Ngangey si John “Sweet” Lapus noong nakaraang taon sa industriya ng telebisyon at pelikula.
“To be honest, isa ako sa naapektuhan,” pagtatapat ni Sweet sa mediacon ng Delia D musical nitong Marso 13, 2025, Huwebes, sa The Grand Bar and Lounge ng Newport World Resorts, Pasay City.
“Alam niyo naman yung nangyari, nangyayari sa industriya ng TV at pelikula ngayon.
“Kaunti ang pino-produce na TV show. Kaunti ang pino-produce na pelikula. Isa ako sa mga naaapektuhan.
“Isa ako sa mga walang trabaho ngayon sa TV at sa pelikula. Kagaya ng ilang mga cameraman, andaming cameraman na walang trabaho. Mga artista.
“Ang last ko sa movie, pumasok yung Un/Happy For You last year. Pero three days lang akong nag-shoot nun sa Naga.
“Ang last ko sa soap opera, antagal na! Sa TV5 pa, yung Paano Ang Pasko? yata yun.
“As a director, ang Bonggang Villa na idinirek ko for GMA starring Dingdong and Marian, natapos ng January last year.
“Ang Jack en Jill ni Jake [Cuenca] and ni Sue [Ramirez] sa TV5, natapos last March. So one year na akong walang regular na trabaho sa TV.
“One year, imagine that.”
Read: John "Sweet" Lapus returns to theater via musical Delia D.
HOW DID SWEET SURVIVE WITHOUT TV AND MOVIE PROJECTS?
Paano niya na-survive iyon?
“Thank God, may mga raket pa rin na dumadating!” bulalas ni Sweet.
“Nung December, may pumasok na regular hosting ko and meron akong kaibigan na may-ari ng events company.
“Kinuha niya akong creative director dun at ako ang nagdidirek ng mga major events nila.
“So, dun nanggaling yung most of my source of income nitong almost… one year na wala akong regular na trabaho.”
May entertainers na hindi tumatanggap ng trabaho sa TV at pelikula kapag mag-eeleksyon. Rumaraket sila sa kampanya ng mga kandidato.
“Ako, wala pang offer! Sinabi ko na sa Star Magic, pag may dumating na hosting, why not?!” pagsisiwalat ni Sweet.
“Pero ang Star Magic, mahigpit. Siyempre kailangang check-in muna kung sino, che-check-in kung OK ba.
“Kasi siyempre mukha mo ang ihaharap mo dun. Sabi ko, hosting lang naman. Hindi mo naman ieendorso na, ‘Ito ang iboto nyo!!!’
“Hindi naman ako nakatira sa lugar na yon, ba’t ko siya ie-endorse?! So, kung hosting lang naman, sinabi ko sa Star Magic, walang problema.
“May ang election, di ba? By that time, nagra-run na ang Delia D.”
Abril 25 hanggang Hunyo 8, 2025, kung weekends, ang run ng Delia D sa Newport Performing Arts Theater.

Panawagan ni Sweet: “Sa mga tumatakbo diyan, puwedeng-puwede po akong mag-host ng inyong mga caucus, rally, at miting de avance every Monday, Tursday, Wednesday and Thursday.”
Read: John Lapus embraces "pagkalaos"; turns losses into gains
SWEET ADMITS LOSING HIS SELF-CONFIDENCE
Kumusta siya ngayong kasama siya sa cast ng Delia D.? Nasa happy place na ba siya?
Mabilis na tugon ni Sweet: “Finally! Alam mo, to be honest, bago ko natanggap itong play na ito, I was in a… state of desperation.
“As in hindi ko naiintindihan. Kasi The Universal Sweet, marami akong kayang gawin.
“Nagdidirek ako, nagsusulat ako, umaarte ako. Ano’ng nangyayari, bakit wala akong trabaho?
“Tapos nung time na ito, nakalimutan ko na may pinagdadaanan nga pala ang showbiz, ang pelikula.
“May pinagdadaanan ang show business, di ba? Kaunti ang pino-produce na pelikula. Kaunti ang pino-produce na TV show.
“Siguro nung time na yun, hindi ko naman naisip yon. So, ang feeling ko lang… you know, I started questioning myself.
“'Masama ba akong tao? Hindi ba ako magaling? Bakit wala akong trabaho?'
“I started to compare myself with others. ‘Bakit yan, mas magaling ako dyan, p*t*ng ina, ba’t yan, may trabaho?! Ako, wala?!’
“So, tumaas ang insecurity ko. I lost my groove.
"Ako, pag tumaas yung insecurity ko — yung self-confidence ko, nawawala.”
Read: John Lapus, aminadong laos na bilang artista kaya nag-aral magdirek
SWEET ON DEALING WITH DEPRESSION
Nalungkot siya nang bonggang-bongga noong dumadaan siya sa depression.
Pagbabalik-tanaw ni The Universal Sweet: “March last year ako nawalan ng trabaho. Yung depression, it started in July.
“Akala ko, birthday blues lang. Hindi siya nawala nang August, September, October. November na tumawag itong Delia D., e.”
Paano siya nakahulagpos sa depression?
Napabuntong-hininga si Sweet, “So finally, siguro in a way, itong Delia D., answered prayer din. Sabi ko, ‘Lord, bigyan Mo na ako ng gagawin kasi nababaliw ako.’
“Umiiyak ako sa gabi. Nagdasal ako, umiiyak ako pag gabi habang nagdadasal, ‘Lord, ano’ng nangyayari?’
“Andaming ibinigay sa aking talent, wala namang paggagamitan. Di ba? At saka for the first time in my life, hindi ko nako-compute.
