Nagsalita na ang PBA player na si Caelan Tiongson, 32, hinggil sa usap-usapang may espesyal umano silang relasyon ng BINI member na si Aiah Arceta, 24.
Nagsimula ang espekulasyon sa ugnayan ng dalawa nang maispatan si Aiah na nanonood ng laro ng kinabibilangang koponan ni Caelan, ang Rain or Shine Elasto Painters, noong Sabado, March 1, 2025.

Ayon sa fans, nanood si Aiah para suportahan si Caelan.
Read: BINI’s Aiah reiterates call for respect and privacy
Bago ang basketball game ay naispatan naman si Caelan na nanood sa sold-out Grand BINIverse concert ng P-pop girl group na ginanap sa Philippine Arena noong February 15.

Ayon sa Blooms (tawag sa fandom ng BINI), ang pagpunta ni Caelan sa concert ay maaaring pagpapakita ng suporta nito kay Aiah.
Read: BINI members in tears at ABS-CBN contract renewal
Dahil sa magkasunod na insidente, maraming netizens ang ngayo'y nahihiwagaan kung ano nga ba ang tunay na ugnayan nina Aiah at Caelan.
CAELAN CLARIFIES CONNECTION WITH BINI AIAH
Matapos ang Game 3 ng PBA Commissioner's Cup semifinals nitong Linggo, March 2, nahingan ng reaksiyon ng One Sports si Caelan tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Aiah.
Walang kumpirmasyong sinabi ang Filipino-American basketball player kung may katotohanan nga ba ang tungkol sa kanila ng P-pop idol.
Read: BINI Maloi shuts down dating rumor with Rico Blanco
Ang tanging naging paliwanag niya ay nagkakilala sila ni Aiah "through a mutual friend."
Bukod pa rito, sila raw ay churchmate.
Pahayag ni Caelan: "I met her through a mutual friend and she's a great person, but I'm not gonna speak about her personal life anymore than that.
"She's a great person and that's all I gotta say."
Sabi pa ni Caelan, masugid siyang tagahanga ng BINI. Ito raw ang dahilan kung bakit siya dumalo sa concert ng grupo.
Aniya, "I love BINI. [I'm a] big Bloom fan, love their music."
Read: PEP Most Influential 2024 P-pop Phenomenon: BINI
WHO IS CAELAN Tiongson?
Si Caelan ay isang Filipino-American player na naglalaro para sa koponang Rain or Shine Elasto Painters sa Philippine Basketball Association.
Noong July 2024, napabilang at pumirma ng tatlong-taong kontrata si Caelan sa Rain or Shine.

Bago maging manlalaro sa PBA, naglaro rin si Caelan sa Taoyuan Leopards sa Taiwan's T1 League.
Naging bahagi rin siya ng Strong Group Athletics na nanalo sa William Jones Cup sa Taipei noong 2024.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag na inilalabas si Aiah, maging ang kanyang talent management na Star Magic, ukol sa napapabalitang relasyon nila ni Caelan.
