Umatras na si Wendell Ramos sa kanyang balak na maging kosehal sa Maynila.
Ito ang nakasaad sa kanyang Facebook post ngayong araw, April 27, 2025.
Matatandaang kumakandidato si Wendell para maging konsehal sa District 4 ng Sampaloc sa siyudad ng Maynila.
Mga commitment sa trabaho at sa kanyang pamilya ang dahilan ng aktor sa kanyang pag-atras sa pulitika.
“After careful consideration and heartfelt discussions with my family, manager, and network, I have made the difficult decision to discontinue my campaign due to prior work commitments and family matters,” saad niya sa kanyang post.
Nilinaw rin niya na noong January 31, 2025 pa siya nag-file sa Commission on Elections (COMELEC) ng kanyang withdrawal of candidacy.
Sa huli, pinasalamatan ng bagito sanang pulitiko ang mga sumuporta sa kanya.
“I am deeply grateful to everyone who supported me, welcomed me, and believed in my programs even before I filed my withdrawal. Your trust and encouragement mean more than words can express. Thank you for your understanding and continued support,” sabi ni Wendell.
Noong October 5, 2024 nag-file si Wendell ng kanyang certificate of candidacy.
Read: Wendell Ramos at Ben Tulfo, naghain ng certificate of candidacy
Sumama siya sa partido ni Sam Versoza, na tumatakbo namang mayor sa Maynila.
Sa kasalukuyan ay napapanood si Wendell sa Lolong: Pangil ng Maynila sa GMA-7.