Naging emotional ang Sparkle actress na si Elle Villanueva habang ikinukuwento ang near-death experience niya nang magbakasyon sila ng boyfriend na si Derrick Monasterio sa Switzerland.
Akala raw ng aktres ay huling sandali na niya nang nagpagulung-gulong siya sa may Alps, ang kilalang bundok sa Switzerland kung saan matatagpuan ang pinakapopular na ski resorts.
Read: Derrick, may realization pagkatapos ng aksidente ni Elle sa Alps
“Kasi peak yun, e. So, akala ko, mapupunta na ako sa pinakababa or maybe malaglag na lang talaga ako or hindi ko alam.
"Akala ko last moments of my life na yun,” kuwento ni Elle kay Aubrey Carampel sa "Chika Minute" segment ng 24 Oras,
Pero naging alerto pa rin daw si Elle sa gitna ng mapanganib na situwasyon:
Aniya, “At the same time, nasa survival mode ako na naghahanap ako ng makakapitan.”
Sa kuwento naman ni Derrick sa mediacon ng teleseryeng Slay, akala raw niya ay hindi na niya makikitang buhay si Elle nang mahulog ito.
Lahad ng Kapuso actor: “She almost died. Nasa Swiss Alps kami tapos nadulas siya, dire-diretso lang siya pababa.
"Sobrang taas, two-storey high slope without seeing the end kasi sobrang foggy.
“Para siyang nag-snowball, lahat ng gamit niya kumalat na doon. Mataas yun. Mga two floors yung pa-slide.
"Tapos dun sa pinakadulo, may 10-feet drop. So, may hulog pa.
“Buti na lang may isa pang flat na road na nandoon siya nahulog.”
Read: Derrick Monasterio, 29, proud owner of 5 lots in prime locations
LIFE-CHANGING MOMENT
Naging life-changing moment daw iyon para sa magkasintahan.
Na-realize daw nilang puwedeng magwakas ang buhay natin nang biglaan. Kaya mas pahahalagahan daw nila ang bawat araw na buhay sila.
Sabi ni Elle: “Pag nakita mo talaga yung video, parang pinakita talaga sa ‘kin ni Lord kung ano yung itsura ko kung mamamatay ako.
“So, parang I think this is Him telling me na I need to appreciate life more. Life-changing talaga siya, parang it’s a message na binigay talaga sa ‘kin ni Lord.”
Para naman kay Derrick: “Buti na lang safe kami, pero yun yung nagpa-realize sa akin na life is short. Huwag mong i-take for granted yung buhay.”
Bago ang aksidente ni Elle, napasyalan nila ni Derrick ang magagandang tourist spots sa Switzerland, Italy, at Liechtenstein.
Nasaksihan din nila ang Northern Lights o Aurora Borealis sa Iceland.
View this post on Instagram
Balik-trabaho na si Elle pagkatapos nang huling pinagbidahan niyang teleserye last year na Makiling.
Kabilang si Elle sa bagong yugto ng Lolong: Bayani ng Bayan, kung saan gagampanan niya ang karakter ni Tetet, ang bagong love interest ni Lolong, na ginagampanan ni Ruru Madrid.
Samantala, umaani naman ng papuri si Derrick sa kanyang pagganap bilang fitness influencer na naging biktima ng murder sa Slay.
