Nababalot ngayon ng kalungkutan ang local music industry dahil sa pagpanaw ng legendary singer na si Freddie Aguilar.
Pumanaw si Freddie nitong Martes ng madaling-araw, May 27, 2025.
Siya ay 72.
Read: OPM icon Freddie Aguilar dead at 72

Jim Paredes, Cooky Chua, Bayang Barrios pay tribute to freddie AGUILAR
Bukod sa pamilya niya, ipinagluluksa rin ng mga kasamahan ni Freddie sa music industry ang kanyang pagkamatay.
Kabilang sa mga naunang nagpaabot ng pakikiramay ang OPM singers na sina Jim Paredes, Cooky Chua, at Bayang Barrios.
Sa pamamagitan ng Instagram, ipinost ng APO Hiking Society member na si Jim ang screenshot ng art card na naglalaman ng anunsiyo ng pagkamatay ni Freddie.
Sa caption ng post, pinasalamatan ni Jim si Freddie.
Aniya: "Farewell Freddie. Salamat sa mga awiting iniwan mo."
Pasasalamat din ang mensahe ng Color It Red vocalist na si Cooky Chua sa mga alaala at musikang iniwan ni Freddie sa mundo ng OPM.
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Cooky ang art card na naglalaman ng anunsiyo ng pagkamatay ni Freddie.
Kalakip nito ang kanyang mensahe: "Paalam sa isa sa haligi ng OPM.
"Salamat po sa lahat ka freddie. Rest in peace..pakikiramay at dasal sa buong pamilya at sa mga mahal sa buhay."
Read: Frontmen & Rock Chix concert highlights and sidelights
Binigyang-pugay rin ng singer-songwriter na si Bayang Barrios ang legasiyang iniwan ni Freddie sa ilang dekada nitong pagtatanghal at paggawa ng kanta.
Post sa Facebook ni Bayang: "Payapang paglalakbay, Ka Freddie! Salamat sa iyong musika!"
Read: Bayang Barrios, nag-organisa ng OPM benefit event para sa North Cotabato quake victims
