang maka-Final Duo.

Maliban sa Kapamilya na si Ralph, ang Kapuso housemates ang namili ng kanilang magiging ka-Final Duo base sa kanilang ranking.

Malalaman ang final three duos ng PBB Celebrity Collab ngayong Sabado ng gabi, June 7.

Read: Kapamilya, Kapuso housemates for PBB Celebrity Collab revealed

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shuvee Etrata and Klarisse de Guzman (left) and Dustin Yu and Bianca de Vera (right) are the second and third Final Duos, respectively, of PBB Celebrity Collab Edition.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results