Nangungulila pa rin ang aktres na si Dina Bonnevie sa kalinga ng pumanaw niyang mister, si dating Department of Agriculture Undersecretary Deogracias Victor “DV” Savellano.
Pumanaw si Savellano sa edad na 65 noong Enero 7, 2025.
Read: Politician DV Savellano, husband of Dina Bonnevie, dies
DINA BONNEVIE STILL MISSES LATE HUSBAND
Sa kanyang Instagram account nitong nakaraang May 25, 2025, nagbahagi si Dina ng Reel na gawa ng isa niyang kaibigan.
Laman nito ang mga lumang larawan nila ng pumanaw na asawa.
Sa caption, sinabi ni Dina na nami-miss pa rin niya nang labis ang asawa limang buwan matapos bawian ito ng buhay.
Marami na raw nagbago mula nang ito'y lumisan na nagpapatunay raw na ang kamatayan ay isang "eye opener."
Pagbabahagi ni Dina: "It has been almost 5 months since my husband @kabsatdvsavellano has passed away and I still miss him so much.
"It is true that so much has changed since he has been away. DEATH IS INDEED AN EYE OPENER."
Pag-amin ng aktres, nangungulila siya sa mga yakap at mga bulong ng mister na nagtatangi sa kanya bilang pinakamahalagang babae sa buhay nito.
Pagpapatuloy ng aktres: "I long for my husband’s embrace; I wish I could tell him everything and he could hold me and wipe away my tears, and protect me and make me feel safe.
"I can almost hear him whispering in my ear, 'my queen, my love, my life, always remember that as long as I am here, nothing can harm you because God is with me, with us! He is our strength and our power.'
"I love and miss him so much but I know that he’s with Jesus and will always be there to guide me and pray for me.
"I would like to thank my Ilocana friend @viasantiago216 for making this video for me.
"Thank you Via for patiently listening to me and comforting me. Love you!"
View this post on Instagram
Sa caption ng kanyang post, nagpaabot ng kanilang suporta ang mga kaibigan niyang mga aktres na sina Eula Valdes, Aiko Melendez, Geneva Cruz, Ara Mina, at Yasmien Kurdi.

Read: Camera-shy Ilocos Sur Vice Governor DV Savellano recounts first meeting with wife Dina Bonnevie
