Ikinatuwa ni Gabby Concepcion, 60, na makitang ginagamit pa rin ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta, 59, ang "friendship ring" na bigay niya.
Ipinarating ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gabby na namataang suot ni Sharon ang ring nang dumalo si Sharon sa isang endorsement event nito noong January 30, 2025.
"Yeah, I think yung pagbibigay ng ring is very powerful. Mas lalo na siguro kung [smart watch and ring brand] din yun, makakatulog ka nang mabuti," nakangiting saad ni Gabby.
Ibang brand ang ibinigay ni Gabby kay Sharon dahil isa lang daw ang health ring na dala niya noon sa U.S.
"At that time, iisa lang yung ring ko. Nagpunta pa ako sa mall at binigyan ko siya ng ring."
Nakapanayam ng PEP at piling entertainment press si Gabby sa presscon para sa endorsement niya ng mWell smart watch and ring noong Martes, February 25, 2025.
Nagkasama sina Sharon at Gabby sa Dear Heart eight-city concert tour sa U.S. at Canada noong October-November 2024.
November 23 nang bigyan ni Gabby si Sharon ng friendship ring sa gitna ng kanilang concert sa Hawaii.
Patuloy ni Gabby, "Okay naman nangyari sa amin.
In fact, yung umpisa ng Dear Heart was a good thing for us because it renewed friendships.
"From that point on until now, natutuwa ako, minsan nakikita ko sa reels niya—may nagpapadala sa akin—na parati niyang hawak yung ring.
"Thank you very much for cherishing that friendship."
Read: Sharon Cuneta reveals past love life, broken engagement to billionaire's son
GABBY CONCEPCION ON GIFT FROM SHARON CUNETA
May regalo ring natanggap si Gabby kay Sharon—isang color blind glasses, na makikitang suot ng aktor sa pictorial niya para sa bagong endorsement.
"Oo, yan yun," kumpirma ni Gabby sa suot niyang glasses sa tarp na nasa presscon.
"Kasi color blind ako. Kaya pinasuot niya yan sa akin para makita ko raw siya nang mas malinaw," nakangiting dagdag ni Gabby nang tanungin ng entertainment editor na si Jun Lalin.
Na-appreciate daw ni Gabby ang regalo ni Sharon.
"Of course, kasi ngayon lang ako nakakita, at least sa aking perspective ng version ng green.
"Yung green ko kasi, ako lang nakakaalam ng color na yun.
"Nag-test na ako ilang bess ng color blindedness, talagang green and red ang aking [hindi nakikitang color].
"So, madalas naka-blue or black and white."
Sabay biro ni Gabby, "Maganda nga kasi I'm not racist. I'm color blind."
Iyon ang unang color blind glasses niya.
Iyon lang ang gamit niya dahil wala pa raw ibang nagbibigay sa kanya ng color blind glasses.
Read: Sharon Cuneta: First Million at 15, Billion by 30s
WILL gabby concepcion TOUR AGAIN WITH SHARON cuneta?
Nang tanungin kung kailan uli sila magkakasama ni Sharon para sa isang concert tour, wala pang pinal na masagot si Gabby.
"Wala pa kami napag-uusapan so di namin alam kung matutuloy yung mga concert na gagawin sana namin abroad.
"Pero hoping na matuloy..."
Sa ngayon ay nakatakda raw gawin ni Gabby ang bagong teleserye niya sa GMA-7.
"...because mag-uumpisa na yung teleserye namin. We'll end in November. So, baka wala ng time mag-show.
"I'm under contract with GMA, baka di ko magawa yung [concert] shows."
Read: Sharon Cuneta recalls turning over KC Concepcion's savings
