PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pare Ko star Nikka Valencia: Where is she now?

Did Nikka have a romantic relationship with any of her Pare Ko co-stars?
by Ruel J. Mendoza
Published Mar 19, 2025
Nikka Valencia is among the cast of the 1995 movie Pare Ko starring Jomari Yllana and Mark Anthony Fernandez
Nikka Valencia (left and right) recalls teen-star days when she was cast in the 90s movie Pare Ko where she played as the cool ex-girlfriend of Jomari Yllana (with his arms around Nikka) and Mark Anthony Fernandez (rightmost).
PHOTO/S: Courtesy of Nikka Valencia / Screengrab from Pare Ko

Noong Enero 2025, nagdiwang ng ika-30 kaarawan ang pelikulang Pare Ko na sinulat at dinirek ni Jose Javier Reyes.

Ang naturang pelikula ay tumalakay sa buhay, pag-ibig, problema at sari-saring relasyon ng mga teenagers ng dekada '90 at kung paano nila hinaharap ang mga ito.

Read: Jay Manalo Returns to Youth Show Ang TV

Mga bida ng Pare Ko ay ang mga sumisikat na teen stars ng dekadang iyon na sina Jomari Yllana, Jao Mapa, Mark Anthony Fernandez, Claudine Barretto, Gio Alvarez, Victor Neri, at Nikka Valencia.

Kasama rin ang mga veteran actors na sina Anita Linda, Elizabeth Oropesa, Tessie Tomas, Edgar Mortiz, Gina Pareno, Koko Trinidad, Eddie Ynfante, Boboy Garovillo, Isabel Rivas, Mads Nicolas, at Ramil Rodriguez.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Messenger si Nikka noong nakaraang March 14, 2025 para alamin ang kanyang pakiramdam sa 30th anniversary ng Pare Ko.

Si Nikka, na may lahing Filipino-Jewish, ay 18 years old lamang nang gawin niya ang movie. Siya ay 48 na ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The '90s was an exciting time para sa generation namin," bungad ni Nikka.

"The transition of technology, music of the '80s to '90s, the fashion and, of course, the film creation.

"I am thankful and grateful na ako ay napili na mapasama sa casting na yan with the big stars and names sa industriya."

Paano siya na-cast sa Pare Ko?

"The first film I did for Star Cinema was May Minamahal na dinirek din ni Jose Javier Reyes," balik-tanaw ni Nikka.

"Maybe he thought of me sa character sa Pare Ko na si Carol na medyo mataray, suplada, prangka, at taklesa.

"Kaya ako ang gumanap na Carol."

Gumanap si Nikka bilang cool ex-girlfriend ni Jomari sa pelikula. Magkaibigan sila Nikka at Claudine, na love interest ni Jomari.

Tinanong namin si Nikka kung may mga naaalala ba siyang mga behind-the scene ganap habang sinu-shoot nila ang Pare Ko.

Natatawang kuwento ni Nikka: "Ako na ang mauunang aamin diyan. May mga times na ako ay nale-late sa shooting namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako po kasi ay tumatakas lang para mag-shooting dahil ayaw talaga ng mother ko mag-artista ako. Minsan may staff na nasigawan sa phone ang mother ko.

"Pero hindi naman po ako naging prima donna."

Nikka Valencia in a scene with Jomari Yllana who played as her ex-boyfriend in Pare Ko.
Nikka Valencia in a scene with Jomari Yllana who played as her ex-boyfriend in Pare Ko.
Photo/s: Screengrab from Pare Ko / Star Cinema
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Na-enjoy daw niya ang pag-aartista noon pa man.

"Masaya akong kasama at hindi ako maarte. But I was also adventurous during my younger years.

"Sa mga kasama ko naman sa cast, everyone was nice and very professional.

"May kanya-kanyang kulit po kami noon and supportive naman ang mga parents nila, unlike mine. Basta masaya ako sa company nilang lahat."

Kahit na 30 taon na ang lumipas, may close communication pa rin si Nikka sa ilang members ng cast.

Lahad niya: "Lahat naman may communication ako if I need to contact them.

"Close ako kay Gio kasi ang Alvarez Family, they treated me bilang kapatid nila. Love ko ang parents nila.

"Si Victor naman, siyempre kasama ko sa Ang TV, I can message him anytime naman.

