Isang malapit kay Kyline Alcantara ang sumagot sa mga akusasyon ng ina ni Kobe Paras na si Jackie Forster laban sa Kapuso actress.
Nitong Lunes, April 28, 2025, nag-post sa social media ang isang nagngangalang Zamantha Rose upang ipagtanggol si Kyline sa mga paratang ni Jackie.
Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Zamantha Rose ay girlfriend ng kapatid ni Kyline na si Robin Alcantara.
Matatandaang Linggo ng gabi, April 27, nag-post ng mahabang video sa YouTube si Jackie upang ipagtanggol ang anak na si Kobe sa kaliwa't kanang batikos na natatanggap nito mula nang magkahiwalay sila ni Kyline.
Read: Kobe Paras at Kyline Alcantara, 1st week ng April pa naghiwalay
Sa halos 15-minute video na in-upload ni Jackie sa kanyang YouTube channel, ipinahayag nitong walang cheating na naganap sa relasyon ng dalawa dahil, lingid sa publiko, matagal nang single ang anak.
Ayaw lang ng talent management team ni Kyline na mabunyag ang hiwalayan, ayon kay Jackie, dahil sa kanilang endorsement deals.
Dito rin niya idinetalye ang totoong nangyari raw sa relasyong Kobe at Kyline, na sa huli ay nauwi sa hindi pagkakaunawaan at hiwalayan.
Bukod pa rito, mapangahas ang ilang salita ni Jackie laban kay Kyline at sa pamilya nito.
Inakusahan din niya si Kyline ng pagiging "toxic" at "violent."
Dinamay rin ni Jackie ang pamilya ni Kyline dahil minaliit daw ng mga ito si Kobe.
Read: Jackie Forster defends son Kobe Paras from "cheater" allegations
KYLINE'S BROTHER AND HIS GIRLFRIEND SPEAK UP
Sa pamamagitan ng magkakasunod na Instagram Stories, binuweltahan ng kampo ni Kyline ang mga pahayag ni Jackie.
Bagamat walang binanggit na pangalan si Zamantha, malinaw na si Jackie ang pinupuntirya ng post dahil in-upload din ni Zamantha sa IG Stories ang screenshot ng YouTube video ng ina ni Kobe.
Ni-irepost naman ito ng Kuya Robi ni Kyline sa sarili nitong Instagram Stories.

Read:
- Kyline Alcantara unfollows Kobe Paras on Instagram
- Kobe Paras unfollows Kyline Alcantara on Instagram
Ayon kay Zamantha, naiintindihan niya kung ang nais lang ni Jackie protektahan ang kanyang pamilya, lalo na ang 27-anyos na si Kobe.
Ang hindi raw niya maintindihan ay kung bakit may mga sinasabi pa si Jackie tungkol sa 22-anyos na si Kyline na malayo raw sa katotohanan.
Isa raw siya sa magpapatunay sa katotohanan dahil, gaya ni Kobe, nanirahan din siya sa bahay nina Kyline.
Dito raw niya nakita nang malapitan kung paano sina Kyline at Kobe kapag magkasama.
Read: Jackie Forster posts cryptic borrowed posts about "manipulation"
Ang post ni Zamantha ay magalang kay Jackie, ngunit dahil generalizations ang mga sinasabi niya, hindi malinaw ang kanyang tinutukoy.
Hindi malinaw kung bakit tinawag niyang "untrue" at "deeply misleading" ang mga binigkas ni Jackie, at lalong nagpasok ng kalituhan ang sinasabi niyang "mental health" ni Kobe.
Sa ibang salita, kung ang pagpapatunay sa katotohanan ang gustong gawin ni Zamantha, tila hindi ito nagawa ng statements niyang walang tinukoy na mga partikular na pangyayari at walang naibigay na pruweba.
Ito ang post ni Zamantha (published as is): "As a mother, I respect your instinct to protect your family.
"However, having lived with Kyline and Kobe, I saw the situation up close, and I can confidently say much of what has been said is untrue and deeply misleading.
"Kobe confided in me before he left, and I listened with empathy because mental health is important.
"His feelings are valid but so is the truth. The narrative being pushed twists facts and unfairly attacks Kyline's character."
ON JACKIE calling out Kyline's family in sharing cryptic quotes
Inalmahan din ni Zamantha ang aniya'y pagbibigay malisya ni Jackie sa posts ng pamilya ni Kyline sa social media.
Isa sa himutok ni Jackie ay ang pakikisali raw ng mga magulang ni Kyline sa social media noong kasagsagan ng balitang hiwalay na sina Kyline at Kobe.
Dahil daw sa posts ng mga ito ay lumalala ang pamba-bash kay Kobe.
Ayon kay Zamantha, kailanman ay hindi pinasaringan ng mga magulang ni Kyline si Kobe sa mga posts nila online.
Saad niya kay Jackie, "A quote posted by her father about family uniting during hardships was misconstrued and used to create unnecessary drama on your end."
Maging sila raw ni Robin ay nagulat nang gawing big deal ni Jackie ang mga relatable quotes na pinost ng ina ni Kyline tungkol sa Diyos at sa pagiging positibo sa buhay.
Bilang ebidensiya, ini-upload ni Robin, boyfriend ni Zamantha, sa IG Stories nito ang nakolektang relatable quotes na ipinost ng ina na binigyan daw ng masamang kahulugan ni Jackie.
Read: Jackie Forster tells netizens: “Sila nga nag-umpisa."
Base sa screenshots, January 6 nagsimulang mag-post ng quotes sa Instagram ang ina ni Kyline.
Kaya ang basa ni Zamantha rito, walang pinatatamaan dahil wala pang problema sina Kyline at Kobe noon.
Sa mata nga naman ng publiko, nang mga panahong iyon ay maayos pa ang relasyon nina Kyline at Kobe.

