PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former Seiko star Dante Balboa returning to showbiz as director

He's the scriptwriter, too.
by Ruel J. Mendoza
Published Mar 25, 2025
dante balboa
Dante Balboa, a film student back in his college days, is set to make his directorial debut via the film Graduation Day.
PHOTO/S: @dante_balboa on Instagram

Matapos mamahinga bilang isang sexy actor, babalik si Dante Balboa sa paggawa ng pelikula, but, this time, bilang isang director at scriptwriter.

Nagsimula nang mag-shoot last week ang Graduation Day, na directorial debut ni Dante.

Hindi naman ito nakakagulat dahil nag-aral si Dante ng Bachelor of Arts in Film and Audio Visual Communication sa University of the Philippines - Diliman.

Now forty-four years old at matapos ang mahigit 20 years since naging film student siya, matutupad na ang isa sa kanyang mga pinangarap na gawin noon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dante noong March 21, 2025, via Facebook Messenger, nagkuwento siya tungkol sa kanyang film project.

"Napakasarap ng first shooting day. Walang pressure. Enjoy lang kaming lahat. At higit sa lahat, nandun yung tiwala sa isa't isa.

"Very supportive ang technical staff and line producer naming si Dennis Evangelista.

"Sa part ko naman, bilang direktor, tamang timpla lang at hindi ako strict. Lahat naman ay very cooperative.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At bilang first time ko sa pagdidirek, parang nag-flashback lahat sa akin ang pinag-aralan ko sa kursong B.A. Film."

Read: Dante Balboa: from sexy star to paragon of academic excellence

dante balboa directs graduation day
Dante Balboa is the writer and director of Graduation Day."
Photo/s: Brentria Productions

Open naman si Dante na matuto mula sa iba niyang katrabaho, tulad ng kanilang cinematographer na si T.M. Malonos, bilang first time nga niyang maging ganap na direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Saka ang gaan katrabaho ng mga artista dahil magagaling na sila, lalo na sina Elizabeth Oropesa, Simon Ibarra, Jeric Gonzales, at ang iba pang nasa cast.

Read: Elizabeth Oropesa opens up about past relationships with younger men

dante balboa on being called "direk"

Aminado si Dante na nakakapanibagong marinig ang cast and crew na tinatawag siyang "Direk."

"Masaya akong tinatawag na 'Direk.' Iba sa pakiramdam.

"Kaya naman, pinagbubuti ko nang husto dahil ang cast natin, nasanay na sa mga naging direktor nila noon.

"Pinangarap ko rin na maging katulad nila Lino Brocka at Ishmael Bernal."

Sabi pa ni Dante, "Malaking tulong din yung naging artista ako noon sa Seiko Films. Nagawa kong makapag-observe sa mga naging direktor ko noon.

"Nakakatuwa lang dahil noon, ako yung nasa harap ng kamera. Ngayon, ako na ang nasa likod nito.

"Puwede na tayong matawag na actor-director."

Read: Jeric Gonzales on Rabiya Mateo being 'the one': "I believe so."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FROM SCREENPLAY TO DIRECTORIAL DEBUT

Gustong i-apply ni Dante ngayon ang kanyang napag-aralan noon sa UP Diliman tungkol sa paggawa at pagsulat ng pelikula.

Hindi rin naman bago sa kanya ang pagsusulat ng screenplay.

Lahad ni Dante, "Nag-master din ako ng communications sa Polytechnic University of the Philippines at mahilig akong magsulat ng script noon.

"Sumasali ako noon sa Screenplay Category ng Palanca Literary Contest."

Pero hindi niya inaasahang magiging pelikula ang matagal na niyang sinulat na screenplay for Graduation Day, na sinimulan niya noong nag-aaral siya ng film sa UP at wala pa siya sa showbiz.

Marami na siyang nasulat na mga kuwento simula noon.

"Nasa 100 na siguro ang mga nasulat ko. Mula pa noong college ako, hilig ko na ang magsulat ng mga kuwento. Halo-halo na yun kasi may drama, comedy, sexual, etc.

"Mahilig din akong magsulat ng two-character or three-character script or play. Pero kailangan ay malinaw ang objectives ko sa bawat sinusulat ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Itong Graduation Day, binago ko lang ng kaunti ang ilang elements para bumabagay siya sa panahon ngayon."

Ang simpleng pag-share sa isang matagal nang kaibigan tungkol sa script ay nauwi sa pagpo-produce nito.

Kuwento ni Dante, "More than 15 years ko na kasi kaibigan si Engr. Benjie Austria. Siya ang producer ng mga pelikulang Broken Blooms, 'Wag Mo Akong Iwan, at Fatherland.

"Naibahagi ko lang sa kanya yung summary ng Graduation Day. Nagandahan agad siya sa kuwento.

"Madali kausap si Sir Benjie at kilala ko siya bilang isang napaka-generous na tao.