"Si Claudine, we had a time that we became close, but she was already going for a solo career noong nawala na siya sa Ang TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Jao naman, isang message lang sa kanya, sagot agad yan sa akin."

Ang Ang TV (1992-1997) ay ang ABS-CBN youth-oriented show kunsaan kasama rin sa original members sina Claudine at Gio.

Read: Click star Mikel Campos: Where is he now?

NIKKA VALENCIA NO BOYFRIEND AMONG PARE KO CAST

Sa patuloy na panayam ng PEP, ikinuwento ni Nikka na walang nanligaw sa kanya among the boys ng Pare Ko.

Pero inamin n Nikka na mas naging close siya kay Victor noong mga panahon na iyon.

"Wala naman akong naging boyfriend sa kanila, kasi I'm one of the boys at alam ko mga kalokohan nilang lahat.

"Akala ng iba baka naging kami ni Victor, pero hindi.

"He was attractive and intelligent, but it was best na friendzone na lang kasi ayoko ma-involve at baka maging third party pa ako!"

Alam daw ni Nikka ang galawan ni Victor pagdating sa girls.

"Kasi mga relationships ni Victor, nakita ko din and it was kinda difficult, and he confides naman sa akin back then.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napasaya ko naman yang masungit na lalake na yan sa kakatawa.

"Mahirap kasi kung naging kami tapos mag-aaway kami dahil sa selos."

Nikka Valencia hanging out with Victor Neri, Mark Anthony Fernandez, and Gio Alvarez in Pare Ko.
Nikka Valencia in a scene with Victor Neri, Mark Anthony Fernandez, and Gio Alvarez in Pare Ko.
Photo/s: Screengrab from Pare Ko / Star Cinema

Sabay diin ni Nikka: "Pero di ako selosa, ha. Magiging sayang yung friendship, ang saya pa naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"When you are young, ang complicated ng mga showbiz relationships.

"Kaya wala akong naging boyfriend na artista, puro non-showbiz at mga simpleng lalake lang mga nagustuhan ko."

Read: Aiza Marquez on life as working single mom in New York

NIKKA VALENCIA'S FILMOGRAPHY

Bago nakasama si Nikka sa Ang TV noong 1993, una siyang sumali at nanalo bilang She Girl 1992 sa noontime show ng GMA-7 na Lunch Date.

Isa si Nikka sa mga promising stars noong ‘90s at naipakita niya ang natural na pag-arte niya sa mga pelikulang May Minamahal (1994), Pare Ko (1995), Mangarap Ka (1995), at Radio Romance (1996).

Nikka Valencia is part of the 1993 May Minamahal movie starring Aga Muhlach and Aiko Melendez
A wedding scene from the 1993 movie May Minamahal shows (L-R) Boots Anson Rodrigo, Aga Muhlach, and Aiko Melendez on the back row. On the front row (L-R) are Agot Isido, Claudine Barreto, and Nikka Valencia.
Photo/s: May Minamahal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumabas din siya sa Ang TV: The Movie...The Adarna Adventure (1996), Ikaw Pa Rin Ang Iibigin (1998), Live Show (2000) at The Annulment (2019).

Nakailang teleserye rin siyang nagawa tulad ng Pangako Sa 'Yo (2000), Precious Hearts Romance Presents Pintada (2012), Isang Dakot Na Luha (2012), Annaliza (2013), Bridges of Love (2015), Pusong Ligaw (2017) at Precious Hearts Romance Presents Araw Gabi (2018).

Nikka Valencia's name is seen at the poster of Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez's movie in 1995
Nikka Valencia's name is seen at the upper portion of the poster of Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez's 1995 movie Mangarap Ka.
Photo/s: Mangarap Ka
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dante Balboa: from sexy star to paragon of academic excellence

NO REGRETS

Pero hindi nagtuluy-tuloy ang sana'y magandang showbiz career ni Nikka dahil tila lulubog-lilitaw ito sa showbiz.

Paliwanag niya: "It's because I was having a family problem that was becoming so complicated and it was confusing.

"Kaya ang way for me to escape was going out with friends kahit pagod ako sa tapings.

"Tapos may time talaga na I just don't want to be in the mainstream of showbiz."

