PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jellie Aw denies post about reconciliation with Jam Ignacio

Jellie Aw and Jam Ignacio still follow each other on Instagram.
by Arniel C. Serato
Published Mar 11, 2025
Jellie Aw claps back at "nilunod ang pride" post
Club disc jockey Jellie Aw denies posting "lulunukin mo yung ego and pride mo just to be happy" regarding fiancé Jam Ignacio: “GALING NG GUMAWA NETO! PALAKPAKAN SA MUKA!”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tahasang pinabulaanan ng club disc jockey na si Jellie Aw ang isang Facebook post na nagpapahiwatig na maaari niyang patawarin ang fiancé na si Jam Ignacio matapos ang kinasangkutan nilang mauling incident.

Sa kanyang Instagram Story noong Sabado, March 8, 2025, ibinahagi ni Jellie ang screenshot ng isang Facebook post na nagko-quote sa kanya.

Tungkol ito sa pagpapatawad sa isang tao kung mahal mo talaga. Lulunukin mo raw ang iyong pride at ego kapag mahal mo ang isang tao.

Buong post diumano ni "Jellie Aw": “Kung talagang nagsisisi at magbabago bakit hindi diba? Ganon naman kapag nagmamahal, lulunukin mo yung ego and pride mo just to be happy."

Kalakip nito ang larawan ng bugbog-saradong mukha ng club DJ noong panahong naging viral ang kanyang mga larawan matapos siyang bugbugin umano ng fiancé na si Jam Ignacio.

Ang petsa ng post ay March 2, 2025.

Read: Jam Ignacio, Karla's ex, accused of mauling fiancée Jellie Aw

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa caption ng totoong Jellie Aw sa kanyang Instagram story, binuweltahan niya ang nag-post ng pekeng quote.

Sabi ni Jellie (published as is): “GALING NG GUMAWA NETO! PALAKPAKAN SA MUKA!”

Jellie Aw's alleged Facebook post

Read: Jellie Aw stands firm on decision to file charges vs Jam Ignacio

JELLIE AW TO JAM IGNACIO: "ANO GAGAWIN KO?"

Mukhang wala na ngang pag-asa pang magbalikan ang engaged couple na sina Jellie at Jam, na ex-boyfriend ng aktres na si Karla Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila naka-move on na rin si Jellie sa pambubugbog na ginawa sa kanya ni Jam at balik-trabaho na siyang muli.

Sinabayan din niya ito ng pagbahagi sa kanyang Instagram Story noong March 6 ng screenshot ng mensahe ni Jam sa kanya.

Hindi malinaw kung kailan ipinadala ang mensaheng ito, pero mukhang sinusuyo muli ni Jam si Jellie.

Nakasaad ditong ginagawa umano ni Jam ang lahat para maging maayos muli ang relasyon nila, pati sa pamilya ni Jellie.

May pangarap din daw si Jam para bubuin sana nilang pamilya.

Buong mensahe ni Jam (published as is): "Kahit kailan hindi kita kayang lokohin.

"Miski kumausap nang iba hindi ko kaya gawin yan sayo. Bakit mo ako ginaganito.

"Nag mamakaawa ako sayo. Pinipilit ko na maging maayos tayo. Maging maayos tong relasyon natin.

"Nangangarap ako para satin. Para sa pamilya mo na tinuturing ko na din pamilya.

"Bakit mo ako ginaganitp

"Bakit?

"Cge lang jellie

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Cge lang

"Hindi ko na alam. Hindi ko na alam."

Makahulugang caption ni Jellie: "ano gagawin ko @jamignacio"

Read: Jellie Aw posts Jam Ignacio’s message wooing her back

Hanggang ngayon ay wala pang bagong post si Jam tungkol kay Jellie.

Patuloy pa ring naka-follow ang isa't isa sa kani-kanilang Instagram accounts.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Club disc jockey Jellie Aw denies posting "lulunukin mo yung ego and pride mo just to be happy" regarding fiancé Jam Ignacio: “GALING NG GUMAWA NETO! PALAKPAKAN SA MUKA!”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results