Gaganap si Carmi Martin bilang si Naty, isang lola, sa pelikulang Isang Komedya Sa Langit.
“Nagtitinda, biyuda, at may inaalagaang apo,” umpisang kuwento ni Carmi tungkol sa kanyang comic role.
Apo niya rito si Aki Blanco, na gaganap bilang si Marco.
Read: Akihiro Blanco, inilahad ang karanasan sa isang bading
Sa May 28, 2025, mapapanood ang pelikula, na ayon kay Carmi, ay "merong drama, meron siyang comedy.”
Nakakatuwa kung paano sinabihan si Carmi na gusto siyang i-cast ng producer at screenwriter na si Rossanna Hwang.
Ayon sa 61-year-old actress, “Hinanap niya ako dun sa aming barangay chairman ng Magallanes," isang village sa Makati City.
Read: Carmi Martin, may guidelines sa pagpili ng roles bilang Christian
Maging si Jaime Fabregas, na co-star ni Carmi sa Isang Komedya sa Langit, ay natunton din through the barangay chairman. Magkapitbahay kasi sina Carmi at Jaime.

CARMI MARTIN ONCE CALLED OUT A TARDY CO-STAR
Forty-five years na rin sa showbiz si Carmi kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang masasabi niya sa kasalukuyang henerasyon ng mga artista ngayon.
Nagkaroon na ba siya ng hindi magandang karanasan sa sinumang young star?
Ang natatawang sabi ni Carmi, “Meron lang naman akong inaway. Hahaha."
Nang tanungin kung sino, aniya: “Hindi ko na maalala. Babae. Consistent siyang late!
"E, one time, may nagpainom sa akin ng kape, pampapayat daw.
"E, ang effect, pampainit pala ng ulo,” at tumawa ang aktres.
Sa anong proyekto ito nangyari?
“Lastikman," ang sagot ni Carmi, na kabilang sa support cast ng TV adaptation na pinagbidahan ni Vhong Navarro sa ABS-CBN noong 2008.
Sa pagpapatuloy ng aktres, “Nung dumating siya, sa kanya naihulog yung init ng ulo dahil consistent naman siya na late and hindi siya nagso-sorry.
"Pero pagdating ng take, wala, parang walang away."
Hindi raw minuto kundi oras kung ma-late ito.
Paano niya inaway ang female co-star?
"Sabi ko, ‘Alam mo, parati kang late. Hindi mo ba alam na nag-iintay kami sa iyo?!’
“Hindi sumagot.
“I don’t know, pero parang, supposedly, dapat yung road manager pala ang magsasabi para sabihin na kung ano yung conflict ng pinanggagalingan, mga ganun.
“Dapat pinapaalam sa amin kasi ang tagal naming nag-iintay.”
Hindi man nag-sorry ay hindi na raw ulit na-late ang female co-star.
“Parang I remember, dedma. Yung mga ganun talaga na may attitude, hindi rin magtatagal sa showbiz.
"Kasi ako pagka nale-late, pag hindi pa ako dumadating, tine-text ko yung co-actor ko na sasabihin ko, ‘Naku pasensiya na!’”
Read: Carmi Martin, umaming nagkaroon ng gay boyfriend
Si Aki ay never daw na-late sa shoot ng Isang Komedya Sa Langit.
“I think kasi, lahat kami came prepared talaga because ano naman si Madam [Rossanna Hwang], sinabi naman niya na ilang shooting days lang ito...so, hindi ka puwedeng dadating dun na tatanga-tanga o hindi mo alam ang gagawin mo.”
Kasama rin sa cast sina EA Guzman, Gene Padilla, at John Medina.
Si Roi Paolo Calilong ang direktor ng pelikulang handog ng Kapitana Entertainment Media.
Mapapanood ang Isang Komedya sa Langit sa mga sinehan sa SM North Edsa, SM Cebu, SM Southmall, SM Fairview, SM Manila, SM Davao, SM Mall Of Asia, SM Marikina, SM Aura Premier, SM Seaside Cebu, SM Megamall, SM Grand Central, SM Clark, SM Dasmariñas, at sa Greenhills Theater.
Read: Marjorie Barretto reveals friendship with Linda Gorton
