PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chadd Solano on why he keeps saying sorry to female co-stars

"Nararamdaman po nila..."
by Jerry Olea
Published Apr 6, 2025
Chadd Solano
VMX actor Chadd Solano always says "sorry" to his female co-actors whenever he does a sexy scene with them: "Nagso-sorry ako na ganito yung ano ko, na nakaramdam ako ng konting ganun. ‘Kaya pasensya ka na.’ Sinasabi naman ng mga babaeng nakaka-partner ko, OK lang naman.”
PHOTO/S: Chadd Solano Facebook

Tinanggihan ng VMX hunk actor na si Chadd Solano ang pelikulang Ligaw kung saan co-stars sana niya sina Robb Guinto, Ali Asistio, at JC Tan, sa direksyon ni Omar Deroca.

Pinalitan siya ni Rash Flores, na alaga rin ng manager niyang si Jojo Veloso.

Nang bigyan si Chadd ng schedule para sa shoot ng Ligaw, may conflict sa prior commitment niyang pagrampa sa Body of Work: The Bench Underwear Show na ginanap noong Marso 21, 2025, sa SM Mall Of Asia Arena, Pasay City.

Chadd Solano in Bench Body of Work
Chadd Solano at the Body Of Work: Bench Underwear Show.
Photo/s: Bench / Chadd Solano Facebook

“Nagkataon po na kasabay nung sa Bench,” pagsisiwalat ni Chadd sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Abril 5, Sabado sa isang hotel sa Cubao, Quezon City.

“E, sabi ko naman po, isang beses lang po ako dito rarampa, sabi ko sa sarili ko. Eto na muna yung ano. Marami pa naman pong project na darating siguro [sa VMX].”

Ang huling pelikulang na-shoot ni Chadd sa VMX (na dating Vivamax) ay ang pelikulang Ungol na noong Nobyembre 8, 2024, pa nag-streaming.

Co-stars niya sa Ungol sina Audrey Avila, Stephanie Raz, Guion Espinosa, Hurry Up Tiongson, Jodi Garcia, at Gboy Pablo, sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr.

Kabilang pa sa VMX projects ni Chadd ang Virgin Forest, Alapaap, Bata Pa Si Sabel, Dilig, Paluwagan, Maliko, Call Me Alma, Ganti-ganti, Pamasahe, Sandwich, Showroom, Boy Kaldag, at An/Na.

BENCH BODY OF WORK EXPERIENCE

Kumusta ang experience niya sa pagrampa last month sa star-studded Bench fashion extravaganza?

“Masaya po, kasi, bata pa lang po kasi ako noon, ginagamit ko na yung underwear na yun,” sagot ni Chadd.

“Nakikita ko sa kuya ko, sinusuot niya. Bumibili siya ng mga ganun. Sabi ko, ‘Balang araw, rarampa ako dito sa napakalaking ano, prestigious na ano na ito na modeling.’

Chadd Solano strutting in his underwear at the Bench Underwear Show held last month at the SM MOA Arena.
Chadd Solano strutting in his underwear at the Bench Underwear Show held last month at the SM MOA Arena.
Photo/s: Bench / Chadd Solano Facebook

“High school pa lang po ako noon, mga 2009, nung nalaman ko, kasi pag Bench po dati, parang sikat na sikat po yun, e.

“Kaya ngayon, natupad ko na ang pangarap ko na mag-Bench, and then itong next goal ko naman po is sana, makarampa ako sa Century Tuna kung sakali.”

Nakahalubilo ni Chadd ang sandamukal na celebrities sa Body of Work.

Andiyan sina Kathryn Bernardo, Alden Richards, SB19, Joshua Garcia, David Licauco, Hidilyn Diaz, Janine Gutierrez, Lovi Poe, Sunshine Cruz, Ina Raymundo, at marami pang iba.

“Na-experience ko po dun, parang napakaano nila, napakabait po, napaka-approachable,” lahad ni Chadd.

“Like si Jake Cuenca, hindi ko naman mismo nakausap si Jake Cuenca kaso ano nga lang, nag-aano naman siya. Approachable naman po siya.

“Yan, sina Kirk Bondad, sina Shaun Pelayo. Mabait po si Shaun Pelayo.”

Nagpa-picture ba siya sa sikat na celebrities sa backstage?

Umiling si Chadd, “Hindi po. Kasi mahiyain din po ako. Nahiya po akong lapitan sila.”

Mapangahas sa pagrampa si Chadd. Nakabuyangyang ang wetpaks. Pwetmalu!

“Oo nga po! He-he-he! Di ko rin po in-expect,” pagtawa ni Chadd.

