Holding hands while walking.
Ganito natiyempuhang makita ng isang netizen ang aktres na si Andrea Brillantes kasama ang basketball player na si Samuel "Sam" Fernandez.
Usap-usapan ngayon sa social media ang in-upload na video sa TikTok ng isang netizen, kunsaan makikita sina Andrea at Sam na magkasamang nanonood ng isang frisbee event sa Sta. Rosa, Laguna.
Nasaksihan din ng uploader ng video ang pagiging sweet ng dalawa nang magkahawak-kamay silang dumating at umalis sa venue ng event.

Dahil dito, mas lalong umugong ang espekulasyong may espesyal ngang relasyon ang dalawa.
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na nahilig kamakailan si Andrea sa larong frisbee.
Ito ang ibinuking niya sa isang panayam noong January 2025.
Aniya: "Frisbee naman, bago kong inaaral na sport, bago lang siya. Pero meron akong ballet... Masaya siyang sports, guys!"
Sa pagsisiyasat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napag-alamang maging si Sam ay mahilig din sa frisbee.
ANDREA AND SAM Spotted on a Valentine’s date
Hindi ito ang unang pagkakataong naispatang magkasama ang dalawa.
Noong February 20, 2025, pinag-usapan online ang video na kuha ng isang netizen kunsaan makikita si Andrea na may ka-date umano noong Valentine's Day.
Sa nasabing video, makikita si Andrea habang nakikipag-usap sa isa sa mga staff ng isang restaurant.

Nakasuot ang aktres ng red halter polka-dot mini-dress at red shoes.
Sa kanyang likuran naman ay makikita ang isang lalaking naka-white long-sleeve polo at may hawak na isang bouquet ng pink roses.
Kinilala ng netizens ang lalaking kasama ni Andrea sa video bilang si Sam.
ANDREA POSTS same bouquet OF FLOWERS ON HER TIKTOK VIDEO
February 14, 2025, nag-post si Andrea ng video sa TikTok kunsaan makikitang ibinibida niya ang hawak-hawak na parehong bouquet of pink roses na nakitang hawak ni Sam sa video ng netizen.

ANDREA-SAM SIGTHINGS
Ayon sa ilang netizens, hindi noong Araw ng mga Puso ang unang beses na naispatang magkasama sina Andrea at Sam.
Sa Reddit, isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan nang makita niya si Andrea sa mismong training ni Sam noon pang 2024.
Noong December 2024 naman, isang TikTok user ang nag-upload ng video kunsaan makikita sina Andrea at Sam na magkasamang naglalakad sa isang mall.

Andrea admits having suitors
Samantala, noong January 21, 2025, inamin ni Andrea na handa na siyang umibig muli matapos ang kanyang mga pinagdaanan sa nakalipas niyang relasyon.
Ang pag-amin na ito ni Andrea ay nangyari nang makapanayam siya ng PEP.ph at iba pang entertainment press sa ginanap na Star Magic Spotlight.
Read: Andrea Brillantes admits having suitors; open to new relationship
Bahagyang napag-usapan ang lagay ng puso ni Andrea nang mabanggit ang pagkakahirang sa kanya bilang Top 1 sa 100 Most Beautiful Faces ng TC Candler and Independent Critics noong December 2024.
Read: Andrea Brillantes: How beauty became a blessing to her and family
Dahil dito, tinanong si Andrea kung dumami ba ang mga nanliligaw at nagpaparamdam sa kanya matapos kilalaning numero unong pinakamaganda sa buong mundo, para sa TC Candler and Independent Critics.
Natatawang sagot ng Kapamilya actress: "Before naman akong i-announce na Most [Beautiful], mayroon naman po talaga.
"Pero hindi talaga kasi ako nakaka-focus doon, katulad na last year, like, inaamin ko yon sa kanila na parang, 'Sorry, pero I don't really date o, like, ganyan yung hinahanap ko.'
"Pero meron pong mga nagpaparamdam."
Read: Does Andrea Brillantes still believe in love?
Sundot na tanong sa kanya, "You're not ready to date this 2025?"
Natigilan saglit si Andrea at kapansin-pansing pinag-isipang mabuti ang kanyang isasagot.
Sinabi niyang noon pa man ay ipinagdasal na niya sa Diyos ang susunod na lalaking kanyang mamahalin.
Aniya: "Sabi ko din naman kasi, yung nagdarasal ako kay Lord, may prayers ako na, 'Lord, actually I think na nakapag-heal na ako, not hundred percent because nobody has hundred percent healed.'
"Pero I think kasi ang laki na ng growth ko from last year. At the same time, what if I'm just being isolated?
"Na, parang lumalayo lang ako pero ang totoo pala is hindi pa ako nakakapag-heal.
"So, sabi ko, 'Lord, I don't know, but maybe I can kung may darating or what.'
"Let's see, I'm open naman to it, pero I want to be intentional with it. But I'm open."
Hindi pinangalanan noon ni Andrea ang mga lalaking nagpaparamdam sa kanya.
Read: Andrea Brillantes gets peace from social-media detachment
