PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez explains requirements before accepting sexy roles

Sanya Lopez relates funny scene with David Licauco.
by Rommel Gonzales
Published Apr 18, 2025
Sanya Lopez
Kapuso actress Sanya Lopez talks about latest movie Samahan Ng Mga Makasalanan and her working relationship with its lead star David Licauco (not in photo)
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram

Mula sa heavy drama na Kapuso teleseryeng Pulang Araw, kasama naman ngayon si Sanya Lopez sa comedy movie na Samahan Ng Mga Makasalanan.

Sa trailer ng pelikula, may eksenang ipinakita ni Sanya ang kanyang pagiging sexy.

“Ako dito si Mila, siyempre ang tawag ng bayan sa kanya, ‘tukso ng bayan,’ yun ang tawag sa kanya,” kuwento ng Kapuso actress.

“At isa rin ako sa talagang taga-Sto. Cristo na magdududa kay Rev. Sam tungkol sa gusto niyang gawing misyon.”

Ang tinukoy niyang Reverend Sam ay ang pangunahing karakter sa pelikula na ginagampanan ni David Licauco.

Lahad pa ni Sanya, “So, ngayon dahil nga tukso ako ng bayan, malalaman natin dito kung ako ba yung tutulong sa misyon ni Rev. Sam o ako yung tutulong para maging miyembro si Reverend sa mga makasalanan.”

Read: Coco, Julia, Janine, Jericho, Vilma spotted at Day 1 of Nora Aunor's wake

SANYA ON BEING SEXY

Kaugnay ng sexy scene niya sa pelikula, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sanya kung lagi ba siyang game or may hesitation pa rin siya sa ganoong eksena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, nung ginawa ko ‘to may hesitation na talaga ako, e, lalo na kay… sobrang seryoso kasi talaga ni David, e,” ani Sanya na may kasamang tawa.

“Hindi, ano, siguro kaya ko lang naman tinanggap ‘to because, number one, maganda yung story, nakakatuwa siya sobra, at may mapupulot talagang aral dito.

“So, nagbabase din talaga kami now dun sa…kapag may sexy na part, kung talagang maganda yung pelikula. So, medyo pinipili lang po namin sa ngayon.”

SANYA’S HEAVY SCENES IN PULANG ARAW

Pinag-usapan at hinangaan ang mabibigat na eksena ni Sanya sa heavy-drama Kapuso TV series na Pulang Araw.

Naging mahirap ba para sa kanya ang pag-shift niya ng acting mula Pulang Araw sa character niyang sexy-comedy role sa Samahan Ng Mga Makasalanan?

“Sa totoo lang, nung time kasi ng Pulang Araw sobrang bigat niya, e.

“So, nung dumating sa akin itong Samahan ng mga Makasalanan, actually, refreshing siya for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang iyon yung way para medyo bumitaw muna ako dun sa ano [Pulang Araw], kasi sobrang bigat niya, to the point na kailangan ko ng hingahan.

“At itong Samahan Ng Mga Makasalanan, siguro maganda rin kasi yung bonding naming mga cast doon, sobrang gaan lang din, so may… iba kasi yung bonding namin dun, so naka-help siya sa akin.

“So, hindi siya masyadong naging challenge for me kasi in-enjoy ko rin siya.”

ON WORKING WITH DAVID LICAUCO

Na-challenge ba siya sa eksenang pang-aakit kay David?

“Nung umpisa kasi nun… isa yun sa talagang kinabahan po ako, kung meron mang challenging sa part na ‘to, yung pang-aakit talaga kay David.

“Tapos merong eksena na hindi pa niya nakikita kung ano yung suot ko, so pagbukas niya ng pinto, tumawa, nawala na yung ano, sabi ko sa kanya, ‘Huy, sandali! ‘Wag kang tatawa!’

“Kasi nakalimutan niyang, ‘Ay, pari pala ako, bawal pala yun!’ So masaya naman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“In short, in fairness naman po kasi kay David, first time ko siyang nakatrabaho sa ganitong klaseng magaan na pelikula, masaya lang, and siya na seryosong tao, tahimik lang, very nonchalant, di ba?

“Pero ang cute lang na marunong siyang makisama at hindi rin po ako nahirapang pakisamahan si David.

“Though, before pa magkakilala na rin naman kami, so naging magaan na rin naman po para sa amin.”

Kasama rin sa cast ng Samahan Ng Mga Makasalanan sina Joel Torre, David Shouder, Soliman Cruz, Betong Sumaya, Buboy Villar, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, at Jun Sabayton.

Kabilang din sa cast sina Chanty Videla, Jay Ortega, Christian Singson, Shernan Gaite, Batmanunulat (Jerome Lois Esguerra), Tito Abdul (David Domanais), Tito Marsy (Christian Kimp-Atip), Yian Gabriel, Liana Mae, at Euwenn Mikaell.

Showing na sa mga sinehan simula Black Saturday, April 19, 2025.

Produced ng GMA Pictures at ni former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, ang Samahan ng mga Makasalanan ay mula sa direksyon ni Benedict Mique, na katuwang ring sumulat ng script ni Aya Anunciacion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Sanya Lopez talks about latest movie Samahan Ng Mga Makasalanan and her working relationship with its lead star David Licauco (not in photo)
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results