Napa-react si Nadine Lustre sa isang netizen na nagsabing wala na siyang maramdamang "spark" sa relasyon ng aktres sa French boyfriend na si Christophe Bariou.
Sa TikTok noong April 12, 2025, nag-post si Nadine ng video kunsaan makikitang naliligo siya sa isang lawa.
@nadinelustre kahit saglit lang
? original sound - Audie'sDream
Bagamat wala sa video si Christophe, isang netizen ang nagkomento at nagbigay pa ng payo na hiwalayan na ni Nadine ang nobyo.
Read: Christophe Bariou's Cancer Battle
Ang buong komento ng netizen:
"Nadz, after that vid clip with your boyfie– I can’t feel the spark anymore.
"Please settle for someone better than him. Someone who wants to give his last name to you."
Hindi naman ito pinalampas ni Nadine at agad siyang nag-reply, "I think you should stop judging people based on a short clip."

NETIZENS DEFEND NADINE-CHRISTOPHE FROM CRITIC
Mabilis ding dumepensa ang mga tagahanga ni Nadine.
Payo nila sa aktres, huwag nang pansinin ang mga ganitong komento lalo na kung patungkol sa kanila ni Christophe.
Read: Nadine Lustre Defends Boyfriend from Accusations
One comment read (published as is), "Pls Nadine don’t mind her, I like your boyfriend he’s very nice do what makes you happy."
Saad ng isang netizen (published as is): "cuz she’s aging like the rest of us, and with age, you come to realize a lot. Not everyone wants a spark and a thrill. Some of us only want peace and comfort.”
Sabi ng isa pa (published as is): "meron nga diyan may spark daw ,kasal just couple of months hiwalay nag laho Ang spark.Love is more than spark."
Read: Nadine Lustre on pregnancy rumors about her every year: “I don’t know why, I don’t know how.”
Samantala, hindi ito ang unang beses na nag-reply si Nadine sa comments section.
Sa Instagram noong August 20, 2023, dalawang netizens ang magkasunod na sinagot ni Nadine nang magkomento ang mga ito sa post ni Christophe.
Ayon sa isang netizen, may nakapagtimbre sa kanyang naiispatan ang boyfriend ni Nadine na madalas kasama ang isang Filipino-German surfer at skater na nakabase rin sa Siargao.
Heto ang buong komento (published as is):
"hi sir @cbariou someone told us from siargao that you been hanging with @maryloubvckvr for these past few days using Nadine's jeep, you've been always with her surfing, eating and skating.
"We just wondering why you always spend time with her while Nadine is in manila.
"We just hope di mo niloloko si Nadine mataas pa naman respeto namin sa ito [sad face emoji]."
Read: Nadine Lustre's boyfriend Christophe Bariou opens up about cancer journey
Ang buwelta ng aktres sa netizen, "Stop acting like you’re concerned. You’re just another hater tryna create drama.
"2023 na, gawa nalang tayong vegan cheese."
Read: Nadine Lustre reveals reason why she doesn't want to have kids
Isa pang netizen ang nagbigay ng malisya sa pakikipagkaibigan ni Christophe sa ibang babae.
Nag-aalala lang daw siya kay Nadine dahil ayaw niyang masaktan ulit ito.
Read: FAMAS best actress goes to Nadine Lustre; best actor to Noel Trinidad
Ang komento ng netizen (published as is):
"sana nads di siya kagaya kay james na manloloko ayaw naming makitang niloloko ka at sinasaktan,
"Same before lagi mong pinagtanggol pero niloloko ka pa rin.
"We just hope yung concern ng siaoganhon na nakakita kay @cbariou at marylou ang mali .
"Malayo ka nads yong taga siargao ang laging nakakakita kung sino palagi kinakasamang babae ni chris sa siao.
"So sana wag masyadong magtiwala kay @cbariou pinagdaanan mo nayan, we hope u learn the lesson [sad face emoji]. CONCERN KAMI SA IYO."
Hindi nagustuhan ng FAMAS 2023 Best Actress ang pagbibigay ng malisya sa pakikipagkaibigan ng kanyang nobyo sa ibang babae.
Aniya (published as is): "how rude and offensive. lagi ko ding kasama yung mga guy friends ko recently, but that doesn't mean Im cheating.
"Di ba siya pwedeng magka friends na girls?
"Di ko kaya yung backwards mentality mo teh. It's giving pre pandemic."
