Marami ang nadismaya sa naging komento ng veteran broadcaster at columnist na si Ramon "Mon" Tulfo sa akusasyong tinawag ni GMA Integrated News anchor-reporter na si Mariz Umali na "matanda" si Atty. Salvador Medialdea.
Sa viral video na kumalat nitong linggo, na-record ng isang netizen ang komento ni Mariz habang isinasakay si Medialdea sa ambulansya matapos mahimatay sa detention center ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands, noong Marso 18, 2025.
Dadalawin sana ni Medialdea si dating Pangulong Rodrigo Duterte na naka-detain sa nasabing penitentiary institution dahil sa akusasyong crime against humanity.
Pinalabas sa viral video na ito ang sinabi ni Mariz tungkol sa dating executive secretary ng Duterte administration: "Tingnan mo yung matanda nakabukas yung mata niya kanina tapos nakita niya ako bigla niyang pinikit [laugh]"
Naglabas ng paglilinaw si Mariz sa pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Miyerkules, March 19.
Ayon sa Kapuso newscaster, "na-misheard" ng nag-upload ng video ang kanyang sinabi.
Hindi raw niya tinawag na "matanda" ang septuagenarian na si Medialdea.
"What I actually said was, 'Tingnan mo yung ‘mata niya’ [Medialdea], nakabukas siya nung una pero nung nakita niya ako, pinikit,'" sabi ni Mariz.
Read: Mariz Umali denies calling Medialdea "matanda" in viral video
RAMON TULFO REACTS TO REPORT ABOUT MARIZ UMALI'S VIRAL VIDEO
Kahapon, March 20, ibinahagi ni Ramon Tulfo sa kanyang Facebook page ang larawan ng report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa paglilinaw ni Mariz.
Makahulugang caption ni Tulfo rito: "Tatanda ka rin, hija. At pagdating ng araw na yun pati k*py*s mo kukulubot."

Sa comments section ay ipinaliwanag ni Tulfo ang nilalaman ng kanyang post.
Aniya: "Isa lang ang ibig kong iparating diyan: No matter what you feel about someone who’s sick, don’t laugh at them. Magbo-boomerang sa iyo ang tawa mo."
Ibig sabihin, hindi raw tamang pagtawanan ang isang taong may karamdaman.
Read: Mon Tulfo mourns death of eldest grandson

GMA REPORTERS REACT TO TULFO'S POST
Sa mismong comments section ng post ni Tulfo ay marami ang umalma sa paggamit niya ng hindi akmang salita patungkol kay Mariz.
Kabilang sa nagbigay ng kanilang reaksiyon ay ang mga kasamahan ni Mariz sa GMA Integrated News na sina Nelson Canlas at Aubrey Carampel.
Naging magalang pa rin ang dalawang entertainment reporters sa pagpuna sa beteranong broadcaster.
Komento ni Nelson: “Mataas ang tingin ko sa inyo po, sir. Huwag po sanang ganito.”
Sabi naman ni Aubrey: “Sir, you’re calling out someone dahil sa pagtawag ng matanda sa isang tao (na hindi nga po sinabi ni Mariz, please listen to the video carefully) pero yung comment niyo po nakakawalang respeto sa kapwa niyo pa journalist at isang babae.
"Bakit kailangang idamay ang private part sa post? Baka mag-boomerang din po sa inyo."
Maliban kina Nelson at Aubrey, hindi rin nagustuhan ng iba pang netizens ang komento ni Tulfo.
Sabi ng isa (published as is): "Respeto po sa kababaihan. Tandaan po natin ang nag-silang sa atin ay babae. Wala nang mas popogi pa sa lalakeng may mataas na respeto sa kababaihan."
Pahayag ng isa pa (published as is): "Sir kindly check first along with your team baka nagkakamali po kayo ng pagkarinig...and if you find out that you are wrong, Be A Respectful Gentleman... Say your Sorry...Medyo po kasi nakaka bastos din ang binitiwan nyong salita on your headings...
"It's not proper, using those words to a Filipina Woman ..nakakababa ng dignidad po...
"At kung totoo nga po na ganun ang ang nabitiwan nyang salita, walang pong pinagkaiba sa nasabi ninyo towards her.. nakaka bastos din po... just Saying
"Thank you... Hindi pa naman huli qang lahat,para itama natin ang mali...
"Hanggat hindi pa ginugunaw ng Panginoon ang ating mundo,may pagkakataon pa tayong magbago po...lahat tayo."
Puna naman ng isang netizen (published as is): "Jusko, sa dami ng pwedeng sabihin pati maselan na parte ng Babae eh aatakihin. Mahiya ka naman."
Ayon sa isa pa (published as is): "Dami na. Naman hnd makaintindi,at ikaw din Tulfo,nagsalita na si Mariz Regarding sa isyu na yan,isang vlogger na naman ang nagpakalat ng fake news na naman.."
Sambit naman ng isa: "Na real talk bat nagagalit ano ba dapat Sabihin bagets?"
Kung marami ang pumuna kay Tulfo, may ilan ding kinampihan siya at inatake si Mariz.
Komento ng isang netizen (published as is): "tama Di porket bata sya e dn xa magkakasakit"
Sabi naman ng isa: "Dati lagi ako nanood ng mga balita sa GMA [ngayon] nkakadismaya [lilipat] ako ibang channel"
Ayon naman sa isa pa: "Mariz....kahit Anong DENIAL Sabihin mo....nasa live ka nun pinagtatawanan mo si SIR....Darating ka din sa edad na yan"
Wala pang reaksiyon si Mariz tungkol sa komento ni Tulfo sa kanya.