"Kaya noong simulan itong project na ito, nag-promise ako na ibibigay ko ang best ko para hindi tayo mapahiya."

THE STORY OF GRADUATION DAY

Ang kuwento ng Graduation Day ay tungkol sa mag-lola na sina Simon at Aling Nelia.

Isang responsableng anak at apo si Simon na maraming pangarap sa buhay, at si Aling Nelia ay isang mananahi na suportado ang mga pangarap ng apo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Dante: "Tungkol sa dalawang kahulugan ng 'Graduation' ang pelikula: bilang isang uri ng pagtatapos sa pag-aaral at bilang katapusan o hangganan ng buhay.

"Layunin ng pelikulang ito ang makagawa ng isang linear narrative na seryoso sa genre ng drama at may intensiyong na maging isang tearjerker.

"Layunin din ng pelikulang ito na walang maituturing na kontrabida at makagawa ng istorya na aangkupan ng simbolismo ng pera at kung paano umiikot ito buhay ng isang tao."

Base ba sa life story niya as Elmer Anisco (his real name) ang sinulat niyang screenplay?

Sagot ni Dante, 30 percent lang daw ng pagkatao niya ang nasa kuwento.

"Sabi nga nila na kapag ikaw ay isang artist, lalo pa at manunulat ka, hindi mo maitatanggi na ang content ng sinulat mo ay ikaw.

"Pero thirty percent lang siguro si Elmer dito. Malaking percent ng kuwento ay produkto ng imahinasyon."

Pero mayroon siyang pagkakatulad kay Simon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bahagi ng pagkatao ko yung pagiging responsable at mapangarap ng lead character ko na si Simon. Lalo na yung pagkahilig niya sa pag-aaral.

"Lampas na sa 30 years na akong nag-aaral mula elementary hanggang doctorate o PhD."

casting for graduation day

Marami raw pinagpilian si Dante para sa lead cast niyang sina Simon at Aling Nelia.

Ikinatuwa niya na ang naging final choice ay ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales at award-winning veteran actress na si Ms. Elizabeth Oropesa.

"Though marami kaming pinagpipilian, rekomenda ng producer at line producer namin sina Jeric at Ms. Elizabeth.

"Sumang-ayon naman ako sa dalawa dahil bagay sa kanila yung roles na Simon at Aling Nelia.

"Kailangan kasi na aamo ang mukha ni Simon at bagay iyon kay Jeric."

Malaki naman ang pasasalamat ni Dante na makatrabaho si Elizabeth Oropesa.

Aniya, "Isang karangalan para sa akin na makasama at makatrabaho sa directorial debut ko si Ms. Elizabeth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napakahusay na aktres at Grand Slam Best Actress winner siya for Bulaklak Ng Maynila.

"Kahit sinong bagitong direktor ay mapalad na makatrabaho siya sa unang pelikula nila."

Kasama rin sa cast ng Graduation Day sina Simon Ibarra, Rico Barrera, Panteen Palanca, Angeline Samoy, Daniela Carolino, Wynona de Mesa, at ang Sparkle Teen na si Aidan Veneracion.

future plans

Kung sakaling maging maganda ang pagtanggap sa Graduation Day, critically and commercially, magagamit daw ni Dante ang iba pa niyang nasulat na istorya para gawing pelikula.

"Marami pang susunod dahil marami tayong nasulat. Bawat isa dun ay unique ang kuwento. Sayang naman kung hindi maisapelikula, di ba?

"Kung may ibang producer na gusto sugalan ang mga sinulat ko, okay sa akin iyan. At least, buhay ang paggawa ng pelikula natin kahit nasa pagsubok ngayon ang local film industry."

Ipapasok ba niya ang Graduation Day sa mga film festivals?

"Sabi nga ni Ms. Elizabeth noong story conference namin, pang-Oscars daw ang itong Graduation Day. Kaya nakakataba ng puso ang papuri na galing sa isang premyadong aktres ng ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung mapapasama sa isang film festival ang pelikula namin, modesty aside, maganda at may kapupulutan na aral tungkol sa hiwaga ng buhay.

"Isa lang ang matityak ko, luluha ang kahit na sinong makapanood ng Graduation Day."

Dahil nagiging aktibo na ulit sa showbiz si Dante, paano niya nababalanse ang lahat, lalo na sa corporate work niya?

"Time management lang talaga. Basta ibigay mo lang ang the best sa lahat ng ginagawa mo, walang magiging problema kahit marami ka pang trabaho.

"Very thankful lang talaga ako sa producer namin sa pagbigay ng big break sa akin sa pagdidirek.

"Sabi ko nga, napakaraming taong nagpapayo sa iyo sa buhay at kung saan-saang bagay. Pero iilan lang ang nagtitiwala sa kakayahan mo.

"Kaya huwag mong bibiguin ang mga taong nagbigay sa iyo ng tiwala."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dante Balboa, a film student back in his college days, is set to make his directorial debut via the film Graduation Day.
PHOTO/S: @dante_balboa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results