PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anthony Rosaldo gives sneak peek to his role in Liwanag Sa Dilim

Kapuso star Anthony Rosaldo also released a new single "Batubalani."
by Rommel Gonzales
Published Feb 27, 2025
Anthony Rosaldo gives sneak peek at his role in Liwanag Sa Dilim
Anthony Rosaldo on his role in Liwanag Sa Dilim: "I'm an orphan po, yung character ko... Within the story po, meron po dung mga story about sa pakikipaglaban sa mga karapatan, and sa mga sari-sariling prinsipyo, mga paniniwala ng mga tao."
PHOTO/S: @theanthonyrosaldo Instagram

Malapit nang mapanood ang Kapuso star na si Anthony Rosaldo sa musical play na Liwanag Sa Dilim.

Si Anthony ay produkto ng unang season ng The Clash (2018), ang reality singing competition sa GMA-7.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagpasintabi siya na hindi niya muna mabigay kung ano ang pangalan ng kanyang karakter.

Pero mahihinuhang bida siya sa play.

Ka-alternate niya sa kanyang role ang kapwa Kapuso artist na si Khalil Ramos.

"I will only base yung sasabihin ko po sa mga nabasa ko na," maingat na saad ni Anthony.

Sabay lahad niya: "So, yung Liwanag Sa Dilim po revolves around the story of my character.

"I'm an orphan po, yung character ko. And then, tatakbo po siya sa story and sa journey po ng character ko.

“So, sa paghahanap po ng truth about himself..."

May social relevance raw ang play.

"Within the story po, meron po dung mga story about sa pakikipaglaban sa mga karapatan, and sa mga sari-sariling prinsipyo, mga paniniwala ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I think maraming Pilipino ang makaka-relate po dito."

Nagpaliwanag ulit si Anthony kung bakit maingat siya sa pagbigay ng detalye tungkol sa Liwanag Sa Dilim.

Aniya, “Konting-konti palang po kasi wala po po kaming official press visit, and hindi pa po ako makapagsalita about it, and also, ayoko po kayo spoil sa mga manunood po.

Excited si Anthony dahil bibigyang-buhay sa play ang mga kantang likha ni Rico Blanco.

"We have 23 of Rico Blanco's songs from when he was in Rivermaya.

“So, iyon po yung gagamitin namin na mga kanta sa musical. So dun pa lang, ang feeling ko, kapit na kapit na agad po yung mga manonood namin."

Nakapanayam ng PEP si Anthony noong February 5, 2025 sa Corte Ibiza sa Tomas Morato sa Quezon City.

Ipapalabas ang Liwanag Sa Dilim simula March 7 sa CPR Auditorium, RCBC Plaza sa Makati City.

Read: Gabby Concepcion reacts to Sharon Cuneta wearing a ring from him

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANTHONY ROSALDO ON BEING A THEATER ACTOR

Unang pinagbidahan ni Anthony ang musical play na Ang Huling El Bimbo, kunsaan kinanta niya ang hit songs ng OPM icon na Eraserheads.

Positibo ang reviews na natanggap ni Anthony sa play.

Read: Ang Huling El Bimbo The Musical: Everything You Need To Know

Para kay Anthony, magkaiba ang fulfillment niyaa sa theater acting at singing.

"When you're in theater, it requires a lot of hard work, patience...

"And also being genuine to your co-characters, and to also being accepting sa lahat ng puwede kong i-feed sa iyo.

“Mapu-fulfill ka kasi nagawa mo ito, in the span of time, nakapag-memorize ka, nakapag-choreograph ka, you're able to give feelings na hindi mo basta-basta nabibigay on a normal day.

“And also, sa singing kasi, it's just that one song that you have to interpret and give emotions to."

Lahad pa niya: "Pero sa theater po, kailangan talagang bigyan mo ng buhay yung isang character and make people believe, yung mga nanonood po, na ikaw talaga yun and kasama mo sila sa journey mong yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So, there's magic in theater po na I find very, very fulfilling and I'm very satisfied.”

Aminado si Anthony na mahirap gumanap sa teatro.

"I mean, pagdadaanan mo siya nang mahirap. Ida-doubt mo yung sarili mo, you will question yourself," paliwanag niya.

"I also struggled with anxiety when I first did theater."

Pero worth it daw ang paghihirap niya.

"So, parang pag napagdaanan mo na siya lahat, tapos nagpe-perform ka na, and you've done a two-and-a-half-hour show nang dire-diretso, walang cut, ang sarap sa pakiramdam, lalung-lalo na po sa curtain call.

“So, ayun po, those are the feelings na hindi ko makukuha with just singing po.”

Read: Sharon Cuneta hands-off in KC-Aly rumored reconciliation

ANTHONY ROSALDO releases NEW Single

Sa kabilang banda, isa pang nagbibigay ng excitement kay Anthony ay ang newly released single niya, ang "Batubalani," na ini-release ng GMA Playlist.

Sinulat daw niya ang kanta noon pang 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And my inspiration actually is from the title itself, 'Batubalani.'

"So parang, if I'm not mistaken, na-encounter ko yung word somewhere in an article yata or a video, tapos I got curious kung anong meaning nung batubalani.

“So, yung meaning po ng batubalani is magnet. Magnet siya.

"So 'Batubalani' is a love song. So if you guys listen to the lyrics, tungkol siya sa pag-ibig ng isang taong hindi kayang mahiwalay sa kanyang mahal.

“So, lagi siyang naghahanap ng chance na mapalapit sa kanya and hindi sila magpahihiwalay. So it revolves around that."

Mahilig daw si Anthony sa K-drama kaya may impluwensiya rin ito sa ginawang love song.

"And I, as a big fan of mga K-drama, ganun sila, di ba?

"Pag napapanood yung bida, parang, 'Grabe naman sila, hindi sila mapaghiwalay. Yung love nila against all odds. Sila lang forever.'

“So, parang ganoon, dun po tumakbo siya.”

Kaninong artista siya nabatubalani?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Anthony: "Marami, e. Naba-batubalani ako pag nakikita ko si Miss Heart. Sino pa ba? Si Miss Marian.

"Yung mga beauty nila nakaka-batubalani po, so sila po yung mga nakaka-magnetize sa akin."

Ang tinutukoy niya ay ang Kapuso A-listers na sina Heart Evangelista at Marian Rivera.

Ang huling single na kinanta at sinulat ni Anthony ay ang “Tama Na” noong 2022.

Bakit matagal nasundan ang last single niya?

Paliwanag niya: "Yung 2022 po kasi was my transition to theater, so nag-start po ako mag-rehearse ng Ang Huling El Bimbo: The Musical, 2022 na po.

"So, parang, as you all know, pag nasa theater ka, you focus solely on that.

"And parang iyon po, nawala na po yung attention ko sa paglabas ng kanta."

Tamang-tama naman na may nakabangko raw siyang kanta na ngayon ay nailunsad na.

"Pero iyon nga po, dahil hinahanap ko po ulit yung feeling ng merong bagong kanta, at meron po mga ma-touch pa na mga maraming tao with my song, ayun po, naglabas po ako now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I thought ito po yung perfect time for me, 2025, kasi bilang ang tagal na nga po.

"At saka marami rin naghahanap. And being a singer, siyempre singer ka, kailangan may kanta ka, so talagang naglabas po ako."



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Rosaldo on his role in Liwanag Sa Dilim: "I'm an orphan po, yung character ko... Within the story po, meron po dung mga story about sa pakikipaglaban sa mga karapatan, and sa mga sari-sariling prinsipyo, mga paniniwala ng mga tao."
PHOTO/S: @theanthonyrosaldo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results