Bukod sa personal problem, tila hindi rin kinaya ni Nikka ang demands ng showbiz.

"'Yung fear of rejection and stage fright yung naging problema ko rin.

"Like, I was one of the original host of Pare Ko Gang noon sa ASAP, pero nag-quit ako because something was trying to shake me.

"Kaya nagteatro ako and left the mainstream limelight."

Hindi ba siya nanghinayang sa mga projects na dapat ay para sa kanya noon, pero binigay sa iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okay lang naman din kasi may kanya-kanyang journey ang tao as an artist," saad ni Nikka.

"And projects come and go. I enjoyed showbiz and it made me who I am as an actor.

"Meron talaga sa aking saloobin na after ng big projects ay nagha-hibernate ako to stay grounded.

"Kaya di po ako yayaman talaga sa showbiz, but I know my worth as an actor," diin pa niya.

Read: Pinoy Pop Superstar Contenders: Where are they now?

NIKKA VALENCIA'S FAMILY LIFE

Kung sa showbiz ay kilala siya bilang Nikka Valencia, sa kanilang tahanan, siya ay si Sharon Rosenfeld.

Isa siyang devoted wife and a happy mother of three kids.

At ayon sa kanya, walang may hilig sa mga anak niya na sundan ang yapak niya bilang artista.

"It's challenging to be a wife and mother. I have three kids. My eldest son is 27 years old, my second child, a girl, is now 17, and my youngest son is 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala ni isa sa kanila ang may gustong sumunod sa akin sa showbiz.

"Kasi masyado silang mga critic sa mga palabas ko. Ayaw nila panoorin ang mga bad characters na ginampanan ko."

Very private raw ang kanyang mga anak.

"Wala po akong moral support as an actor sa mga kids ko, sa totoo lang.

"Masungit ang anak kong babae. Kapag may kumakalabit sa kanya at tinatanong kung 'Artista ba mama mo?' Suplada po siya at ayaw niya maistorbo kami sa labas."

Lahad pa ni Nikka, "Hindi ko kasi sila na-expose sa showbiz kaya wala sila masyadong kilalang artista.

"Kaya balanse ang buhay namin.

"Basta mom nila ako at hindi big deal na artista ako sa kanila. They don't even say it sa ibang tao unless may magtanong."

Kahit paminsan-minsan lang tumanggap ng acting projects, hindi raw tinatalikuran ni Nikka ang pagkakataon na umarte ulit sa TV at pelikula.

"Masarap pa rin umarte. Para sa ating sining at kultura, diyan naman ako nakilala talaga. Active pa rin naman ako, pero may mga na-turn down din akong mga projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Last year, nakapag-shooting pa ako ng movie, pero di ko alam ang final title and kung kelan Ito ipapalabas.

"It was directed by Richard Somes at nakasama ko sa movie nina Xyriel Manabat, Charlie Dizon, Cholo Baretto, and Ms. Lotlot De Leon."

On the front row are Charlie Dizon, Nikka, and Xyriel Manabat. Cholo Barretto is seen standing behind the ladies.
On the front row are Charlie Dizon, Nikka, and Xyriel Manabat. Cholo Barretto is seen standing behind the ladies.
Photo/s: Courtesy of Nikka Valencia
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIFE LESSONS

Sa 30-plus years nga raw ni Nikka sa entertainment industry, marami raw siyang life lessons na nakuha at nagiging reminder iyon sa kanya parati.

"Bilang tao, may kahinaan at kalakasan tayo sa paglalakbay sa mundong ibabaw.

"I will always choose goodness pa rin, despite those who have done me wrong at sa mga nagawan ko din ng kamalian dahil sa bugso ng aking damdamin.

"Talaga naman may pag-asa ang bawa't buhay sa pagbabago kung gugustuhin mo.

"Sa pagiging ina naman, my children will always be my inspiration for improvement as a human being dahil sila talaga ang tunay kong award sa buhay ko and that is the purpose of my life."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikka Valencia (left and right) recalls teen-star days when she was cast in the 90s movie Pare Ko where she played as the cool ex-girlfriend of Jomari Yllana (with his arms around Nikka) and Mark Anthony Fernandez (rightmost).
PHOTO/S: Courtesy of Nikka Valencia / Screengrab from Pare Ko
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results