Sa shooting sa VMX, panay-panay rin naman ang butt exposure niya, pero konti lang ang tao sa set. Nahiya ba siyang rumampa na labas-puwet at libu-libo ang nanonood?

“Parang… ang experience ko naman dun, parang ganun din lang po. Kasi yung mga tao, malayo naman po,” pagmamatwid ni Chadd.

“Yung camera naman po ang nagpapa-zoom para makita yung ano natin, yung puwet natin. Ha-ha-ha! “Hindi na po ako kinabahan. Sanay na rin po ako. Kasi dati naman, nagbi-bikini open ako. Kaya nasanay na rin po.

“Saka yung mga content ko naman po sa Facebook… Ha-ha-ha! Kaya ayun po, nasanay na rin po ako sa ano, kaya hindi na rin po ako mahiyain sa ganun, e.”

saying sorry to his female co-stars

Ang unang project ni Chadd sa VMX ay ang pelikulang Virgin Forest na nag-streaming noong Hunyo 24, 2022. Idinirek iyon ni Brillante Mendoza.

Sa istorya, ginahasa ni Chadd si Robb Guinto. Hubo’t hubad si Chadd sa eksenang hinahabol niya si Robb na nakaputing kamison.

“Naka-plaster po ako nun. Pero muntik na po akong hindi mag-plaster,” pagbabalik-tanaw ni Chadd.

“Kinausap ko si Direk Brillante. Ang sabi niya, nasa sa akin daw po kung magpa-plaster ako o hindi.

“E, sabi ko naman, first time kong movie yon, sabi ko, parang nagdadalawang-isip ako nun na mag-plaster ba o hindi.

“E, nung time na napag-isipan ko, nag-plaster na po ako.”

Sa mga sumunod niyang project ay lagi na siyang naka-plaster, maliban sa pelikulang Bata Pa Si Sabel na nag-streaming noong Disyembre 2022.

Pagtatapat ni Chadd, totoong private part niya yung nag-hello sa eksenang niluluray niya si Micaella Raz. Hindi raw iyon dildo o prosthetic penis. Naka-plaster daw si Micaella pero siya ay hindi.

So, totoong may erection siya sa eksena? OK lang iyon kay Micaella?

“Hindi ko naman po mismong tinutok sa ano niya. Naka-plaster po yung buong ano niya,” sabi ni Chadd.

Naramdaman pa rin ni Micaella na telag ang ari niya sa eksena?

Pag-amin ni Chadd, “Halos lahat naman po ng nakaka-bed scene ko, nararamdaman po nila. Kasi naka-plaster po ako.

“Ang unang-una kong sinasabi sa babae, ‘Sorry.’ Nagso-sorry ako na ganito yung ano ko, na nakaramdam ako ng konting ganun. ‘Kaya pasensya ka na.’

“Nagso-sorry po ako. Humihingi po ako ng pasensya. Sinasabi naman ng mga babaeng nakaka-partner ko, OK lang naman.”

Kabilang sa VMX stars na nagpakislot sa kanyang pagkalalaki at hiningan niya ng paumanhin ay si Ayanna Misola na nakaeksena niya sa pelikulang Bugso.

“Nasa shower po kami. Ang ganda ng spotlight po dun, e. Talagang kita mo lahat,” pakli ni Chadd.

“Pasabog po talaga yun, kaya dun po ako ng nakaramdam.”

Mas gusto niya na naka-plaster siya, kesa sa posible siyang makitaan ng maselang parte ng katawan?

“Depende rin po sa partner ko yun kung papayag po siya o hindi. Pero pag pumayag naman siya, OK lang na hindi mag-plaster,” kaswal na tugon ni Chadd.

Kabilang sa mababait na mga babaeng nakatrabaho niya sina Angela Morena, Micaella Raz, Stephanie Raz, Angeli Khang, Ayanna Misola, at Robb Guinto.

bad experience after a bikini contest

Dumami ba ang indecent proposals sa kanya ng mga bading o matrona dahil sa pagbi-VMX niya? Hinaharot siya online?

“Naku! Napakarami po sa chatbox ng messenger ko, e. Saka sa Facebook pa po,” sabi ni Chadd.

“Kaso nga lang, meron naman po yung mga time na tsina-chat ko naman po sila.

“Kaso nga lang yung iba, hindi ko natsa-chat, kasi medyo may pagka… sa una pa lang, yung mga message nila, medyo hindi kagandahan yung sinasabi.

“Kaya hindi ko na sila sinasagot. Iniisnab ko na lang po yung mga ganung ano, kasi una pa lang, sasabihin nila na ganito, ‘Puwede ba kitang matikman?’

“May mga ganun kaya hindi ko na po pinapansin.”

Meron na ba siyang bad experience sa mga bading? May nagsamantala o umabuso sa kanya? Nambastos?

