PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kyline Alcantara remembers "kape" moment with Nora Aunor

Ang pabulong daw na sabi ng Superstar: "Hindi ito kape, alak ito."
by Melba R. Llanera
Published Apr 25, 2025
Nora Aunor with Kyline Alcantara at the mediacon for the movie Ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit.
Nora Aunor R) with Kyline Alcantara at the mediacon for the series Ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit.
PHOTO/S: James Anarcon

Itinuturing ni Kyline Alcantara na "isang malaking karangalan" ang makatrabaho ang namayapang aktres na si Nora Aunor.

Nagkasama sila sa GMA-7 teleserye na Bilangin Ang Bituin sa Langit (2020), kung saan gumanap bilang mag-lola ang dalawa.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline sa huling gabi ng lamay ng Superstar noong April 21, 2025, sa Heritage Memorial Park.

Bulalas ng dalaga, "Isang malaking karangalan na nakatrabaho ko ang isang Nora Aunor.

"Feeling ko, lahat ng artista, sa kahit na anong henerasyon ay pinangarap na makatrabaho siya, at isa ako sa mga lucky ones.

"Napakasarap katrabaho ni Ms. Nora Aunor. Di lang siya nandun bilang aktres, nandun din siya bilang ina ng buong set."

Read: Nora Aunor: Superstar (Part 1)

kyline ALCANTARA's fondest memories of NORA AUNOR

Nagmarka raw sa kanya yung mga panahong masaya si Ate Guy.

Naalala rin niya ang kakulitan nito.

Kuwento ni Kyline, "Alam naman siguro ng lahat na may mga mood si Ms. Nora, na she wants to have a shot of alcohol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May time na off naman namin, locked-in kasi kami. Tapos may kape si Ms. Nora, mayroon siyang cup of coffee.

"Sabi ko, 'Wow! Ms. Nora, may kape po ba kayo? Puwede ko po ba kayong samahan magkape?'

"Tapos sabi niya, 'Sige, anak, sige.'

"Tapos sabi ko, 'Bakit po clear?'...Sabi niya, 'Hindi ito kape, alak ito.'

"Sabi ko, 'Ay, Ms. Nora, ayoko na po pala, ang aga pa.'

"Hindi ko trinay. Nakakatawa, akala ko magkakape kami ni Ms. Nora, 'yes, finally, magkakape na kami."'

Ayon pa kay Kyline, "Marami pa, marami pang moments na nakakatawa si Ms. Nora.

"Mahilig siyang mag-trivia sa set namin. Ilan ang naging commercial ko? Ilan ang dyowa ko?'

"Tinanong niya rin ilan ang pelikula niya, tapos puwedeng mag-search. So yung production namin, yung crew namin, nagsi-search sila."

Ang premyo: PHP15,000.

Sa pagpapatuloy ni ng Kapuso star, "Hayun nga, very generous. Hindi lang sa pamimigay kung hindi maging sa pag-arte sa mga eksena niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nora Aunor: Superstar (Part 2)

nora aunor's advice TO kyline alcantara

Sa mga pagkakataong nakakausap ni Kyline ang National Artist For Film and Broadcast Arts, ang pagmamahal sa mga fans ang isa sa palaging pinapaalala nito sa kanya.

Lahad ni Kyline, "Ang pinayo niya sa akin—at pinayo din ng aking co-manager na Number 1 fan ni Ms. Nora—ay maging mabait ka sa lahat ng fans mo.

"Sinasabi nga di ba ng mga anak ni Ms. Nora, lahat ng nakakakilala sa kanya, na kahit bata pa sila, e, nasa loob talaga ng bahay.

"Ang daming tao lagi sa bahay nila. Nandiyan ang mga fans, nandiyan ang mga nakatrabaho.

"So isa iyan sa sinabi niya sa akin. Habang maraming nagmamahal sa iyo, sa fans mo, ibalik mo sa kanila yung pagmamahal na yun.

"Isa yun sa mga pinayo sa akin ni Ms. Nora."

Read: Nora Aunor: Superstar (Part 3)

what kyline alcantara learned from nora aunor

May natutunan din si Kyline ukol sa pag-arte at koneksiyon sa mga ka-eksena niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang paggamit ng mata, ang power ng mata, alam naman natin si Ms. Nora Aunor kapag tinitigan ka, para kang nasa ibang dimension at naranasan ko yun."

Pagbabalik-tanaw ni Kyline, "May isang scene kami at first scene namin yun sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

"Naalala ko, naka-wig ako nun, naka-cosplay outfit ako.

"May eksena kami tapos tinitigan ko siya sa mata, tapos nawala ako for five seconds.

"Siyempre, I need to snap out of it, si Direk Laurice [Guillen] ang aming direktor.

"Totoo, ang sinasabi nila na iba talaga, ang mata ni Ms. Nora, at isa rin yun sa naituro niya sa akin at siyempre yung koneksyon mo sa mga ka-eksena mo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nora Aunor R) with Kyline Alcantara at the mediacon for the series Ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit.
PHOTO/S: James Anarcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results