PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kaladkaren denies breakup rumors with husband Luke Wrightson

Kaladkaren: "Wala po kaming problema ni Luke. Masaya po kaming mag-asawa."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 28, 2025
Kaladkaren denies breakup rumors with husband Luke Wrightson
Kaladkaren breaks silence on breakup rumors with husband Luke Wrightson: "Our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, mayroong challenges...But for thirteen years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa't isa."
PHOTO/S: Kaladkaren on Instagram

"Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson."

Ito ang nakangiting pagpapakilala ni Kaladkaren a.k.a Jervi Wrightson sa extro ng TV5 primetime newcast na Frontline Pilipinas ngayong Biyernes, February 28, 2025.

Kaladkaren denies breakup rumors with husband Luke Wrightson
Photo/s: Screengrab News5Everywhere on YouTube

Read: Kaladkaren debuts married name on TV5's Frontline Pilipinas

Sa gitna ito ng usap-usapang hiwalay na sila ng asawa niyang si Luke Wrightson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Julius Babao criticized for asking Kaladkaren about marital issue

KALADKAREN FINALLY SPEAKS UP ABOUT BREAKUP RUMORS WITH LUKE

Sa nalalabing minuto bago matapos ang Frontline Pilipinas ay nagdesisyon si Kaladkaren na magsalita tungkol sa naiintriga nilang relasyon ni Luke.

Cosmopolitan Philippines, Women of Influence 2024, Kaladkaren
Photo/s: Troy Ang / Cosmopolitan Philippines

Dito ay pinabulaanan niya ang kumakalat na espekulasyong hiwalay na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Kaladkaren, katulad ng ibang mag-asawa ay dumaraan din sila sa mga pagsubok, ngunit sa huli ay pinipili raw nila ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Saad niya: "Lilinawin ko lang po yung issue tungkol sa amin ni Luke.

"You know, our marriage is not perfect.

"Katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, mayroong challenges.

"And hindi rin po nakakatulong na minsan hindi kami magkasama because Luke is working abroad.

"But for thirteen years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa't isa."

Diin pa ni Kaladkaren: "So, kami pa rin po. We're still together.

"Wala po kaming problema ni Luke. Masaya po kaming mag-asawa.

"Katunayan nga, umuwi siya ng Pilipinas, kakarating lang kaninang tanghali."

Read: Kaladkaren teases Luke Wrightson during exchange of wedding vows

KALADKAREN EXPLAINS HER TIKTOK POST AND DELETED WEDDING PHOTOS

Para sa kapanatagan ng kanyang fans, ipinaliwanag din ni Kaladkaren ang kanyang TikTok video na pinag-ugatan ng intriga sa relasyon nila ni Luke.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong February 18, nag-post si Kaladkaren sa TikTok ng video niyang may makahulugang background music.

Sa nasabing video, makikitang tila nag-e-emote si Kaladkaren habang nili-lip sync ang cover song ni KristyLee ng "We Can't Be Friends" ni Ariana Grande.

Ang nakakaintriga rito ay ang verses sa kanta na ginamit ni Kaladkaren na i-lip sync:

I saw it coming, I still cried.

I thought when you left, you'd leave my mind.

No, I don't want hate you, but you chose your pride.

When I needed a hug, you held the knife. But I still wish we had more time.

It must be crazy, right?

Read: Is Kaladkaren's relationship with Luke Wrightson on the rocks?

Paliwanag dito ni Kaladkaren, walang ibang kahulugan ang kanyang TikTok post.

Sabi niya, "Yung Tiniktok po ko na song ni Ariana Grande na "We Can't Be Friends," feel ko lang siya i-TikTok nung araw na yon."

Maging ang pagpansin ng netizens sa pagdi-delete umano ni Kaladkaren sa wedding photos nila ni Luke ay nilinaw rin ng TV5 showbiz presenter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw niya: "Yung picture ko naman sa Instagram, inaayos po kasi ng management yung feed ko for work.

"So, nagtanggal sila ng ibang pictures pero ibabalik din nila yon.

"Pati nga ako nagulat din ako na, 'Bakit wala yung ibang pictures ko?'"

KALADKAREN: "mag-ingat po tayo sa fake news..."

Wala raw talagang plano si Kaladkaren na magsalita dahil wala naman silang problema ni Luke.

Ang nag-udyok lang daw sa kanya ay ang nababasa at napapanood niya online na ginagawan ng hindi kanais-nais na content ang relasyon nilang mag-asawa.

Pahayag ni Kaladkaren: "Napagtagpi-tagpi lang ng netizens yung kuwento. Mayroon pang gumagawa ng fake news, fake videos.

"Ini-slice yung dati kong vlogs tapos inilalagay na umiiyak ako doon sa issue.

"I think the moral of the story, we have to be responsible with the content that we receive and consume."

Read: Kaladkaren now Mrs. Luke Wrightson!

Paalala pa niya, "Yung mga napapanood natin online, mag-ingat po tayo sa fake news and let's mind our own business."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Trans woman impersonator Kaladkaren announces engagement to British boyfriend

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaladkaren breaks silence on breakup rumors with husband Luke Wrightson: "Our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, mayroong challenges...But for thirteen years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa't isa."
PHOTO/S: Kaladkaren on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results