“Sobrang Latina.”
Ganito ang ilang comments ng supporters ni Sharon Cuneta, 59, kasunod ng pag-post ng Megastar ng larawan kung saan kapansi-pansin ang malaking ipinayat ng kanyang katawan.
Sa recent Instagram post ni Sharon, makikitang naka-ponytail ito, nakasuot ng light pink long sleeves, at light-colored pants.
Sa caption, bakas ang pagiging proud ng singer-actress sa kanyang weight-loss achievement.
Sabi ni Sharon, “For the first time in over 20 years, I was able to shop for clothes again that I actually want to wear.”
Umabot daw siya ng size 24 at nag-panic siya dahil sa health issues.
Pero ngayon, “I am now back to size 6-8. A small to medium.
“And when I tried on clothes for my new wardrobe, I was moved to tears because I still couldn’t believe I had finally lost all that ugly extra weight!
“Not done yet. Just a few more.”
Maraming kapwa celebrities ang pumuri sa weight-loss journey ni Sharon. Kabilang dito sina Coney Reyes, Ara Mina, Ruffa Gutierrez, Rhea Santos, Connie Sison, Cheska Garcia, at marami pang iba.
Bumuhos din ang papuri at kasiyahan ng supporters ng Megastar, na nila-like naman nito.


Read: Sharon Cuneta on weight-loss journey: "Nakakaiyak. Nakakagutom."
SHARON ANSWERS CRITICS, doubters
Naging masigasig si Sharon sa pagsagot ng mga komento—positibo man o negatibo.
Sinagot ni Sharon ang mga hinala o kaya tanong tungkol sa kanyang pagpayat.
Ilang netizens ang inusisa ang Megastar kung gumagamit ba siya ng Ozempic na isang prescription drug.
Kontrobersiyal na gamot ang Ozempic, na ginagamit ng ilang Hollywood celebrities para pumayat.
Ayon sa information sa web, ang drug na ito ay Semaglutide, isang anti-diabetic medication na gamot para sa type 2 diabetes at anti-obesity medication para sa long-term weight management.
Pero giit ni Sharon, hindi siya gumamit ng Ozempic.
Sagot niya sa isang netizen (published as is): “not Ozempic. Heard it makes you look old.”
Reply niya sa isa pa, “Nope never had it”


Patanong na komento ng isa pang netizen kung sumilalim siya sa surgery.
Reply ni Sharon (published as is): “you can have all the surgery you want but nothing is gonna work unless you change your eating habits”

Sa isa pang reply, inamin ni Sharon na nag-undergo siya ng surgery noon para tanggalin ang kanyang sagging skin.
Nagkomento ang isang netizen na sobrang pumayat daw si Sharon at inusisa kung wala siyang “extra skin”
Sagot ng Megastar: “I had surgery in 2023 (announced it in our dear heart MOA concert) to remove extra skin on my arms.
“I still have loose skin on my legs but otherwise, treatments at @theaiveeclinic have prevented most of my skin from sagging”

Umaasa naman daw ang isang supporter na ma-maintain ni Sharon ang kanyang pangangatawan ngayon.
“Praying I am able to!” sagot ng aktres.
