Halos gumagaan na ang pakiramdam ni Alynna Velasquez ngayon mula sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng partner niyang si OPM icon Hajji Alejandro.
Sa kanyang Instagram kahapon, April 25, 2025, nagbahagi si Alynna ng reel kung saan makikita sa bintana ng kanyang condo ang isang kalapating nakadapo, hindi lang isa kundi dalawa.
Kuwento ni Alynna (published as is), "Woke up to this beautiful creation of God that warmed my heart.
"This beatiful purple-necked pigeon visited me this morning and even brought a friend! (bird, two hearts emojis)"

Mabigat daw ang kanyang nararamdaman nitong mga nakaraang araw matapos ang pagpanaw ni Hajji.
Pero ngayong araw, nakaramdam daw siya ng kapayapaan at kasiyahan.
Ang mas nakaagaw-pansin pa kay Alynna, ang kulay lila sa may bandang leeg ng ibon.

Ito daw kasi ang paboritong kulay ni Hajji.
Dagdag niya sa kanyang post, "The past few days, I never knew how to start my day as I grieve. But today, I felt peace and joy...
"Purple is Hajji's favorite color... (purple heart emojis)"
Paniniwala raw kasi ng mga Kristiyano, ang mga kalapati ay simbolo ng Holy Spirit.
Pagtatapos pa niya, "In Christianity, pigeons are often used as symbols of the Holy Spirit, representing divine guidance and presence. They can also symbolize spiritual elevation and transcendence.
"They can also represent the communication between the worlds of the living and the dead.
"#peace #love #tranquility #forgiveness #loyalty #freedom #iMissYouLove"
View this post on Instagram
Read: Alynna recounts last eight days with partner Hajji Alejandro
ALYNNA AND RACHEL ALEJANDRO EXCHANGE OF PLEASANTRIES
Ipinakita naman ni Alynna sa publiko na walang masamang tinapay na namagitan sa kanila ng anak ni Hajji na si Rachel Alejandro.
Sa Facebook noong April 24, ni-repost ni Alynna ang ibinahagi ng isang online site na tribute ni Rachel para sa amang si Hajji.
Naglakip siya ng mensahe rito kung saan ipinapakita niyang wala silang masamang relasyon ni Rachel.
Ang mag-ama raw ay nagpapakita na sila ang "the best father and daughter tandem" lalo na sa shows dahil parehong singer ang dalawa.
Sabi ni Alynna, "I love you both. You are the best father and daughter team. The strength of your bond and mutual support is immeasurable.
"The impact you have on your audience is so strong that every show is a lasting memory. Bravo!
"I will miss you both being on the same stage singing and dancing together."
Mensahe pa ni Alynna kay Rachel, "Rachel, remember that your dad's mighty proud of you. Always.
"He will always be there in your heart, singing with you. Our ANGELito.."
Read: Alynna, Rachel Alejandro exchange pleasantries amid wake issue
Pumanaw si Hajji noong April 21, 2025, dahil sa metastatic colon cancer, Stage 4.
Siya ay 70 taong gulang.
Read: OPM icon Hajji Alejandro dies at 70
