PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Female motovlogger summoned by LTO over "road rage" incident

LTO already imposed a 90-day suspension on motovlogger's driver's license.
by Bernie V. Franco
Published May 2, 2025
Yanna motovlog
Female rider and vlogger known as Yanna Motovlog issues a public apology for "instigating a road rage" in Zambales, but continues to receive backlash online. Land Transportation Office has already issued a "show cause order" for her next week.
PHOTO/S: Yanna on Facebook

Panandaliang tinanggalan ng driver’s license ang isang female motovlogger dahil sa pagsisimula nito ng road rage sa Zambales.

Bukod pa rito, nanganganib din siyang sampahan ng ilang kaso ng Land Transportation Office (LTO).

Ang motovlogger na si Yanna Motovlog, aka Alyanna Mari Aguinaldo, ang mismong kumuha ng video kung saan nakikipagtalo siya sa driver ng isang pickup truck.

Ipinost ni Yanna ang naturang video sa kanyang social media account.

Nag-viral ang video at umani ng samu’t saring komento at reaksiyon mula sa netizens, riding community, at pati na rin mga kinauukulan.

Ang pinagtatalunan nila: sino ang tama at mali sa viral incident?

Pero sa statement na inilabas ng LTO, ang pagpapatawag o “show cause order” (SCO) kay Yanna ay dahil sa pagsisimula niya ng road rage.

“LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II said Yanna Moto Vlog will be asked to explain why her driver’s license should not be suspended or revoked for being an improper person to operate a motor vehicle for allegedly instigating a road rage,” post ng LTO sa Facebook page nito ngayong Biyernes, May 2, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Quoted si Mendoza sa pagsasabing patuloy nilang pinapaalalahanan ang mga motorista na huwag pairalin ang init ng ulo sa kalsada.

Aniya pa, marami na ang napaparusahan dahil sa road rage.

“On the part of this vlogger, she should have used her social media influence to promote responsible driving and road safety,” sabi ni Mendoza.

Read: 18M Pinoy senior high grads have low comprehension skills –PSA

MOTOvlogger VIRAL VIDEO

Ipinost ni Yanna ang controversial video noong April 29, 2025.

Malinaw na kinunan nito ng video ang insidente para maging content niya.

Mahihinuha sa video na nagkaroon ng biyahe papuntang Zambales ang isang riding crew na kinabibilangan ni Yanna.

Sa isang punto ng video, ipinakita ni Yanna ang isang silver pickup truck sa kanyang unahan na binabagtas ang dirt path.

Sa caption, pinuna ng motovlogger ang pickup truck na nagpapalipat-lipat umano ng lanes nang hindi tumitingin sa paligid.

Sa caption ay tinawag niyang “d*mb*ss” ang driver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-overtake si Yanna.

Kasunod nito ay makikitang tiningnan niya ang driver ng pickup truck at saka nag-middle finger.

Maya-maya, pumarada sa gilid ng kalsada si Yanna at ang fellow riders nito.

Hihintayin daw nila ang iba pa nilang kasamahan.

Nang papalapit na ang pickup truck, maririnig si Yanna na isinigaw sa mga kasama ang tungkol sa parating na pickup truck.

“Sapakin natin,” tila utos ng lady rider sa kanyang mga kasamahan.

Sa di kalayuan ay makikita ang driver ng pickup truck na bumaba at nilapitan si Yanna.

Pagkalapit nito ay tinanong ng driver kung bakit nag-dirty finger ang motovlogger.

Balik-tanong ni Yanna sa driver, “Bakit nga ba?”

Mahihinuha sa katuwiran ni Yanna na pinalalabas niyang ang pickup driver ang may pagkakamali.

Sa palitan ng sagot ng dalawa ay tumaas ang boses ng motovlogger, habang nanatiling kalmado ang driver.

Iginiit pa ng female rider na hindi umano ginagamit ng pickup driver ang kanyang side mirror, gayong walang side mirror si Yanna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi ng rider na muntik na siyang magitgit ng pickup driver.

Ang hindi pagkakaroon ng side mirror, tulad ng sitwasyon ni Yanna, ay isang violation.

Rason ng pickup driver, lubak-lubak ang daan.

Sinabihan din niya ang lady rider na huwag itong “namamakyu.”

Dahil lumalabas na walang kapupuntahan ang usapan, bumalik na sa kanyang sasakyan ang pickup driver, habang patuloy si Yanna sa maaanghang na salita at pagmumura sa pickup driver.

Yanna motovlog
Female rider and vlogger Alyanna Mari Aguinaldo (in helmet) posts video of her confrontation with a pickup driver.
Photo/s: Yanna on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS criticize lady rider

Hati ang reaksiyon ng netizens kaugnay ng pangyayari, pero mas nangingibabaw ang batikos kay Yanna dahil sa insidente.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit naglabas siya ng public apology sa kanyang Facebook page nitong Mayo 1, 2025.

Kalakip ng post ang video ng ama ni Yanna na sinasabing hindi nila kinukunsinti kapag may mali sa kanila.

Makikita rin sa video ang pagpunta nina Yanna sa nakaalitang driver, subalit hindi raw nila ito naabutan.

Ang huling bahagi ng video ay ang paghingi ng public apology ni Yanna dahil sa kanyang inasal at pati na rin sa nakaalitan nitong driver.

Sa comments section ng post ni Yanna, marami ang pumupuna sa inasal ng female rider. Kinukuwestiyon din nila kung sinsero ito sa kanyang apology.

Komento ng isa (published as is), "Sana wag tanggapin ni kuya ang apology mo, para hindi kana tularan! Respeto sa taong pinahiya mo.."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We prefer moto vloggers with good manners," sabi naman ng isa pa.

netizens comment 1
netizen comment 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
netizens comment 3

Sa memo na inilabas ng LTO, ipinapatawag ang female rider-vlogger sa Intelligence and Investigation Division ng LTO sa hapon ng Mayo 6, 2025.

Pinagsusumite rin siya ng written explanation kung bakit hindi siya dapat sampahan ng mga sumusunod na paglabag:

  • Reckless Driving;
  • Use of Number Plates, Motor Vehicle Operating Without or with Defective/Improper/Unauthorized Accessories, Devices, Equipment and Parts; at
  • Improper Person to Operate a Motor Vehicle
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad din sa memo na “preventively suspended” ang driver’s license ni Yanna sa loob ng 90 days.

LTO versus yana motovlog
Photo/s: LTO on Facebook

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Female rider and vlogger known as Yanna Motovlog issues a public apology for "instigating a road rage" in Zambales, but continues to receive backlash online. Land Transportation Office has already issued a "show cause order" for her next week.
PHOTO/S: Yanna on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results