Determinado ang nag-iisang anak na lalaki nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon na si Diego Gutierrez, 28, na gumawa ng sariling pangalan sa showbiz industry, lalo na sa music scene.
Read: Janine Gutierrez asked about real score with Jericho Rosales
Kung kaya't ganoon na lamang ang saya at pasasalamat ni Diego nang opisyal siyang pumirma ng management contract sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, noong March 11, 2025.
Kasama ni Diego na pumirma rin ng kontrata ang tatlo pang bagong singer-songwriter talents ng Star Magic — sina Esang de Torres, James Philippe, at Jarlo Base.
Star Magic introduced a new roster of emerging artists including (L-R) Diego Gutierrez, Esang de Torres, James Philippe, and Jarlo Base.
DIEGO GUTIERREZ COMES from a prominent showbiz clan
Ang pamilyang kinalakihan ni Diego ay ang motibasyon niya para mas galingan pa ang kanyang ginagawa para sa karera.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na galing sa dalawang showbiz clans si Diego.
Ang kanyang amang si Ramon Christopher ay anak ng Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales at ng veteran actor na si Eddie Gutierrez.
Read: Diego Gutierrez hopes to work with grandma Pilita Corrales, "top leading ladies"
Habang ang kanyang ina naman na si Lotlot ay anak ng mga premyadong artista na sina Nora Aunor at Christopher de Leon.
Read: Lotlot de Leon not ashamed of being adopted
Ika nga, nasa dugo ni Diego ang pagiging artist.
Hindi man sa pag-arte kagaya ng kanyang mga magulang, kapatid, lolo, at lola kundi sa paggawa ng kanta at pag-awit.
Sa ginanap na contract signing ni Diego sa Star Magic, natanong siya kung nakakaramdam ba siya ng pressure bilang baguhang artist sa kanilang angkan.
Read: Lotlot De Leon "very proud" of what son Diego Gutierrez has become
Aniya: "Coming from a [showbiz family], I think my family has proven a lot in this industry na parang lahat sila, magagaling sa ginagawa nila.
"The biggest challenge for me is to do my best and make a name also in music and showbiz in general.
"Instead of pressure, ang napi-feel ko, mas napi-feel ko ang motivation to make my family proud.
"I want to be great in my own name."
diego Opens Up About His Love for Music
Taong 2020, pinasok ni Diego ang music scene nang pumirma siya ng five-year managerial contract sa LVD Management ni Leo Dominguez.
2021 nang ma-release ang kanyang debut single na "On a Dream."
Hanggang sa masundan ito ng "House of Tear" at "I Don't Think You Can" (2021); "Sino Na Tayo" (2022); "Hanggang Sa Dulo" at "Huling Sayaw" (2024).
Read: Diego Gutierrez, only son of Lotlot and Monching, finally joins showbiz
Balik sa panayam ni Diego sa Star Magic's contract signing, sinabi niyang noon pa man ay sa pagkanta na niya nakikita ang sarili.
Dito rin niya nais gumawa ng legasiya na magbibigay karangalan sa kanyang angkan pagdating ng panahon.
Aniya: "I just want to be able to perform more and on bigger stages, to share my music with everyone.
"I’m a believer in the work that I put in, and I’m a fan of my own music.
"I feel like, one day, it will also catch up to the people.
"My biggest dream is a stadium full of people singing my song back to me.
"That’s one of the biggest dreams I have and hopefully, soon, I’ll be able to reach that as well."
Read: Diego Gutierrez nagsulat ng kanta tungkol sa breakup nila ng ex
DIEGO NOT CLOSING DOORS ON ACTING
Hindi rin pinalampas na matanong si Diego kung handa ba siyang pasukin ang mundo ng pag-arte kung bibigyan ng pagkakataon ng Star Magic.

Nakangiti niyang sagot: "Acting is something I want to explore further.
"I’ve acted a few times before, and I want to continue that with Star Magic.
"So, yeah. Wait for it. Hopefully."
Sundot na tanong sa kanya, "Bukas ka bang makatrabaho at maka-eksena ang ate mong si Janine Gutierrez?"
Mabilis na sagot ni Diego, "Definitely. I would love to work with her."
Read: Diego Gutierrez, naudlot ang singing career sa Amerika dahil sa pandemya
