PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rhian Ramos reacts to Sam Verzosa-Isko Moreno word war in Manila

Rhian Ramos on Sam Verzosa-Isko Moreno word war on Manila
by Melba R. Llanera
Published Mar 2, 2025
rhia ramos sam-isko word war
Actress Rhian Ramos, girlfriend of Manila mayoral candidate Sam Verzosa (inset, top), reveals what advice she gave to him amid his ongoing word war with fellow candidate Isko Moreno (inset, bottom).
PHOTO/S: @whianwamos on Instagram / Facebook

Bago pa man opsiyal na magsimula ang kampanya para sa local elections ngayong 2025, mainit na ang patutsadahan ng dalawang kandidato bilang mayor ng Maynila — sina Isko Moreno at Sam Verzosa.

Sa isang speaking engagement ni Isko ay pinarunggitan nitong "pabida" ang isa sa katunggali niya.

Kinuwestiyon din ni Isko ang pamimigay ng di niya pinangalanang katunggali ng mga de lata at bigas sa mga taga-Maynila.

Tinanong din ng dating alkalde ng Maynila kung nasaan daw ang katunggali niya nung panahon ng pandemiya.

Read: Isko Moreno at Sam Verzosa, di inasahang magkikita sa isang event

Hindi man pinangalanan ay marami ang naniniwalang ang pinatatamaan ni Isko ay walang iba kundi si Sam.

Hindi naman ito pinalampas ni Sam.

Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts ay naglabas ng mga "resibo" si Sam para patunayang mali ang mga paratang sa kanya ni Isko.

Kabilang dito ang video nila ni Isko kung saan nagbigay ng donasyon at tulong ang Frontrow International, ang kompanyang pagmamay-ari ni Sam, sa mga naninirahan sa Maynila nung kasagsagan ng pandemya nung 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Isko ang nakaupo noong mayor ng Maynila.

Read: Sam Verzosa, sinagot ang mga patutsada sa kanya ni Isko Moreno

RHIAN RAMOS ON ISKO-SAM ISSUE

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang girlfriend ni Sam na si Rhian Ramos sa mediacon ng magazine-lifestyle show na Where in Manila na ginanap sa Winford Resort and Casino Manila, noong February 27, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong namin ang Kapuso actress kung anong payo ang ibinibigay niya kay Sam sa umiinit na patutsadahan nito at ni Isko.

Saad ni Rhian: "Ako, if there's something that I will tell him, 'Alam kong people will mention your name and say things directly to you.

"'Pero honestly, because you are a public persona, don't take it personally.

"'Kasi kung hindi ka nila personal na kilala, ibig sabihin hindi ka nila kilala.

"'Hindi ikaw yung dini-describe nila. Yung konspeto nila ng ikaw, hindi ikaw talaga yun."

Pagpapatuloy ng actress-TV host: "Dahil lumaki ako sa showbiz, nasanay na ako na if may mam-bash man or they have negative things to say, I also don't take it personally.

"Kasi, unless personal mong kilala talaga yung tao na yun, it means they are not saying it about you.

"They are not inventing the concept of Rhian na mayroon sila sa utak nila, yun ang dini-describe nila na tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sinasabi ko, walang tao na makakapag-define sa iyo except ikaw. Hindi sila ang magsasabi kung sino ka, ikaw lang ang puwedeng magsabi nun."

Read: Rhian Ramos, di magsasampa ng reklamo sa alegasyong nandaya

isko moreno and sam verzosa awkward moment
Isko Moreno and Sam Versoza were in the same event in 2024.
Photo/s: Jojo Gabinete

IS SAM VERZOSA AFFECTED?

Tinanong ng PEP si Rhian kung nakikita ba niyang naaapektuhan si Sam sa mga patutsada ni Isko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya: "Hindi naman, but most of the time, pag may bago, may bago na naman sa pandinig niya, kinukuwento niya sa akin.

"I'll go, 'Ah, talaga?' Tapos I'll read it or whatever.

"Pero most of the time, isang sabi ko lang sa kanya, 'Wala yan.'

"Oo, sometimes he just need to hear it from me siguro na i-confirm ko nga."

Buo ang suporta ni Rhian sa boyfriend at masasabing getting stronger at deeper ang relasyon nilang dalawa.

Pagtatapat ng aktres, noon ay wala siyang balak magpakasal pero nabago raw ito nang maging sila ni Sam.

"The truth is, tinanong na naman niya ako about dun, na I don't really have a dream wedding.

"Hindi yun isang bagay na I grew up thinking about.

"In fact, I never dreamt of being married or anything like that.

"It's just when I really met him, I became comfortable with the idea. Yun ang absolute truth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya yung kanina, yung sinagot ko, di ba, 'Bahala ka kung saan ang gusto mo.'

"Kasi sa totoo lang, wala akong expectation.

"Bakit nabago? I think the way we were able to solve conflicts with each other, that's what makes me believe that I can grow with this person and he can grow with me."

Read: Sam Verzosa, hindi raw gagamitin si Rhian Ramos sa politika

WHERE IN MANILA

Abala ngayon si Rhian sa taping ng upcoming Kapuso fantaserye Sang'gre kung saan ginagampanan niya ang role bilang si Mitena Cassiopeia.

Bukod dito ay balik-hosting siya sa Where In Manila, isang magazine-lifestyle show na mapapanood sa GMA-7 tuwing Sabado, ganap na 11:30 ng gabi, simula sa March 8.

Ayon kay Rhian, excited siyang ipakita ang tourist spots at maipagmamalaking mga pagkain at produkto ng Maynila.

"Yun lang ang title, pero of course yung buong Metro Manila kasama dito yun.

"So for everyone in Metro Manila and surrounding areas, madali nilang mahahanap at mapupuntahan yung mga spots na dapat din nilang ma-experience at dapat din nilang ma-discover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dito rin nila makikita ang iba't ibang pagkain, streetfood na talagang maipagmamalaki ng Manila."

Notice: This article falls under promotional material for candidates running in the 2025 election.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Rhian Ramos, girlfriend of Manila mayoral candidate Sam Verzosa (inset, top), reveals what advice she gave to him amid his ongoing word war with fellow candidate Isko Moreno (inset, bottom).
PHOTO/S: @whianwamos on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results