PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Daniel Miranda just deny breakup rumor with Sofia Andres?

Daniel Miranda greets Sofia Andres on Mother's Day.
by Arniel C. Serato
Published May 12, 2025
Daniel Miranda posts pics with Sofia Andres on Mother's Day
Netizens happy about seeing Daniel Miranda and Sofia Andres together on Mother's Day, May 11, 2025.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Back in each other's arms na ba sina Sofia Andres at Daniel Miranda?

O hindi talaga sila naghiwalay?

Ito ang tanong ng netizens na nakakita ng Instagram post ni Daniel kahapon, May 11, 2025, Mother's Day.

Makikita sa larawan ang medyo blurry nilang dalawa ni Sofia.

Background music ng post ay ang kanta ni Stevie Wonder na "Isn't She Lovely."

Sa caption ay binati ni Daniel ang lahat ng ina ng Happy Mother's Day.

Pinasalamatan din niya ang kumuha ng larawan — ang anak nila ni Sofia na si Zoe Miranda.

Caption ni Daniel sa kanyang post: "happy mothers day to all the beautiful moms out there [heart emoji]

"thank you for the picture @iamzoemiranda [face blowing a kiss emoji]"

Read: Sofia Andres Defends Daniel Miranda's Family Support

NETIZEN ON DANIEL AND SOFIA: "Ang mahalaga, malinaw na di hiwalay"

Maraming netizens ang natuwa dahil nasilayan nilang muling nagkasama sina Daniel at Sofia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malabo man daw ang kuha ng larawan ay malinaw na "di hiwalay" ang dalawa.

Biro ng isa tungkol sa quality ng larawang ipinost ni Daniel, "Muntik na luminaw"

Tawa lang ang isinagot ni Daniel sa kanya.

Netizens on Daniel Miranda's post

Punto ng isa, "Ang mahalaga, malinaw na di hiwalay"

Tugon ng isang netizen, "kaya nga grabi ang mga people nauna pa sa kanila mag sabi ng hiwalay na daw"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizens on Daniel Miranda's post

Nagsimulang magkaroon ng alingasngas tungkol sa relasyon nina Daniel at Sofia nang i-unfollow nila ang isa't isa noong April 24, 2025.

Dahil dito, lumabas ang mga haka-hakang hiwalay na ang dalawa.

Read: Sofia Andres, Daniel Miranda unfollow each other on Instagram

Pero noong April 30, napatanong ang ilang netizens kung magkarelasyon pa ba ang dalawa dahil halos sabay silang nag-post sa kanilang Instagram Stories.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang kanilang post ay para sa brands ng caps at sunglasses na pareho nilang iniendorso.

Sa post ay makikitang sweet na sweet sina Sofia at Daniel habang nasa beach.

Walang caption si Sofia liban sa naka-tag na Instagram handle ng brands ng mga produktong iniendorso.

Read: Are Sofia Andres and Daniel Miranda still a couple?

Sa ngayon, parehong tikom pa rin ang bibig ng magkabilang kampo ukol sa isyung hiwalayan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens happy about seeing Daniel Miranda and Sofia Andres together on Mother's Day, May 11, 2025.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results