“Meron po dati, bago pa ako mag-VMX. Nagbi-bikini contest pa lang po ako noon,” rebelasyon ni Chadd.

“Nangyari po iyon sa Zambales. After po ata ng contest namin.

"Ang nangyari po nun, parang in-invite po ako sa bahay po nila. Ngayon, meron po siyang gustong gawin sa akin pero hindi po ako pumayag. Akala ko naman po, kakain lang po kami.

“'Tapos ngayon, hindi po ako pumayag sa gusto niya… galing po kami sa bahay niya, e. Parang pumunta kami sa bahay, pinasundo ako.

“Nung hindi ako pumayag sa gusto niya, ang sabi niya, ‘Nawawala ang relo ko!’ Sabi. ‘Nawawala ang relo ko!’

“'Tapos sabi sa akin, ‘Kapkapan nga kita!’ ‘Ba’t mo ako kakapkapan?!’ E di inilabas ko yung bulsa ko, wala naman. ‘Nakita mo ako mula pagpasok ng bahay mo, pumasok ako dito sa itaas, e!’

“Ayun, dun ko naranasan yung ganun, pinakamasamang experience ko rin po. Galing pa po ako ng Pangasinan sa event na yun sa Zambales, Subic.”

Chadd Solano on his leaked video

Marami-rami nang artistang lalaki ang nakunan ng video habang may katalik na babae. Isa sa umamin ay si Rash Flores. Meron na rin ba siyang ganung experience, na niyaya siya ng babae na makatikiman?

“Meron po akong nag-leak na isang video na ganun dati. Alam ko po, lumabas na yun sa Twitter at mga website,” pagtatapat ni Chadd.

“Nagdya-jack off po ako sa CR. Parang may babae po akong ka-videocall. Lumabas po yun, inaamin ko naman.

“Nandun na po, e. Nangyari na po. Kaya wala na akong magawa… Pandemic kasi nun. Hindi ko rin po alam kung papaano ko nagawa yun.

“Hindi ko alam kung paano ako napapayag. Alam ko, marami rin kaming nabiktima nung ano na yun, e... nung taong yun. Alam ko, hindi lang ako.”

Pinay ba o foreigner yung ka-videocall niya? Sure ba siyang babae at hindi trans?

Napakunot-noo si Chadd, “Boses-babae siya, e. Pero yun pala yung A.I. (artificial intelligence) na sinasabi.”

chadd solano on becoming an adult content creator

If ever, willing ba siyang mag-pictorial nang walang saplot, as in nakabuyangyang lahat?

Natigilan sandali si Chadd bago sumagot, “Willing? Willing naman po ako basta maayos ang usapan. Walang problema dun, e. Willing po akong mag-pictorial nang nude.”

Nauuso ang Only Fans, Just For Fans, Fansly, Fanvue, at iba pang app kung saan ang subscribers ay nagbabayad para masilayan ang adult content ng creator. Naisip ba niyang subukan iyon?

“Naku, muntik ko nang pinasok dati! Nung sabi ko, magku-quit na ako sa Vivamax,” wika ni Chadd.

“Parang gusto ko lang ma-try. Meron akong tropa dati na naggaganyan din. Meron siyang ipinabasa sa akin na message na ganito, ganyan.

“Sabi niya, ‘Bago mo pasukin ito, bro, basahin mo muna ito.’ So nabasa ko yung mga details na nakalagay.

“Sabi ko, ‘Ay! Huwag na lang pala,’ kako. Nagbago ang isip ko. Nagpatuloy na lang ako sa paggawa ng content for Facebook na pa-thirst trap lang. Baka sakali, mag-succeed ako dito.”

Ang VMX star na si Salome Salvi ay adult content creator at may mga naka-collab.

“Nakaeksena ko po si Salome sa Boy Kaldag. Nagkuwento rin siya sa akin ng mga disavantage sa paggawa ng adult content,” saad ni Chadd.

“Like sa family niya, yung side ng family niya, ganun ang tingin sa kanya. Pero meron at merong isa na susuportahan ka, sabi niya sa akin. Yung kapatid niya, na nakasuporta sa kanya lagi.

“So yung kapatid niyang yun, love na love niya.”

Kakayanin pa ba niyang maging adult content creator?

“Hindi ko na po siguro kakayanin. Hindi ko na po siguro kayang gawin.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX actor Chadd Solano always says "sorry" to his female co-actors whenever he does a sexy scene with them: "Nagso-sorry ako na ganito yung ano ko, na nakaramdam ako ng konting ganun. ‘Kaya pasensya ka na.’ Sinasabi naman ng mga babaeng nakaka-partner ko, OK lang naman.”
PHOTO/S: Chadd Solano Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results