PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jackie Forster posts cryptic borrowed quotes about "manipulation"

Jackie wrote "mamawithreceipts" as her hashtag.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 23, 2025
Jackie Forster posts quote about "manipulation" amid Kobe-Kyline breakup buzz
Jackie Forster (left) posts cryptic borrowed quotes about "manipulation" and "accountability" that leave netizens speculating again about the Kobe Paras - Kyline Alcantara (right) rumored falling-out.
PHOTO/S: Jackie Forster on Instagram/Glenn Regondola

Palaisipan ngayon sa netizens kung may kaugnayan ang cryptic post ni Jackie Forster sa napapabalitang hiwalayan ng anak niyang si Kobe Paras at Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Nitong Martes, April 22, 2025, magkakasunod na makahulugang borrowed quotes patungkol sa "emotional manipulation and accountability" ang ipinost ni Jackie sa Instagram Stories.

Read: Jackie Forster, full support for son Kobe and Kyline Alcantara

Ang unang borrowed quote na nirepost ni Jackie ay tungkol sa isang taong humahabi raw ng sariling narrative kapag hindi na nito kayang manipulahin ang taong gusto nitong kontrolin.

Mababasa rito, "When someone realizes they can no longer manipulate you, they rewrite the story to protect themselves.

"Because telling the truth would require them to face the harm they caused and to sit with everything they've been avoiding within themselves."

Jackie Forster posts cryptic quote about
Photo/s: Screengrab Jackie Forster on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang borrowed quote ang ibinahagi ni Jackie patungkol sa taong wala raw accountability, at sinisisi sa iba ang problema.

Saad dito: "It's easier to deny, deflect, and distort than to take accountability.

"So instead of owning their behavior, they create a version of the story where you're the problem.

"But their narrative doesn't change your reality and your healing doesn't require their validation."

Malaman ang ginamit ni Jackie na hashtag na "#mamawithreceipts" sa dalawang IG Stories.

Jackie Forster posts cryptic quote about
Photo/s: Screengrab Jackie Forster on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carmina Villarroel steers clear of issues about Kyline Alcantara

Sa isa pang IG Story ni Jackie, "Manipulation is when they focus on how you reacted instead of how they treated you."

Jackie Forster posts cryptic quote about
Photo/s: Screengrab Jackie Forster on Instagram

KOBE-KYLINE BREAKUP RUMORS

Mabilis na pinag-usapan online ang malamang Instagram Stories ni Jackie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung pagbabasehan ang hashtag ni Jackie, tila ipinahihiwatig nito na may kaugnayan sa anak ang kanyang posts.

Tanong ng netizens, may kinalaman ba ito sa napapabalitang hiwalayan nina Kobe Paras at Kyline Alcantara?

April 11 nang magsimulang umugong ang espekulasyong hiwalay na sina Kyline at Kobe.

Napansin kasi ng fans ang pagde-delete ni Kobe sa ilang mga litrato nila ni Kyline sa Instagram.

Ayon sa mga masugid na tagahanga ni Kobe, mula sa 78 posts ng kilalang basketball player ay naging 76 na lang ang mga ito.

May dalawa raw na litratong binura si Kobe, at hinala ng netizens ay pictures nila iyon ni Kyline.

Isa na raw rito ang kuhang larawan ng couple habang sila'y nasa isang restaurant sa Makati City, base sa location na nakalagay sa post ni Kobe.

Ang isa pa ay ang kuhang larawan ng dalawa nang sila'y nagbakasyon sa Palawan noong December 2024.

Pinapaniwalaang pati si Kyline ay nagbura rin ng mga litrato nila ni Kobe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil tanging ang mga brand collab at events na pinuntahan na lang nila ni Kobe ang makikita sa IG ng aktres.

Read: Did Kyline Alcantara, Kobe Paras break up?

April 12 klarong pinabulaanan ng ama ni Kobe na si Benjie Paras ang espekulasyong hiwalay na ang anak at si Kyline.

Sa eksklusibong panayam ni Gorgy Rula ng PEP Troika, sinabi ni Benjie na "sila pa rin" bilang pagtukoy sa estado ng relasyon ng magkasintahan.

