PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessy Mendiola still proud of Luis Manzano despite election loss

Jessy Mendiola to Luis Manzano: "Thank you for fighting and giving it your all."
by Arniel C. Serato
Published May 14, 2025
Jessy Mendiola still proud of husband Luis Manzano amid election loss
Jessy Mendiola to husband Luis Manzano after his election loss in Batangas: "Proud pa rin kami sa yo dahil sa pagkakatong ito, mas nakilala ka ng mga Batangueño. Napatunayan mo na kaya mo pa ring lumaban at makakamit ng magandang numbers kahit first timer ka. We love you, Lucky!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nagpahayag ng suporta ang aktres na si Jessy Mendiola sa asawang si Luis Manzano sa kabila ng pagkabigo ng TV host-actor sa kandidatura nito sa pagka-bise gobernador ng lalawigan ng Batangas nitong May 12, 2025 elections.

Tinalo si Luis ni incumbent Batangas Governor Dodo Mandanas.

Lamang si Mandanas ng halos 300,000 votes kay Luis, na may 552,000 kumpara sa boto ng una na nasa lagpas 800,000.

Read: How did celebrities fare in the 2025 elections?

JESSY MENDIOLA: "Thank you for fighting and giving it your all..."

Sa mensahe ni Jessy sa kanyang Instagram Story ngayong Miyerkules, May 14, nagpasalamat siya sa mga taga-Batangas dahil sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanila noong panahon ng kampanya.

Kahit natalo si Luis, pakiramdam daw nila ay panalo na rin sila dahil sa pag-welcome sa kanila sa campaign sorties.

Sabi ni Jessy: "Maraming salamat po sa sumuporta at nagmahal sa aking asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa pag-ikot po namin ng buong lalawigan ng Batangas—mas nakilala po namin kayong lahat.

"Hindi man nanalo, pakiramdam namin panalo na kami dahil sa init ng pagtanggap niyo kay Luis."

Nagpasalamat din siya sa asawang si Luis na ibinigay raw ang lahat ng makakaya noong kampanya.

Ngayon daw ay higit pang nakilala ng mga taga-Batangas si Luis.

Mensahe ni Jessy (published as is): "Thank you for fighting and giving it your all, my love @luckymanzano

"Proud parin kami sa yo dahil sa pagkakatong ito, mas nakilala ka ng mga Batangueño.

"Napatunayan mo na kaya mo pa ring lumaban at makakamit ng magandang numbers kahit first timer ka. We love you, Lucky!"

Jessy Mendiola's message to husband Luis Manzano
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat naman si Luis sa asawang si Jessy sa mensahe nito sa kanya.

Luis Manzano's message to Jessy Mendiola

Read: Vilma Santos, sinagot ang isyu ng political dynasty

VILMA santos, ryan CHRISTIAN WIN

Magkaiba ang naging kapalaran ni Luis sa inang si Vilma Santos at kapatid na si Ryan Christian Recto.

Nanalo ang Star for All Seasons bilang governor ng Batangas, at si Ryan naman ay nahalal bilang kongresista sa ika-anim na distrito ng lalawigan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong araw rin, nag-concede na si Luis sa kanyang pagkatalo.

Nagpasalamat si Luis sa lahat ng mga Batangueño at sa lahat ng supporters niya sa kanilang probinsiya.

Bahagi ng mensahe ni Luis: "Masigla at napakasaya ng kampanya dahil nakasama ko kayo. At kahit tapos na ang eleksyon, ito ay umpisa pa lamang ng matagal pa nating pagsasamahan. Hanggang sa muli. Maraming salamat po.”

Read: Luis, Sam, at Cynthia tinanggap ang pagkatalo sa 2025 elections

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola to husband Luis Manzano after his election loss in Batangas: "Proud pa rin kami sa yo dahil sa pagkakatong ito, mas nakilala ka ng mga Batangueño. Napatunayan mo na kaya mo pa ring lumaban at makakamit ng magandang numbers kahit first timer ka. We love you, Lucky!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results