Magkarelasyon pa ba sina Sofia Andres at Daniel Miranda?
Ito ang tanong ng netizens na nakapansing halos sabay nag-post sa kanilang Instagram Stories sina Sofia at Daniel noong Martes, April 30, 2025.
Ang kanilang post ay para sa brands ng caps at sunglasses na pareho nilang ini-endorso.
Sa post makikitang sweet na sweet pa sina Sofia at Daniel habang nasa beach.
Walang caption si Sofia liban sa naka-tag na Instagram handle ng brands ng mga produktong ineendorso.

Ganun din ang post ni Daniel.

Kapansin-pansing hindi nila tina-tag ang isa't isa.
Ni-repost naman ng brand ang IG Story ni Daniel at bahagi ng caption ang mga katagang "couple glow."

Sa isa pa nilang post ay parehong naka-tag sina Sofia at Daniel.
SOFIA ANDRES AND DANIEL MIRANDA POSTS are JUST FOR THE BRAND?
Sa isang thread sa community forum na Reddit, sinabi ng ilang netizens na baka napilitan lang daw mag-post sina Sofia at Daniel.
Ayon sa isa, "Baka old photos na, kailangan lang mag post for content since may brand na naka-hashtag & tag."
Sinang-ayunan ito ng dalawa pang netizens na nagsabing naka-unfollow pa rin sina Sofia at Daniel sa isa't isa.


May nagpahiwatig din na itigil ang "clout chasing," pero sa opinyon din daw niya ay hindi naman daw kailangang "friends/connected" ang isang couple sa social media.

Read: Sofia Andres has no regrets about getting pregnant at age 21
NETIZENS TO DANIEL MIRANDA: "Save your Family"
Noong April 26, nag-post si Daniel sa Instagram ng larawan niya karga-karga ang natutulog na anak na si Zoe Miranda.
Caption lamang niya ay sleeping face emoji.
View this post on Instagram
Sa comments section, ilang netizens ang nagpayo kay Daniel na ayusin ang anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ni Sofia.
Komento ng isa, "Save your Family"

Ayon sa isa pa, "Klaruha jud na dong Daniel! Kamo nalanh baya akonh last card aning mga relasyon sa showbiz! [Klaruhin mo nga yan dong Daniel! Kayo na lang ang last card ko pagdating sa mga relasyon sa showbiz!]"

Pakiusap ng isa, "Win her back po just for the sake of Zoe."

Dagdag ng isa, "Ayusin mo family mo dong kay sayang kaayo ug magkabulag mo, looy kaayo imong anak [Ayusin mo ang family mo dong dahil sayang talaga kung maghiwalay kayo, nakakaawa ang inyong anak]."

Biro ng isa, baka nag-away lang daw ang couple.
Matatandaang nitong April 24, napansin ng maraming netizens na parehong naka-unfollow sina Sofia at Daniel sa kanilang mga accounts.
Kaya naman lumabas ang mga haka-hakang hiwalay na ang dalawa.
Read: Sofia Andres, Daniel Miranda unfollow each other on Instagram
Sa ngayon, parehong tikom pa ang bibig ng magkabilang kampo.