May post din ang ina ni Kyline noong una at pangalawang linggo ng Abril tungkol sa pagsasama-sama nilang pamilya, na ayon kay Robin ay minasama rin ni Jackie.
Nga lang, kung babalikan ang video ni Jackie, sinasabi nitong sa simula pa lang ng taong ito, nakakita na ng red flag si Kobe, na sinundan ng iba pang red flags sa mga sumunod na buwan.
"For the next few months, Kobe had a few more enounters with Kyline's parent," sabi ni Jackie, "that really put him off, and like any other relationship, he wanted to try to get past it."

Ganunpaman, sa cryptic posts ni Zamantha, idiniin niya ang naging pahayag ni Jackie tungkol sa ama ni Kyline na si Butch Alcantara, dahil nagsabi umano itong trinato niyang parang sariling anak si Kobe.
Balik ni Jackie sa ama ni Kyline: "How am I supposed to feel about those words? You treated Kobe like your son?
"If, according to a handful of people, you aren't exactly a good husband to your wife behind closed doors?
"When I heard that most recently, I started to understand the pattern now. What she did to Kobe, it's learned behavior."
Ang tinutukoy dito ni Jackie ay ang pangyayaring naging "violent" umano si Kyline kay Kobe.
Sagot dito ni Zamantha, walang karapatan si Jackie na idawit at balikan kung anuman ang nakaraang mga problema ng pamilya ni Kyline.
"To then release a video dragging Kyline's name, bringing up her parents' past, and casting untruthful accusations is not only hurtful, it is irresponsible," sabi niya.
Wala namang paliwanag si Zamantha ng bakit ito ay "irresponsible."
Read: Kyline Alcantara and Kobe Paras redefine couple fashion
denying kyline is "manipulative or abusive"
Isa pa sa ipinunto ni Zamantha ang paglalarawan ni Jackie kay Kyline bilang "manipulative or abusive" sa relasyon nila ni Kobe.
Pagtatanggol ni Zamantha, hindi ganoong klaseng tao ang aktres.
Base raw sa nakita at pagkakakilala niya rito, walang ibang ginawa si Kyline kundi mahalin at suportahan si Kobe.
Diin niya: "Kyline is not, and has never been, manipulative or abusive. She has been nothing but supportive toward Kobe.
"To publicly damage her reputation with false claims, especially when she has done nothing to deserve it, is deeply wrong."
Hiling din ni Zamantha na matuldukan na ang gusot sa pagitan ng pamilya nina Kobe at Kyline.
Kung mayroon pa raw kailangang pag-usapan ay mas epektibo kung sa pribado na lang ito gawin.
Aniya: "If there was true intent to resolve this amicably, it would have been handled privately not through public attacks disguised as concern.
"I sincerely hope moving forward, you can choose integrity, fairness, and genuine respect over distortion and harm.
"Lastly, Kyline deserves to be defended with the same grace and dignity she has always shown."

ZAMANTHA ON REASON for STEPPING UP TO DEFEND KYLINE
Sa pagpapatuloy ng depensa ni Zamantha kay Kyline, muli siyang nag-post sa IG Stories ngayong Lunes, April 28.
Dito ay ipinaliwanag niya kung bakit nagdesisyon siyang magsalita.
Bilang nakakakilala raw kay Kyline, hindi niya maatim na pinapalabas na ang aktres ang problema at may kasalanan sa mga nangyayari.
Pahayag ni Zamantha (published as is): "It might be confusing to some of you why I suddenly appeared and why I seem to be 'involving' myself. I value my privacy deeply, especially in my relationships with Robin and Kyline.
"I choose to share moments with them in ways that won't be easily taken out of context or exploited. In a world where so much of Kyline's life is made public, I believe she deserves friendships that protect her peace.
"If others feel entitled to speak on situations they weren't present for, maybe I, someone who was there, can also share my perspective.
"It's painful for those who truly know and care for Kyline to watch her name be dragged through the mud, with people weaponizing her past to claim she has an 'abusive pattern.'
"We know this couldn't be further from the truth."

May pakiusap din si Zamantha sa publiko na huwag agad-agad magtiwala sa isang panig lang ng kuwento.
Bagkus ay maging patas daw sa pag-uusisa kung ano ang totoo at maling kuwento.
Saad niya (published as is): "To everyone reading this, I encourage you to take a step back and see the bigger picture. Stories are never one-sided.
"Those who claim this is a 'pattern,' have you ever considered that perhaps the real pattern is Kyline's ability to see the good in people, to forgive, and to love despite everything?
"When she finally chooses herself and walks away after being disrespected, why is she ALWAYS painted as the villain?
"Is it a crime to forgive repeatedly, only to be judged when you decide you deserve better?"

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag sina Kobe at Kyline tungkol sa isyu.
