PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Antique school principal sacked but can still teach—Malacanang

Netizens have mixed reactions about the principal being sacked.
by Bernie V. Franco
Published Apr 28, 2025
Claire Castro, Principal
Presidential Press Officer Undersecretary Claire Castro (left) reveals that the school principal in Antique who went viral has been relieved from her position. Some netizens approved the sacking; others said this was not enough punitive action.
PHOTO/S: RTV Malacanang / Facebook

Tinanggal na sa puwesto ang principal ng isang paaralan sa Antique na nag-utos sa graduating Grade 12 students na tanggalin ang kanilang mga toga sa mismong araw ng graduation.

Gayunpaman, mismong ang Malacañang ang nagsabing makapagtuturo pa rin ang sinibak na principal.

Kumalat ang video ng principal ng Colonel Ruperto Abellon National School (CRANS) na kuha mula sa graduation ceremony nila noong April 15, 2025.

Sa matapang na salita ng principal, ipinahuhubad niya sa mga estudyante ang suot nilang toga bago simulan ang processional march.

Sinabi ng principal na utos daw ng Department of Education (DepEd) na bawal ang magsuot ng magarbong kasuotan sa araw ng graduation.

Tinanggihan naman ito ng DepEd sa isang pahayag. Wala raw silang inilabas na sirkulong nagbabawal magsuot ng toga sa graduation.

Pero naglabas din ng sirkulo ang ahensiya na hindi nila nire-require magsuot ng mamahaling damit ang gradweyts sa araw ng graduation para hindi makadagdag sa gastusin ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: School principal who ordered Grade 12 grads to remove toga

princiPal in antique relieved from her position

Sa isang press briefing sa Malacañang kamakailan, sinagot ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang tanong ng reporters kung tinanggal sa puwesto ang kontrobersiyal na principal.

Sagot ni Castro, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nag-utos na tanggalin sa tungkulin ang principal.

“[A]garan din pong kumilos ang ating DepEd Secretary Sonny Angara. Ang sinasabi pong guro ay tinanggal na po bilang principal sa nasabing eskwelahan," sabi ni Castro.

May mga nagtanong kung lisensiyado pa rin at kung makapagtuturo pa rin ang pincipal.

Sagot ni Castro: “Tinanggal naman po siya sa pagiging principal. Yung license naman po niya, hindi naman manggagaling sa pag-uutos ng Pangulo o ng DepEd secretary.

“Allowed pa rin po siya [magturo], pero siyempre, titingnan pa rin po kung ano ba ang klase ang kanyang behavior.

“Kailangan po iyan. Importante po iyan lalo na po at siya ay isang guro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa desisyon daw ng DepEd secretary kung sasampahan ng reklamo ang sinibak na principal.

Kaugnay ng reaksiyon ng Palasyo ay nag-post din ng pahayag ang DepEd sa Facebook page nito.

Saad sa official statement, kumilos ang DepEd ayon na rin daw sa utos ng Pangulo, noong April 26, 2025.

“Inalis na sa paaralan ang punong guro. Inaprubahan naman ng Commission on Elections (COMELEC) ang nasabing paglipat dahil di naman ito makaka-impluwensya sa pagsasagawa ng eleksyon sa nasabing lugar.

“Patuloy ang imbestigasyon ng DepEd para sa resolusyon ng reklamo sa principal,” saad ng DepEd.

Nakasaad sa naka-attach na official statement kung ano ang sinapit ng tinanggal na principal.

Sabi rito, “Pansamantala siyang inilipat sa Schools Division Office (SDO) habang isinasagawa ang mas masusing imbestigasyon at pinaiiral ang due process.”

Pansamantala raw hahalili sa posisyon bilang principal ang assistant regional director ng Region 6.

DepEd official statement
DepEd's official statement on the viral principal in a school in Antique.
Photo/s: DepEd Philippines Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Employee commutes by plane daily for work; saves PHP8K monthly

NETIZENS REACT

Halo ang reaksiyon ng netizens sa sinapit ng principal.

May mga natuwa sa ginawang aksiyon ng DepEd.

Komento ng isa (published as is): “Everything has due process. Thank you DepEd for your action hopefully maging fair square ang due process.”

positive reaction 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
positive reaction 2
positive reaction 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero meron ding ibang nakulangan sa parusang ipinataw sa principal.

Sabi ng isa (published as is), “Dapat maalis siya sa trabaho dahil maabuso sa kanyang posisyon. Di yong I detain sa Div Office. Tatanggap pa rin ng malaking sahod.”

negative reactions

Wala pang ipino-post na update ang DepEd kaugnay ng isyu ng sinibak na principal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presidential Press Officer Undersecretary Claire Castro (left) reveals that the school principal in Antique who went viral has been relieved from her position. Some netizens approved the sacking; others said this was not enough punitive action.
PHOTO/S: RTV Malacanang / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results