Sa ngayon ay ine-enjoy ni Barbie Forteza ang pagiging single.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Barbie kung kumusta siya halos tatlong buwan mula nang isapubliko niyang hiwalay na sila ni Jak Roberto.
Read: Barbie Forteza announces breakup with Jak Roberto
"I'm so, so happy to be in relationship with myself right now," masayang bungad ng Kapuso actress.
"I'm getting to know myself more, and I love that about me. Parang ang dami kong nadi-discover na mga bagong bagay tungkol sa akin.
"Kaya ko palang tumakbo. Kaya ko palang maging morning person. Akalain mo yun?
"Hindi ako morning person, wala akong exercise dati, ngayon tumatakbo na ako.
"I'm falling in love with myself every day."
Madalas kasama ni Barbie sa pagtakbo tuwing umaga ang mga kaibigan niyang sina Alden Richards at Kristoffer Martin.
View this post on Instagram
Nauwi sa breakup ang pitong taong relasyon nina Barbie at Jak.
Hindi pa rin klaro hanggang ngayon ang rason ng paghihiwalay ng dalawa.
January 2, 2025 nang isapubliko ni Barbie ang open letter para kay Jak na lubos daw siyang minahal.
Pahiwatig noon ni Barbie sa kanyang IG post, maganda man ang samahan nila ay kailangang matapos para sa ikabubuti nilang pareho.
Nang tanungin ng PEP kung babatiin ba niya si Jak kung saka-sakaling magtagpo ang mga landas nila, sagot ni Barbie: "Babatiin? Of course. Why not?
"Alam niyo naman, kahit naman sino binabati ko.
"Tampo? Wala namang dapat ikatampo."
Read: Netizens shocked by Barbie Forteza-Jak Roberto breakup
BARBIE FORTEZA ON DAVID LICAUCO
Nakapanayam ng PEP si Barbie sa 38th Star Awards for Television na ginanap sa Dolphy Theater noong March 31, 2025.
Pinarangalan ang loveteam nina Barbie at David Licauco bilang Power Love Team ng GMA-7.
Marami sa fans nina Barbie at David ang umaasang mauwi sa totohanan ang onscreen teamup nila, lalo na't pareho silang single ngayon.
Kilala sila sa uniname na BarDa, na unang sumikat dahil sa patok na tambalan nila sa teleseryeng Maria Clara at Ibarra.
Nang tanungin ang real score sa pagitan nina Barbie at David, sinabi ni Barbie na mabuting magkaibigan sila.
"Yes, mas nagiging close kami ni David ngayon. But siyempre, parehas busy—siya sa businesses, ako with my projects, ganyan.
"He's a nice guy. He's a good friend of mine," paglalarawan ni Barbie kay David.
Sa mga umaasang maging sila, sabi ng Kapuso actress, "Well, siguro ganun ka-effective yung tandem namin na may ganung hopes.
"Thank you. Thank you so much sa suporta niyo."
Read: How did Jak Roberto react to crowd shouting ex-GF Barbie's name?
BARBIE FORTEZA ON BARDA "POWER TANDEM" AWARD
Labis naman ang pasasalamat ni Barbie sa fans nila ni David na buo ang suporta sa kanila.
Sa init ng pagtanggap sa kanila ng publiko, itinanghal ang BarDa bilang Power Tandem of The Year, ka-tie ang tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino ng ABS-CBN.
"Grabe, sobrang nakakataba ng puso. Ramdam na ramdam namin ni David ang pagmamahal nila, especially sa social media.
"And whatever we have, separate shows or guestings, ramdam namin kasi nagpupunta talaga sila to support," ani Barbie.
Nagpahiwatig si Barbie na magkakasama pa rin sila ni David sa kung anumang proyekto ngayong taon.
Saad niya: "Maraming-maraming salamat. Sana huwag kayong magsawa dahil marami kaming gagawin para sa inyo.
"Sobrang nagpapasalamat kami dahil di talaga sila umalis sa tabi namin at palagi silang nandiyan to support us. Mahal na mahal namin kayo
"Sa award na ito, we're very grateful to Star Awards, to GMA, Sparkle, and to all our fans."
Sa huli, tinanong si Barbie kung may plano siyang mamuhay mag-isa tulad ni Kathryn Bernardo na nagsabing susubukan niya ang solo living ngayong 29na siya.
Sabi naman ni Barbie, "Parang dagdag-bayarin pa yun. Susulitin ko muna yung bahay ko. Kapapatayo pa lang. Sulitin muna natin."
