Sa gitna ng issue sa kasalang Claudia Barretto at Basti Lorenzo, marami ang nag-aabang ng mga pahayag mula sa mga kapamilya ni Claudia, partikular ang inang si Marjorie Barretto.
Tatlong araw mula nang kontrobersiyang dulot ng hinaing ni Dennis Padilla na siya ay naging "visitor of the bride" sa halip na "father of the bride", isang matalinghagang mensahe ang ibinahagi ni Marjorie.
Sa kanyang Instagram Story ngayong araw, April 11, 2025, ni-repost ni Marjorie ang isang post ng Written for Him account.
Ang nasabing post ay tungkol sa survival.
Na dahil napagtagumpayan na ang mga pagsubok noon ay mapagtatagumpayan din ito sa ngayon.
Hindi daw siya pababayaan ng Panginoon.
Mababasa sa hiram na post, "I will survive this, just like l always have before. With trembling hands, tired eyes, and a heart that's known both ache and hope.
"Because God has never failed me, not once."
At kung inakala daw niyang hindi niya malulusutan ang kinakaharap ng pagsubok, napagtagumpayan pa rin niya ito.
Dagdag pa sa mensahe mula sa Written For Him account, "And even when I thought I wouldn't make it, somehow I did.
"Not by my own strength, but by grace that held me quietly. By peace that passed understanding. By a God who's never left.
"Because I've made it before—and I will again."

Read: Celebrities spotted at Claudia Barretto-Basti Lorenzo wedding
IS THIS MARJORIE'S REACTION TO CLAUDIA'S WEDDING ISSUE?
Hindi man tuwirang galing sa kanya ang mensahe, maiuugnay pa rin ng netizens na ang mensaheng ito ay may kunek sa isyu ni Dennis at sa tingin ng aktor ay maling trato sa kanya sa kasalan.
Habang nasa reception pa sina Claudia, Basti, at mga bisita ng couple noong April 8, 2025, nagpakawala na agad si Dennis sa Instagram ng kanyang saloobin ukol sa kawalan niya ng partisipasyon sa wedding ceremony.
Sinabi rin ni Dennis, sa panayam niya kay Ogie Diaz sa YouTube, na hindi niya alam kung saan lulugar sa church venue dahil hindi naman niya personal na kilala ang pamilya ng groom.
Hindi rin daw siya binigyan ng heads-up ng ibang anak nang dumating ang mga ito sa simbahan.
Ang nakausap lang daw ni Dennis ay ang wedding coordinator na pinagtanungan niya kung saan siya maaaring pumuwesto.
Ang suhestiyon ng wedding coordinator ay tumabi raw si Dennis sa mga ninong, pero tumanggi raw si Dennis dahil alangan daw na doon siya pupuwesto gayong siya ay "father of the bride."
Nasabi pa ni Dennis sa interbyu na sana'y sinabihan siya nang maaga, o kaya'y hindi na lang inimbita para alam niya kung ano ang dapat niyang asahan.
Read: Dennis Padilla heartbroken after being treated as "visitor" at daughter Claudia's wedding
Kahapon, April 10, sa post ng pinsan ni Claudia na si Lucas Barretto, makikitang si Marjorie na "mother of the bride" ang solong naghatid sa anak sa altar.

Halo ang reaksiyon ng netizens sa sentimiyento ni Dennis.
May nagsasabing karapatan ni Dennis na iere ang saloobin niya bilang ama, pero meron ding hindi pabor sa pagsasapubliko ni Dennis ng alitan nito sa mga anak.
Dinipensahan si Dennis ng kapatid niyang si Gene Padilla sa gitna ng viral IG post ni Dennis.
Ayon kay Gene, maaga silang nagtungo sa simbahan dahil "excited" silang masaksihan ang kasal ni Claudia.
Pero nadismaya sila dahil hindi binigyan ng kahit anumang parte sa wedding ceremony ang kanyang Kuya Dennis.
Hindi rin daw sinabihan si Dennis na hindi ito kasama sa entourage na maglalakad sa altar.
Read: Gene Padilla defends brother Dennis's wedding-guest rant
DANI, LEON WRITE TOUCHING MESSAges FOR CLAUDIA
May magkahiwalay naman na post sina Dani Barretto at Leon Barretto tungkol sa bagong kasal na si Claudia.
Sa Instagram, nagbahagi ng isang madamdaming sulat si Dani ukol sa half-sister at sa asawa nitong si Basti.
Sa unang bahagi ng sulat, binati muna niya ang kapatid at si Basti dahil napagtagumpayan nilang mauwi sa kasalan ang sampung taon nilang pagmamahalan.
Sinabihan din ni Dani si Claudia na huwag magpaapekto sa sinuman o anumang alingasngas na maaring makasira sa kanilang kaligayahang nararamdaman.
Bahagi ng mensahe ni Dani, (published as is): "Don’t let anything or anyone dim the light of this moment. It’s your story, your love, and your forever beginning.
"I wish you both a lifetime of happiness, adventure, and love that only grows deeper with time. (heart emoji)"
Read: Dani Barretto posts message for Claudia amid issue with Dennis
Mahaba ang naging mensahe ni Leon para kay Claudia na naging sandigan niya habang lumalaki sila.
Bunso si Leon sa tatlong magkakapatid na anak ni Marjorie at dating asawang si Dennis.
Panganay si Julia at panggitna naman si Claudia.
Ang inaasam lamang daw ngayon ni Leon ay maiparamdam sa kapatid ang pag-ibig na nararapat dito dahil alam niya kung paano ito magmahal.
Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, sinabihan niya ang kapatid na handa pa rin siyang maging tagapagtanggol dito anuman ang mangyayari.
Aniya (published as is), "claui, i hope you know i’ll forever be here for you in times of hardship. even though someone else will now look after you, as your brother, i won’t ever let you go through life’s challenges alone.
"i am, and always will be, your biggest supporter and protector.
"i pray for a happy marriage ahead. continue to protect your peace and joy—don’t let anyone or anything take that away.
"love you, claudia. and welcome to the family, basti."
Read: Leon Barretto pens heartwarming message for sister Claudia
JULIA POSTS ABOUT "narcissistic parent"
Samantala, wala pang post si Julia tungkol sa kasal ng kapatid.
Pero, hindi mapigilang ikonekta ng netizens ang tatlong sunud-sunod na post niya sa kanyang Instagram Stories kagabi, April 10, patungkol sa isang magulang na "narcissist."
Ayon sa webMD.com, ang narcissist ay tumutukoy sa taong mataas ang tingin sa sarili, self-centered, makasarili, at madalas ay hindi iniintindi ang damdamin o pangangailangan ng iba.
Nakasaad sa unang quote na inirepost ni Julia (published as is), "A narcissist doesn't care about being a good parent—they just care about looking like one."
Ayon sa isa pang quote (published as is), "To a narcissist, the kids are just pawns in their war to break you."
Isa pang quote ang kanyang ini-repost, kunsaan mababasa dito na ang paboritong role ng narcissist ay magkunwaring biktima sa nagawan niya ng kasalanan.
Mababasa dito (published as is), "A narcissist's favorite role? The victim. Because it distracts from the damage they caused."
Wala mang sinabi si Julia kung sino ang kanyang pinapatamaan, marami sa netizens ang naghinalang ang post na ito ay para sa amang si Dennis.
Read: Is Julia Barretto calling Dennis Padilla a "narcissistic parent"?
Wala pang reaksiyon si Dennis ukol dito.
