Naging malapit si Nadia Montenegro kay Pilita Corrales dahil sa anak nitong si Monching Gutierrez.
Nakasama ni Nadia si Monching sa That's Entertainment, ang youth-oriented show na umere noong 1986-1996.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadia sa ikalawang gabi ng lamay ni Pilita, noong April 14, 2025, sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.
Ayon kay Nadia, parang anak na ang turing ni Pilita sa kanya at ibang mga kaibigan nila ni Monching.
"Kay Tita Pilita kasi before, after ng—kunwari nasa That's Entertainment kami, or kaya galing sa rehearsals.
"Automatic na yan, ang aming pupuntahan kundi bahay ni Kuya Germs, bahay ni Tita Pilita, ni Monching."
Ang tinutukoy ni Nadia na "Kuya Germs" ay ang namayapang Master Showman na si German Moreno, na host ng That's Entertainment.
Natandaan pa ni Nadia kung paano mag-asikaso si Pilita.
Patuloy niya: "Kung ano ang hinahanda niya para kay Monching, hinahanda rin ni Tita Pilita sa aming lahat.
"Ganun ang samahan namin noong araw. Hindi naman kasi mahilig mag-bar, lalo na mga bata pa kami.
"Yun ang fondest moments. Kahit anong fondest, kunwari pag galing kayo ng probinsya, mayroon kayong mga baratilyo, fiesta, meeting place namin sa kanila."
Tumatak din kay Nadia ang mga paalala ni Pilita noon sa barkada nila ni Monching.
"Kung ano yung payo niya kay Monching, bago kami umalis parating napapagalitan, 'Monching, be careful with your driving.'
"Basic. Alam mo naman si Tita Pilita, Espanyol. E, ang tatay ko rin ganun din.
"So, medyo nakaka-relate ako sa pagiging strict niya, kaya yung mga manners, mga etiquette, pinapaalam niya."
Ayon pa kay Nadia, mapalad ang henerasyong naabutan ang husay at brilyo ng isang Pilita Corrales.
"Pilita Corrales, di mo na mapapalitan yun.
"Kumbaga, we should be grateful that this generation na naabutan si Pilita Corrales.
"Wag na tayong mag-waste time na mag-compare kasi she's incomparable.
"Let's cherish everything that she has done for the music industry. Let's cherish everything she shared.
"Yun nga, pag sinabi mong Pilita Corrales, thank you for the music."
Read: Pilita Corrales last moments, inalala nina Jackie Lou at Monching
HELEN GAMBOA fond MEMORIES OF PILITA
Si Helen Gamboa ang isa pang artistang nakausap ng PEP sa lamay para kay Pilita.
Sang-ayon si Helen na malaking kawalan ang pagpanaw ni Pilita at wala na raw maaring pumalit dito bilang Asia's Queen of Songs.
Halos magkasabay na pumalaot sa mundo ng showbiz, maraming magagandang alaala si Helen sa namayapang singer.
"Nung magkasama kami before, siyempre siya ang Asia's Queen Of Songs, di ba?
"Minsan pag nagre-recording kami, she's so nice, palagi akong pinapaalahahanan na, 'Ilabas mo. Ilakas mo.'
"She's so funny and she's very lovable.
"Well, I will never forget her. She made us all very happy.
"Not only here in the Philippines, but she's known as Asia's Queen Of Songs and she's the only Pilita Corrales."
Read: Ara Davao recalls how Pilita Corrales encouraged Moira dela Torre
HOW HELEN GAMBOA LEARNED ABOUT PILITA'S PASSING
Nalaman ni Helen ang tungkol sa pagpanaw ni Pilita sa anak ni Pilita na si Jackie Lou Blanco.
"Sobrang sudden kasi di ko naman alam na she was sick.
"Well, of course, Jackie Lou was very close to me. Kami ang nag-usap," lahad ni Helen.
Sa huli, simple ang mensahe para kay Pilita.
Aniya, "I know she's in the better place, she is with God. She's there , up there, looking at al; of us right now.
"I would say na God bless you. Even now, even after life, God bless you! I am so happy that you are with God."
