Nagtungo ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) upang ireklamo ang isang netizen na umano'y nagbanta sa kanya.
Sa Instagram ngayong Huwebes, February 27, 2025, ibinahagi ni Robi ang ilang litratong kuha sa pagbisita niya sa tanggapan ng NBI.

Sa caption ng kanyang post, sinabi ni Robi na marami siyang natutunan sa pagpunta niya sa NBI.
Kabilang na rito ang mga dapat gawin sa pagpuproseso ng paghahain ng reklamo.
Mababasa sa post ni Robi (published as is): "ACCOUNTABILITY. I visited the NBI today and met with Chief Bomediano and Atty. Tucay. Thank you for answering all my questions!
"Here’s what I learned:
"1. You can file a complaint against any government agency, especially if your safety is at risk. It’s free to file.
"2. Always take screenshots of your complaint and the URL. Even if it’s deleted, the digital trace is still there. (If someone deletes it, it could show intent.)
"3. Whether it’s a troll or not, there’s a real person behind the screen, and they are still responsible for their actions."
Pinaalalahanan din ni Robi ang publiko na maging maingat sa pagkukomento online.
Aniya, "Remember, every action has consequences, whether online or offline.
"Let’s be kind and take responsibility."
ROBI ALARMED BY THREATS from netizen
Ang pagpunta ni Robi sa NBI ay nangyari ilang araw matapos niyang buweltahan ang isang netizen na tila nagbanta sa kanya tungkol sa posibleng pagtatambal ng malapit niyang kaibigan na sina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan.
Sa Instagram noong February 22, nag-post si Robi ng mga larawan at video kuha sa photo shoot at taping ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7.
Read: Robi Domingo fires back at netizen opposing Kathryn-Donny pairing
Noong February 21, isinapubliko ng ABS-CBN ang pagbabalik ng PGT, at sa edisyong ito ay si Robi ang magsisilbing host kasama si Melai Cantiveros.
Sina Kathryn at Donny naman ay makakasama nina Eugene Domingo at Freddie "FMG" Garcia, former president ng Kapamilya network mula 1997 hanggang 2003, bilang judge.
Balik sa post ni Robi, proud at masaya niyang ibinahagi ang behind-the-scene photos at video.
Isang karangalan daw para sa kanyang maging bahagi ng PGT, na dati ay pinapanood lang niya.
Mababasa sa caption ni Robi (published as is): "From being a fan to now being part of this legendary show—what a dream come true!
"Honored to be here alongside an amazing team. Pilipinas, let’s celebrate talent like never before. The stage is set!"
Sa comments section ng post ni Robi, isang netizen ang nagkomento na may tonong pagbabanta sa TV host.
Ayon dito. kung sakali mang pagtambalin sina Kathryn at Donny sa show, sisiguraduhin daw ng netizen na maba-bash nang husto si Robi ng mga tagahanga ng DonBelle—ang uniname ng love team nina Donny at Belle Mariano.
Buong komento nito (published as is): "@iamrobidomingo ay subukan mo lang na i-match si @donny at @bernardokath ready ready and solid supporters ni Belle Mariano na ibash ka mula ulo mo hanggang paa. WAG MO ITOLERATE yung KA LANDIAN ng peste mong kaibigan."
Napansin ni Robi ang komentong ito kaya't agad-agad din niya itong sinagot.
Sagot ni Robi (published as is): "Can I consider this as a threat? Can I take legal actions against this?
"I don’t tolerate this behavior."

KATHRYN-DONNY POSSIBLE PAIRING
Naging usap-usapan online ang posibleng pagpapareha kina Kathryn at Donny matapos silang ipakilala bilang mga bagong judges ng PGT.
Bukod pa rito ang napabalitang panliligaw noon diumano ng aktor kay Kathryn matapos maghiwalay ang aktres at ang long-time boyfriend nitong si Daniel Padilla.
Read:
- Kathryn Bernardo's Family Prefers Alden Richards?
- Robi Domingo Tackles Net Speculation on Donny-Kathryn Link
Kung saka-sakaling ipareha si Donny kay Kathryn, paano na ang ka-love team nitong si Belle?
Ayon sa bulung-bulungan, baka ipares daw si Bellesa baguhang si Robbie Jaworski.
Read: Rigodon de Amor: From KathDen to KathDon and DonBelle to RoBelle?
Samantala, wala pang inilalabas na detalye ang Star Magic tungkol sa espekulasyong magkakaroon ng mga pagbabago sa mga Kapamilya love team ngayong 2025.
