Nagsalita na ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes tungkol sa estado ng relasyon nila ng Filipino-Jordanian former basketball player na si Samuel "Sam" Fernandez.
Pagtatapat ni Andrea, hindi pa sila magkasintahan ni Sam.
Taliwas ito sa mga kumakalat na espekulasyon makaraan nilang maispatang magkasama sa ilang private event.
Ito ang inamin ni Andrea sa panayam niya kay MJ Felipe ng ABS-CBN News nitong Lunes, March 10, 2025.
Saad niya: "Sinabi ko naman na open naman ako sa pagde-date kasi magtu-two years din naman na wala [akong] boyfriend.
"Naloloka ako kasi ang daming nagsasabi na bakit may boyfriend na ako agad, you know, I'm just open dating."
Read: Andrea Brillantes admits having suitors; open to new relationship
Kasunod nito ang pagkumpirma ni Andrea na ang lalaking idine-date niya ngayon ay walang iba kundi si Sam.
Aniya, "I am dating someone right now. He’s a private person, non-showbiz siya.
"He’s also not a basketball player. He used to play."
Kuwento pa ni Andrea, matagal na silang magkakilala ni Sam bago pa ito magparamdam at magsabing liligawan siya nito.
Pahayag niya, "I’ve known him for a while. We’ve been friends for many many years."
Sundot na tanong ni MJ, "So, you're in a relationship now?"
Mabilis na sagot ni Andrea, "Not yet in a relationship. I’m just dating."
ANDREA AND SAM sightings
Noong February 20, 2025, unang beses na umugong ang usap-usapang may espesyal na relasyong namamagitan kina Andrea at Sam.
Read: Andrea Brillantes: How beauty became a blessing to her and family
Ito'y matapos pag-usapan online ang isang video na kuha ng isang netizen kunsaan makikita si Andrea na may ka-date noong Valentine's Day.
Sa nasabing video, makikita si Andrea habang nakikipag-usap sa isa sa mga staff ng isang restaurant.
Nakasuot ang aktres ng red halter polka-dot mini-dress at red shoes.
Sa kanyang likuran naman ay makikita ang isang lalaking naka-white long-sleeve polo at may hawak na isang bouquet ng pink roses.
Read: Is Andrea Brillantes dating basketball player Sam Fernandez?
Kinilala ng netizens ang lalaking kasama ni Andrea sa video bilang si Sam.

Ang video na ito ay naikonekta ng netizens sa naging post ni Andrea noong February 14.
Nag-post ang aktres sa TikTok ng video clip kung saan makikitang ibinibida niya ang hawak-hawak na parehong bouquet of pink roses na nakitang hawak ni Sam sa nasabing video ng netizen.

Ayon sa ilang tagahanga ni Andrea, hindi noong Araw ng mga Puso ang unang beses na naispatang magkasama ang aktres at Sam.
Sa Reddit, isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan nang makita niya si Andrea sa mismong training ni Sam noon pang 2024.
Noong December 2024 naman, isang TikTok user ang nag-upload ng video kunsaan makikita sina Andrea at Sam na magkasamang naglalakad sa isang mall.

Ang latest sighting nina Andrea at Sam ay noong March 9 nang dumalo si Sam sa isang event ni Andrea para sumuporta sa aktres.
Nangyari ito makaraan lamang ang ilang araw noong March 6 nang matiyempuhan silang magka-holding hands na nanonood ng isang frisbee event sa Sta. Rosa, Laguna.

