Engaged na ang aktres na si Kiray Celis sa kanyang longtime at non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.
Ito'y matapos ang halos limang taon nilang relasyon.
Read: Kiray Celis' Daring Pictorial with Boyfriend
Ngayong Lunes, April 21, 2025, ibinahagi ni Kiray sa Instagram ang naging proposal sa kanya ni Stephan.
Base sa mga litratong ini-upload ni Kiray, sa isang beach resort lumuhod si Stephan sa harap ng aktres para hingin ang kamay nito.
Makikita ring present ang mga magulang at kapatid ni Kiray nang mag-propose sa kanya ang nobyo.
May ilang litrato pa na makikita ang pagiging emosyunal ni Kiray nang tuluyang lumuhod sa kanyang harapan si Stephan at ilabas nito ang engagement ring.

Mababasa sa caption ng post ni Kiray (published as is), "Ang CEO ng Hot Babe, Hello Bloom at Day-Li ay ENGAGED na!!!"
CONGRATULATORY MESSAGES FOR KIRAY AND STEPHEN
Sa comments section ng post ni Kiray, bumuhos ang pagbati mula sa ilan niyang kaibigan at kasamahan sa industriya.
Read: Kiray Celis' new business hits PHP8.3M sales in just 6 months
Komento ni Donnalyn Bartolome (published as is), "awwe. congrats Kiray!"
Saad ni Sexbomb Jopay (published as is), "Congrats nak."
Bati naman ni Queenay Mercado (published as is), "OMGGGG!!! Congratulations."
Dagdag pa ng isang fan (published as is), "Congrats kiray! loving and staying with a boy that became a good man is everything! I hope for a happy and healthy marriage for the both of you! You deserve everything!"
Read: Kiray Celis refutes "horror stories" about Marian Rivera
KIRAY AND STEPHAN TALK ABOUT idea of settling down
Sa panayam ni Kiray sa PEP Troika noong July 2022, sinabi niya na noon pa man ay napag-uusapan na nila ni Stephan ang pagpapakasal.
Read: Kirst Viray masaya sa love life ni Kiray Celis: "Sobrang in love siya..."
Nagiging biro na nga raw noon na sa tuwing nagpupunta sila sa mall ay pinapakiramdaman daw ni Kiray kung bibili na si Stephan ng singsing.
Ani Kiray: "Pag nagmu-mall kami, nagtitingin na siya ng mga diamond ring. Sabi ko, 'Hindi ako bababa sa PHP500,000. Kailangan, mas mataas.'
"May trabaho naman siya. So, galingan niya, ‘no?! Sa tagal-tagal na panahon na hindi ako nag-boyfriend, 'tapos yun lang pala yung hinintay ko, di ba?
"Pero alam niya na deserved ko. Nagtingin-tingin na siya. Naririnig-rinig ko, pero natatawa lang ako sa kanya.
"Ang hirap naman mag-assume pero napapag-usapan naman namin. Ang sarap sabihin na ramdam mo kapag tamang tao para sa ‘yo."
Read: Kiray Celis, P500K above ang gustong engagement ring mula sa nobyo
Noong December 2024 ipagdiwang nina Kiray at Stephan ang kanilang ika-limang anibersaryo bilang magkasintahan.
Read: Did Kiray Celis's boyfriend tattoo her face on his chest?