Magkasama pa nga raw sila kailan lamang sa isang inuman.

Read: Kobe Paras at Kyline Alcantara, di totoong hiwalay na — Benjie

Nagpatuloy ang haka-hakang may problema sa relasyon nina Kyline at Kobe nang may isang content creator sa Facebook ang kumuwestiyon sa aniya'y "lifestyle" ni Kobe na "parang nakawala sa hawla" kapag hindi kasama si Kyline.

Kalakip ng nasabing post ang party pictures ni Kobe na may mga kasamang barkada at isang hindi kilalang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakalagay sa caption ng content creator (published as is): "So ito ang gusto mo sa buhay mo Kobe walwal lang nang walwal? With these guys at sino naman yang babae na Yan?"

Sinamahan din niya ito ng hashtags na "#KobeParas #Kobe #partyboy"

Agad namang dinepensahan si Kobe ng nakakatanda niyang kapatid na si Andre Paras.

Sa Facebook post ni Andre noong April 15, pinangaralan niya ang content creator na kumuwestiyon sa paglabas-labas ni Kobe na wala si Kyline.

Ayon kay Andre, hindi dapat bigyang-malisya ang pagpunta ni Kobe sa bar.

Paliwanag ni Andre (published as is): "Kobe is with his friends and he’s having fun. They are doing it in the right place and time. They are in a club. It’s legal to have fun and make noise there right?

"Magtaka po kayo kapag nag club ang isang tao tapos nag nagbabasa lang sila lang ng libro doon o kaya pumunta doon para lang matulog."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Andre, kung inaalala ng netizen ang "KyBe" o Kyline-Kobe love team, bakit ito pa raw ang nangunang mang-intriga kay Kobe.

Pinalalabas daw kasi ng content creator na "bad person" si Kobe.

Ipinunto rin ni Andre kung sino ang mga babaeng kasama ni Kobe.

Ani Andre, kung talagang "magaling silang mag-stalk" ay nalaman na raw sana ng content creator na "girlfriends" ng mga barkada ni Kobe ang kasama nito sa club.

Paninita pa ni Andre sa content creator: "Pero of course di mo sasabihin sa followers mo yan dahil gusto mo gumawa ng issue.

"Issue = views

"views = monetary gains

"I understand how addicting it is to get views and comments on a social media post.

"But doing it this way? Nako po

"Using others name and private life for clicks and views?

"If you’re monetizing this then it will say a lot about what you’re trying to do maam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, iginiit ni Andre na dinedepensahan niya lamang ang kapatid na si Kobe.

Pagtatapos ni Andre (published as is): "Don’t even try deleting the videos you’ve made or even blocking me. You’ll just be tampering with evidence.

"I’m his kuya and I have the right to stand up for him against people like you who only care about making him look bad."

Read: Andre Paras defends brother Kobe against netizen

KYLINE-KOBE UNFOLLOW EACH OTHER ON INSTAGRAM

Nagpatindi pa sa hinala ng fans na hiwalay na sina Kobe at Kyline nang parehas nilang in-unfollow ang isa't isa sa Instagram.

Noong April 20 tuluyan nang inalis ni Kyline si Kobe sa kanyang IG following list.

Read: Kyline Alcantara unfollows Kobe Paras on Instagram

Hindi nagtagal, nitong April 22, kapansin-pansing maging si Kobe ay in-unfollow na rin si Kyline sa IG.

Read: Kobe Paras unfollows Kyline Alcantara on Instagram

Nasundan pa ito nang pagpu-post ni Kobe sa Instagram Stories ng larawan niya habang sakay ng bangka sa may dagat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May background music ang kanyang post na "Life is good" ng American rapper na si Future at Canadian rapper na si Drake.

Kobe Paras Instagram Story

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang direktang kumpirmasyon kina Kyline at Kobe kung totoo nga bang break na sila.

Additional reports by Arniel Serato

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jackie Forster (left) posts cryptic borrowed quotes about "manipulation" and "accountability" that leave netizens speculating again about the Kobe Paras - Kyline Alcantara (right) rumored falling-out.
PHOTO/S: Jackie Forster on Instagram/Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results