Inamin ni Sue Ramirez na si Dominic Roque ang isa sa dahilan kung bakit "masaya" at "kalma" ang estado niya ngayon.
"Kakagaling lang sa bakasyon. Wala, I don’t feel pressured. Masaya lang ako talaga," bungad ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Sabay pag-amin niya, "Well, of course, si Dom has been making me happy, has been taking care of me."
Unang naisapubliko ang pagkakamabutihan nina Sue at Dominic nang mag-viral ang video kunsaan hinawakan ni Sue sa mukha si Dominic at saka sila nag-smack sa lips.
Nangyari iyon sa isang bar sa Siargao noong Nobyembre 2024.
Read: Sue Ramirez spotted kissing Dominic Roque; are they an item?
Nang tanungin kung sila na noon, ang natatawang sagot ni Sue, "Hindi pa. Hindi pa. Well, nag-uusap-usap na po kami ng time na iyon."
Sabay pilyang hirit niya, "But like, iyon nga, sabi ko, when I drink, I get too excited. E, ang pogi, kiniss ko! Charing lang! Ha! Ha! Ha!"
Pagpapatuloy ni Sue, “Nag-uusap na po kami nun. Medyo papunta na kami sa nagkakamabutihan na po kami, nagliligawan."
Hindi raw iyon biyahe na grupo silang magkakasama.
“No, it was actually my trip," paglilinaw ni Sue.
"Coz I did a lot of films last year, so I wanted to take a break, so talagang nakaplano yung one month ko sa Siargao.
"And since nag-uusap na kami nun ni Dominic, he asked me kung, 'Is it okay if I follow to Siargao. I want to get to know you more.'"
Hanggang sa doon na sila mas nagkakilanlan.
Kuwento pa ni Sue, compatible sila ni Dominic sa maraming bagay.
"Sine-share niya yung interests niya with me. He also asks me what I want to do, kung ano yung mga interest ko, and so far nagdyi-gel talaga yung mga interests namin.
"Actually, sabay kami ng birthday! July 20. Kaya siguro nagdyi-jell kami ng mga interests."
Sa July 20 ang ika-29 kaarawan ni Sue, habang si Dominic ay turning 35 years old.
Wala pa raw silang plano kung anong gagawin nila sa kanilang birthday.
Read: Dominic Roque admits to dating Sue Ramirez
SUE RAMIREZ MOVIE WITH DIEGO LOYZAGA
Nakapanayam ng PEP si Sue sa mediacon ng pelikulang In Between noong April 21, 2025, sa Viva Cafe, sa Cubao, Quezon City.
Bida sina Sue at Diego at may intimate scenes sila sa pelikula. Ang director nila ay si Gino Santos.
Nahirapan ba silang gawin ang love scene?
Sagot ni Sue, “For me po, since we grew up in the industry, I think it’s easier for us because we know each other.
“Mas alam namin yung comfort zone ng isa’t isa. I know na we’re safe, safe kami sa isa’t isa, so I think for me it’s easier because we’re friends.”
Read: Bea Alonzo, Dominic Roque mutually end their engagement
SUE RAMIREZ AND DIEGO LOYZAGA'S CHARACTERS
Taong 2022 nang maging magkapareha sina Sue at Diego sa pelikulang How to Love Mr. Heartless.
Kung noon ay mga estudyante ang roles nila, ngayon ay mature na ang kanilang mga karakter.
Dito sa In Between, si Sue ay gaganap bilang Gaila, nasa late 20s, freelance musician/make-up artist/ graphic artist. Carefree at adventurous, bisyo ni Gaila ang uminom ng beer.
Si Diego naman si Shane na nasa early 30s, nagtatrabaho sa real-estate business ng kanilang pamilya, pero interesado sa bartending.
Iprinodyus ng Viva Films, ang In Between ay nagsimulang ipalabas sa mga sinehan noong May 7.
Read: Diego Loyzaga on relationship status: "I'm on the market."
