Marami ang bumilib sa ipinakitang lakas ng loob ng aktres na si Sunshine Cruz, 47, nang rumampa siya sa katatapos lang na Body of Work: The BENCH Show.
Ito'y sa kabila ng kanyang pinagdaraanan sa kanyang kalusugan.

Sa Instagram nitong Linggo, March 24, 2025, inamin ni Sunshine na na-diagnose siya kamakailan na may myasthenia gravis, isang uri ng autoimmune disease.
Ayon sa Mayo Clinic, ang myasthenia gravis ay autoimmune condition na nagiging sanhi ng panghihina at mabilis na pagkapagod ng mga kalamnan.
Karaniwan itong nararanasan ng mga kababaihang nasa edad 40 pataas at mga kalalakihang higit 60 ang edad.
Lumalabas sa mga pag-aaral na wala itong lunas ngunit may mga gamot na tumutulong upang ma-manage ang mga sintomas nito.
Read: What Sunshine Cruz tells daughters Angelina, Sam, Chesca about love, suitors, and sex
Ang pagkaka-diagnose kay Sunshine ng sakit na ito ay nangyari ilang buwan bago ang pagrampa niya sa Bench fashion show.
Read: Bench show hot mommas: bongga ang pagrampa at paghahanda
Aminado ang aktres na labis itong nakaapekto sa paghahanda niya para sa event, ngunit sa tulong daw ng kanyang fitness coach ay kanya itong nalampasan at napagtagumpayan.
Saad ni Sunshine sa caption, kalakip ang mga litrato niya sa Body of Work: The BENCH Show (published as is): "It's been a real roller coaster these past months. I was diagnosed with an auto immune disease called myasthenia gravis which has made building muscle a real struggle.
"But I'm so thankful for the strength I've found. Thank you @coach.iya."
Read: Shaira Diaz "shookt" by EA Guzman's butt exposure at fashion show
SUNSHINE SHARES Advice WITH people from her generation
Sa kabila ng kanyang pinagdaraanan, masaya pa ring ibinahagi ni Sunshine ang karanasan niya sa Bench runway suot ang pulang two-piece swimsuit.
Dito makikita ang kanyang kumpiyansa at kaseksihan na walang bahid ng anumang sakit.
Ani Sunshine, kahit mahirap ay ginawa niya ito para ipakita sa mga kapwa niya ina na hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng mga pangarap.
Saad niya: "Walking for Bench was a powerful reminder of what's possible even when things are tough.
"To all my fellow moms and Gen Xers, never give up on your dreams.
"Thank you Sir @bcbench for making mine a reality. I'm so honored to be part of the Bench family. The show was incredible. Everyone was AMAZING!"
Read: Body of Work: The Bench Show highlights and sidelights
FAMILY, FRIENDS GIVE SUPPORT TO SUNSHINE
Samantala, sa comments section ng post ni Sunshine ay maraming kaanak, kaibigan, at netizens ang nagpaabot ng dasal at suporta sa aktres.
Kabilang sa mga ito sina Angelina, Sam, at Angel Francheska — mga anak ni Sunshine sa ex-husband niyang si Cesar Montano.


Read: Angelina Cruz graduates from college
Nagbigay-suporta rin kay Sunshine ang malalapit niyang kaibigan at kasamahan sa showbiz na sina Donita Rose, Vina Morales, Rufa Mae Quinto, Maricar Reyes, Teresa Loyzaga, at Ruffa Gutierrez.


Read: Instagram official? Sunshine Cruz posts photo with Atong Ang
