PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessica Soho, Korina Sanchez meet at the Vatican for papal conclave

Korina Sanchez calls Jessica Soho "GMA-7’s icon."
by Arniel C. Serato
Published May 7, 2025
Award-winning journalists Jessica Soho and Korina Sanchez spotted together in Vatican
Award-winning journalists Korina Sanchez (left, in both photos) and Jessica Soho cross paths in Vatican City for the ongoing papal conclave coverage.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagkrus ang landas ng dalawang award-winning journalists sa Pilipinas na sina Kapuso broadcaster Jessica Soho at Bilyonaryo Channel anchor Korina Sanchez.

Nangyari ito sa Vatican City kung saan kabilang sila sa mga mamamahayag sa buong mundo na nagko-cover ng isinasagawang papal conclave na magdedesisyon kung sino ang magiging bagong Santo Papa.

Ito ay kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis noong April 21, 2025.

Read: Pope Francis dies at 88

JESSICA SOHO, KORINA SANCHEZ IN VATICAN FOR PAPAL CONCLAVE

Sa Instagram ngayong Miyerkules, May 7, 2025, ibinahagi ng official account ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang larawan nina Jessica at Korina.

Nakalagay sa caption (published as is): "PBB Collab next edition na ba itu?

"HANDA NA BA KAYO?! I-KMJS NA 'YAN!

"Korina Sanchez at Jessica Soho sa coverage ng Papal conclave sa Vatican"

Ang "Handa na ba kayo" ay tagline ng dating show ni Korina na Rated K at kasalukuyang show niyang Rated Korina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "I-KMJS na yan!" ay tagline naman ng news magazine show ni Jessica.

Positibo ang reaksiyon ng karamihan ng netizens sa larawan ng dalawang batikang journalists:

Netizens react on Jessica Soho and Korina Sanchez's photo together

Ngayong Miyerkules ng gabi, si Korina naman ang nag-post sa Instagram ng larawan nila ni Jessica na kuha rin sa Vatican.

Tinawag pa niyang "GMA-7's icon" si Jessica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya sa caption: "G? Why not?

"Rain and sun meet as friends at the Vatican. Just as K meets GMA7’s icon, Jessica Soho."

Read: The Pope Dies: What happens next in the Vatican?

Matagal nang pinagsasabong ng netizens sina Korina at Jessica lalo na noong buhay pa ang prangkisa ng ABS-CBN at umeere pa ang Rated K ni Korina.

Katapat ng programa ni Korina sa timeslot ang Kapuso Mo, Jessica Soho ni Jessica sa GMA-7.

Pero para kina Korina at Jessica ay trabaho lamang ang kanilang ginagawa at hindi alintana ang pagsasabong sa kanila.

Read: Korina Sanchez takes on trolls, bashers pitting her against Jessica Soho

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning journalists Korina Sanchez (left, in both photos) and Jessica Soho cross paths in Vatican City for the ongoing papal conclave coverage.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results