“Dati nako-compute ko. Maski nung pandemic, na-compute ko. Ano ang next kong gagawin, na-compute ko na.
“OK, feeling ko pag nagka-vaccine na, ito ang next move ko. Na-compute ko. Ito, hindi ko na ma-compute.
“Ang pinakamalala, sinisisi ko yung sarili ko na tumanda na ako. E, sandali, teka! Hindi naman natin kasalanang tumatanda tayo, di ba?
“For the first time in my life, si John Lapus na napaka-confident na tao, bini-blame ko ang sarili ko kung bakit wala akong regular na trabaho last year.
“Yung self-pity, naging galit sa sarili.”
Read: John Lapus on celebs' network transfer: “Naiintindihan ko lalo na kung wala namang trabaho.”
SWEET MEETS WITH COMPOSER JONATHAN MANALO
Nakipag-meeting si Sweet sa musical composer na si Jonathan Manalo dahil gagawing musical ang pelikulang Here Comes The Bride the Bride (2010) kung saan isa siya sa mga artista.
“May mga anak-anakan akong ipu-produce siya, so mineet namin si Chris Martinez at si Jonathan Manalo,” salaysay ni Sweet.
“Si Jonathan Manalo ang gagawa ng mga kakantahing original. Nabanggit ito ni Jonathan Manalo. ‘Uy, Sweet, yung mga songs ko, gagawing musical ng Newport.’
“Sabi ko, ‘Ah talaga?! Ano’ng istorya?’ ‘Ay, naku, parang may mga bakla. Baka may role ka.’ ‘Ahh OK, sige, pag nabalitaan ko,’ sabi ko pang ganyan.
“Sigure few weeks after, nakita ko sa Facebook. Parang announcement for the musical featuring the songs of Jonathan Manalo, ganyan-ganyan.
“Minessage ko si Dexter [Santos]. Matagal ko nang kaibigan at kasamahan ko sa Dulaang UP si Direk Dexter.
“Sabi ko, ‘Dexter, ikaw din ba ang magdidirek nitong kay Jonathan Manalo?’ ‘Oo.’ ‘Sabi niya kasi, bagong baklaan, baka may role ako?’
“Sabi lang ni Dexter, ‘Ay! Inaantay pa namin yung final script from Direk Dolly Dulu and Rody Vera.’
“The week after, ambilis ng pangyayari. The week after, ‘Hi, this is the production manager. We’d like to invite you for a reading.’
“Parang Monday iyon. ‘Puwede po ba kayo sa Thursday, 10:00 A.M.?’ ‘OK.’”
SWEET ON GETTING A ROLE IN DELIA D.
Dumating si Sweet sa Newport World Resorts noong Huwebes na iyon.
Kuwento niya: “Pinaupo ako. Katabi ko si Phi [Palmos]. Parang panel yung panel. ‘John Lapus and Phil, please read page 7.’ Basa lang.
“Five minutes. ‘Ahh Sweet, dito ka muna sandali.’
“Sinet aside na ako ni Miss Menchu [Lauchengco-Yulo, associate director], ‘We’d like to offer you formally the role.’
“In an instant, bumalik yung self-confidence ko. “
Ay! Kinikilabutan ako. In an instant, bumalik yung self-confidence ko, ‘Importante ka pa rin. May naniniwala pa rin sa yo.’
“P*ta ka, in five minutes, in-offer-an ka ng role, nagkaroon ka ng trabaho. Di ba, yun ang dasal mo, regular?
“Nakalimutan ko lang idasal kay Lord, regular na may pera… Ang dinasal ko, regular lang. Nakalimutan ko yung regular na may pera.
“But seriously, OK na OK na ako ngayon. You know, instantly, nung sinabi sa akin na, ‘We’d like to offer you…’ PAK!
“Ang problema, meron kaming NDA, yung confidential muna. Dalawang kaibigan ko ang sinabihan ko, ‘Bakla! Achuchu, ending, ‘wag kang maingay!’
“Yung dalawang bakla ko, may tinawagan. Kinagabihan, may kinseng bakla sa bahay. Pinangako ko, ‘T*ng ina, hindi puwedeng lumabas, ha?!’
“Nag-inuman kami. Nag-party kami. Yung alam mong habang tumatawa, umiiyak ako. Tears of joy.
“In an instant, that five minutes, in a few minutes, nag-read ako, in-offer-an ako. Valuable pa rin pala ako, talented ako. Bumalik lahat.”
Maliban kay Sweet at title role na si Phi, nasa cast din ng Delia D. sina Shaira Opsimar, Floyd Tena, Tex Ordoñez-de Leon, Omar Uddin, Joann Yap Co, Joshua Cabiladas, Mimi Marquez, Rapah Manalo, Miah Canton, Alfritz Blanche, Natasha Cabrera, Chaye Mogg, at iba pa.

Pitong Jonathan Manalo songs ang kinanta ng cast sa mediacon — "May Kasama Ka," "Clap Clap Clap Awra," "Paano Bang Magmahal," "What U Want," "Pwede Ba?," "Pagbigyang Muli," at "Tara Tena."
Tickets are now available for Delia D.: A Musical Featuring the Songs of Jonathan Manalo at TicketWorld, HelixPay, and Newport World Resorts Box Office.
Ang halaga ng tiket ay PHP 3,500 (SVIP), PHP 3,000 (VIP), PHP 2,500 (GOLD), PHP 1,800 (SILVER), at PHP 1,000 (BRONZE).
For inquiries, contact Customer Care at 7908-8888 or 0917-872-8237.
Read: Jake Ejercito, John Lapus, Arnold Clavio react to Duterte arrest


