May panibagong post si Dennis Padilla sa Instagram ngayong araw, April 10, 2025/
Ramdam pa rin ang kanyang sama ng loob sa nangyari sa kasal ng anak na si Claudia Barretto at Basti Lorenzo.
Sa Instagram post, ibinahagi ni Dennis ang larawan niya kasama ang kapatid na si Gene Padilla at inang si Catalina Baldivia sa St. James The Great Parish sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.
Kuha iyon bago pa wedding ceremony nina Claudia at Basti.
Ikinasal sina Claudia at Basti noong hapon ng April 8, 2025.
Read: Celebrities spotted at Claudia Barretto-Basti Lorenzo wedding
May naka-super impose na text na nagsasabing umasa si Dennis na maging bahagi ng wedding entourage bilang "father of the bride."
Sabi rito, "Sabi mo Gene... Kuya, alam ko masaya ka kasi mabibigyan ka ng chance mahatid si Claui sa altar nung tayo palang ni Mama ang nasa church.
Nilakipan ito ni Dennis ng crying at broken heart emojis."
Dagdag niya sa caption, "Mahal na Diyos. Hawakan niyo po ko," kalakip ng praying hands, crying, at broken heart emojis.
View this post on Instagram
Sa kabilang banda, si Marjorie Barretto ang solong naghatid sa anak sa altar.
Base ito sa Instagram post ng pinsan ni Claudia na si Lucas Barretto.

Hindi direktang nabanggit ni Dennis kung ano ang reaksiyon niya nang makitang si Marjorie ang kasabay na lumakad ni Claudia.
Ang malinaw sa ngayon ay masama ang loob ni Dennis na hindi siya itinuring na "father of the bride" dahil wala siya sa entourage, at nagsilbing "visitor of the bride" lamang noong araw na iyon.
Iyon ang laman ng emosyunal na post ni Dennis noong April 9.
Sinabi rin niya, sa panayam niya kay Ogie Diaz sa YouTube, na hindi niya alam kung saan lulugar sa church venue dahil hindi naman niya personal na kilala ang pamilya ng groom.
Hindi rin daw siya binigyan ng heads-up ng ibang anak nang dumating ang mga ito sa simbahan.
Ang nakausap lang daw ni Dennis ay ang wedding coordinator na pinagtanungan niya kung saan siya maaaring pumuwesto.
Ang suhestiyon ng wedding coordinator ay tumabi raw si Dennis sa mga ninong, pero tumanggi raw si Dennis dahil alangan daw na doon siya pupuwesto gayong siya ay "father of the bride."
Nasabi pa ni Dennis sa interbyu na sana ay sinabihan siya ng maaga o kaya hindi na lang inimbita para alam niya kung ano ang dapat niyang asahan.
Read: Dennis Padilla heartbroken after being treated as "visitor" at daughter Claudia's wedding
DENNIS PADILLA: "naawa ako kay claudia..."
Sa latest IG post ni Dennis ngayong April 10, isang netizen ang nakisimpatiya sa aktor.
Baka raw hindi kontrolado ni Claudia ang takbo ng programa at wala na itong nagawa.
Buong komento ng netizen, "Mukha mabait si Claudia palagay ko ayaw din niya ang nangayayari kaya lang wala siya magawa.
"Mukha mababait din ang in-laws niya. Baka ayaw din nila ang nangyayari.
"Kaya pray ka lang Dennis. Pasasaan ba at matatapos din lahat ang problema ninyo. God is good all the time."
Maiksing sagot ni Dennis, "Naawa ako kay Claudia." Nilakipan niya ito ng crying at heart emojis.

Hindi naman malinaw kung saang aspeto naawa si Dennis sa anak dahil hindi na siya muling nagkomento pa.
May mga nagdadasal naman para maghilom ang sugat sa puso ni Dennis.

Isa pang netizen ang nagsabi, "Never underestimate ang nararamdaman ng isang ama. Hindi puro nararamdaman lang ng ina ang importante."

Ipinagtanggol din si Dennis ng isang netizen na nagsasabing hayaan na ang aktor na maglabas ng sama ng loob kung ito ang makakapagpagaan ng pakiramdam nito.
Artista rin daw si Dennis at mga anak nito kaya hindi na raw dapat magtaka kung naisasapubliko man ang nangyayari sa mga buhay ng mga ito.

other NETIZENS not in favor of dennis airing his sentiments in public
Pinagsabihan naman si Dennis ng ibang netizens.
Sabi ng isa (published as is), "Naawa, pero nag-post nang ikakasira nang anak niya... Ano ba talaga?"

Sermon pa ng isa, napakaimportanteng okasyon daw ng kasal para sa kay Claudia para haluan ni Dennis ng negatibong post.
Ayon sa netizen (published as is), "Naawa ka pala tapos gumawa ka ng malaking ingay sa mismong araw ng kasal niya?
"Di mo ba alam na napakaimportanteng araw yan sa mga babae, pero sinira mo po!
"Sana nagtimpi ka na lang muna at kinausap in private at isiwalat lahat ng hinaing mo sa kanila.
"Pinatapos mo na sana muna ung event at hinayaang maging masaya ang Big Day ng anak.
"Pero hindi. Pinili mong mag-create ng ingay. Na ikasisira ng anak mo."

Sabi ng isa pa (published as is), "Naawa ka kaya puro ka papansin sa social media at nagpa-interview ka pa?
"Sa dami ng post, comment, at kuda mo sa interview na ikasisira ni Claudia at ng bagong buhay-may-asawa niya, naawa ka sa kanya?
"Hoy Dennis, pumasok ka na ng mental, di na normal pag-iisip mo.
"Imbes na ang kasal ng anak mo ang pag-uusapa ang ka-toxic-an mo ang naging usap usapan, masaya ka nyan?
"Sinira mo buhay ng anak mo. Claudia is the most quiet sa mga anak mo, low-key and nananahimik privately, yet eto ka pinaiingay mo name niya right after her wedding sa masamang paraan.
"Isa kang walang kwentang ama kahit kelan! Sana ituring ka ng patay ng mga anak mo!"

Pagtataray ng isa, "Ikaw lang ang father na gustong-gusto nasisira ang mga anak nila sa publiko."

Sa ngayon, wala pang bagong post si Dennis matapos itong magpaunlak ng interview kay Ogie, kunsaan isiniwalat niya ang mga huling usapan nila ni Claudia noong magkita sila noong March 18 at noong araw mismo ng kanyang kasal noong April 8.
Read: Dennis Padilla recounts convo with Claudia on her wedding day
Hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag ang kampo ni Claudia.
Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa magiging pahayag ni Claudia at sa lahat ng taong sangkot sa isyu.
Read: Dani Barretto posts message for Claudia amid issue with Dennis
