Kinumpirma ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas ang mga nagsilabasang balita tungkol sa kanya.
Ang latest na balita, mula mismo sa kanyang ex-wife na si Ruffa Gutierrez, bibisita si Yilmaz sa Pilipinas para dalawin ang aktres at ang kanilang dalawang anak na sina Lorin at Venice.
Sa kanyang Instagram Story kagabi, March 16, 2024, kinumpirma ni Yilmaz na muli siyang bibisita sa bansa.
Hindi niya sinabi kung kailan ito mangyayari, pero "soon" daw.
Buong post ni Yilmaz (published as is): "For public opinion: Regarding the news about me that has been published in the media recently, I would like to say, 'Yes, these news are true. I will be visiting the Philippines soon.'
"Yilmaz Bektas
"With my best regards [signed]"

Read: Ruffa Gutierrez on Turkish boyfriend Yilmaz Bektas
RUFFA REVEALS LATESt CONVERSATION WITH YILMAZ
Sa presscon niya para sa isang endorsement noong nakaraang linggo, malayang nagkuwento si Ruffa tungkol sa kagustuhan ni Yilmaz na magkabalikan sila.
Nagkuwento rin ang aktres kung bakit "boss" ang tawag sa kanya ng ex-husband.
Saad ni Ruffa: "Kasi ako ang boss niya. Hindi na siya makakahanap ng tulad ko.
"Hanap siya nang hanap sa buong mundo—as a matter of fact, he wants to propose and get married to me again.
"I thought it was a joke."
Ikinuwento rin ni Ruffa ang pag-uusap nila ni Yilmaz noong December 2024 tungkol sa paanyaya ng dating asawa na maglibot sa Europe.
"Gusto niya akong yayain na mag-train, ito lang, three months ago.
"Sabi ko, 'Is it a joke?' Sabi niya, ‘no, I want to invite you’ and mag-train daw kami all over Europe.
"Sabi ko, 'Totoo ba ‘to or baka you’re planning my murder on the train?!' Sinabi ko sa kanya!
"Tapos sabi niya, 'Okay, I’ll visit you there.' 'Okay, you’re welcome to visit in the Philippines.'"
Read: Ruffa Gutierrez and Yilmaz Bektas: Sad ending of a fairy tale?
