Makalipas ang dalawampung taon, muling susubukan ng Filipino-American singer na si Jessica Sanchez na masungkit ang kampeonato sa America's Got Talent (AGT).
Sa official trailer na inilabas ng NBC noong May 4, 2025, makikita si Jessica na kabilang sa mga contestant na makikipagtagisan ng galing at talento sa Season 20 ng talent-competition program sa Amerika.

"I was actually on the very first season of AGT," pagmamalaking sabi ni Jessica sa harapan ng panel of judges na sina Simon Cowell, Sofia Vergara, Howie Mandel, at Mel B.
Read: Morissette Amon accused of stealing spotlight from Jessica Sanchez
Ang tinutukoy na "first season" ni Jessica ay noong 2006 nang sumali siya sa America's Got Talent.
Nakaabot siya sa wildcard round ngunit sa kasamaang-palad ay hindi na siya nakaabante sa grand finals.

Jessica REFLECTS on Her AGT Experience
Ipinost din ni Jessica sa kanyang Instagram ang video clip na makikita siya sa teaser ng America's Got Talent.
Pagbabalik-tanaw niya sa caption, malaking bahagi ang AGT sa kung ano at nasaan siya ngayon.
Kaya naman ipinagpapasalamat ni Jessica na siya ay nakabalik sa entablado na unang naniwala sa kanyang talento, dahilan para makapangarap siya nang mas mataas.
Read: Jessica Sanchez's secret to keeping colored hair healthy
Mababasa sa kanyang caption (published as is): "Being 10 years old on AGT played such a massive role in me believing in something bigger for myself, for my voice.
"What a huge blessing it is to be able to come back and chase after my dreams again after 20 years.
"Can’t wait to see what God has in store for me."
JESSICA ON American Idol
Bukod sa AGT, sumali rin si Jessica sa American Idol Season 11 noong 2011.
Dito ay nakarating siya hanggang sa grand finals at naging runner-up sa nanalong si Phillip Phillips.
Kabilang din sa mga judge noon ng American Idol si Simon Cowell.
Read: Jessica Sanchez to grace Idol Philippines finale
Hindi man pinalad maging winner, nagtuluy-tuloy naman ang biyaya at proyekto para kay Jessica.
Taong 2013 nang i-release niya ang kanyang debut album na Me, You and the Music, featuring Ne-Yo.
Sa parehas na taon, napasama si Jessica sa finale ng Glee Season 4.
Read: Jessica Sanchez will get her share of the spotlight in Glee Season 4 finale
Noong 2023, umuwi si Jessica sa Pilipinas para mag-perform sa grand coronation ng Miss Universe Philippines 2023.
Nang panahong iyon ay mahigit dalawang taon na siyang kasal sa kanyang American husband.
Sa kabila nito, hindi gaanong tumatak ang pangalan niya sa American audience kaya ito marahil ang dahilan ng kanyang pagsali sa America's Got Talent.
