PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili admits missing playing kontrabida role

Katrina Halili: "Kaka-miss din, kasi nakakapagod umiyak ha."
by Arniel C. Serato
Published Feb 26, 2025
Katrina Halili talks about her kontrabida, bida role
Katrina Halili on what role she's more comfortable doing: kontrabida or bida?: "Hindi ko na nga alam kung comfortable pa rin ako magmaldita, e. Hindi ko alam, hindi ko po alam, parehas na gusto kong gawin."
PHOTO/S: Arniel Serato

Kahit anong role ang ibinibigay sa kanya, tila aprubado sa publiko ang pag-arte ng Kapuso actress na si Katrina Halili.

Unang nakilala si Katrina sa pagganap ng kontrabida roles, pero kapansin-pansin sa mga teleseryeng ginagawa niya recently na siya naman ang inaapi.

Sa kanyang latest project na Mommy Dearest, na nagsimulang umere sa GMA Afternoon Prime noong Lunes, February 24, 2025, ay api-apihan na naman ang role niya.

Saad ni Katrina: "Okay naman ako kung ano yung binibigay sa akin na role. Tinatanggap ko naman.

"Kasi, normally, binibigay sa akin dati kontrabida.

"Tapos nag-wish ako na mabigyan naman ako ng mabait.

"Nabigyan ako Prima Donnas, Unica Hija. Tapos ito [Mommy Dearest]. Tapos naisip ko, 'Puwede naman ako bumalik sa kontrabida.'

"Yun naman, kinakausap ko yung sarili ko.

"Kaka-miss din, kasi nakakapagod umiyak ha.

"Tsaka, parang nagulat lang ako na parang, 'Waaah! Talagang na-stuck ako dito, ha.'

"Parang happy naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi ibig sabihin, nagtitiwala sila, di ba?"

KONTRABIDA ROLE OR BIDA ROLE?

Nag-alangan pa raw noon si Katrina kung tatanggapin ba niya ang mabait na role sa telebisyon dahil, ayon sa kanyang mga kaibigan, ay hindi bagay sa kanya.

"Yun naman yung goal ko, na kinakatakot ko.

"Kasi yung una akong binigyan ng mabait, kahit yung mga kaibigan ko, sabihin sa akin, 'E, bagay ba sa yo ang ganyan?'

"Yung parang nairita sila. Nairita sila na, 'Ba't ganyan? E, mas bagay sa yo yung ano, dapat ganito yung suot mo, ganyan ka, ganyan ka.'

“So, parang yun yung challenge sa akin na, ‘Ano, ba't paano na?'

"Maniwala kaya sila, e, mga kaibigan ko mismo ayaw."

Pagpapatuloy ni Katrina: "Pero ngayon naman, okay na naman.

"And pati reporters ha, before. Yung Prima, unang-una ako binigyan ng mabait. Ayaw nila maniwala.

"Dyuskupo, sana maniwala naman sila.

"Pero mukha namang naniwala, di ba? Kasi pangatlo ko na ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero saan ba mas comfortable si Katrina: sa kontrabida o bida role?

Sagot niya: “Mas comfortable? Um, ito kasi medyo ilang taon na ako dito, e.

"Medyo, hindi ko na nga alam kung comfortable pa rin ako magmaldita, e.

"Hindi ko alam, hindi ko po alam, parehas na gusto kong gawin.

"Pero kung comfortable, hindi ko alam kung ano na, kung saan na yung mas comfortable."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang press si Katrina sa media junket ng Mommy Dearest sa GMA Network Center nitong nakaraang linggo.

Kasama ni Katrina na humarap sa press ang co-stars niya sa teleserye na sina Camille Prats, Shayne Sava, at Dion Ignacio.

Read: Shayne Sava not the first choice for lead role in Mommy Dearest

KATRINA HALILI, CAMILLE PRATS TALK ABOUT BEING A MOTHER

Ang Mommy Dearest ay tumatalakay sa pagmamahal ng isang ina.

Kaya malapit daw ang titulo ng teleserye kina Katrina at sa kapwa niya inang si Camille.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Katrina Halili and Camille Prats at the Mommy Dearest mediacon
Photo/s: Arniel Serato

Katrina Halili and Camille Prats at Mommy Dearest mediacon

Saad ni Katrina: "Malapit yung title, siyempre nanay po ako.

"And, lalo na yung role ko, ano, mapagmahal na ina, di ba, gagawin ang lahat para sa anak niya.

"So, malapit po talaga sa akin, sa amin."

Dagdag naman ni Camille: "I think because we come from a place of being a mother, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang, kahit naman tayo, meron naman, maganda naman lagi yung intention natin sa mga anak natin.

"Kahit na minsan akala nung mga anak natin na nasasakal sila o nasasaktan sila.

"Kahit hindi natin nauunawaan kung saan nanggagaling yung ganung pagmamahal, they always come from a good intention.

"And, yun siguro yung mensahe dito ng Mommy Dearest na to."

Para kay Camille, hanggang saan ang kaya niyang ibigay para proteksiyunan ang kanyang anak?

Tugon niya: "Ako kasi, because I already have teenagers.

"I have a 20-year-old and a 17-year-old.

"So, para sa akin, importante kasi yung values na habang maliit sila, maituro mo talaga yung mga values na gusto mong ituro sa kanila, na dadalhin nila sa paglaki nila.

"Because eventually, when they're older, when they become adults, hindi mo naman na talaga sila kaya utuin.

"Even the decisions that they will be making will be entirely up to them.

"There are times when I feel na yung mga desisyon ng anak ko, e, hindi tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Feeling ko talaga, e, madadapa sila, o mapapatid sila.

"You know, in my heart, I just pray na yung foundational values na naituro ko sa kanila, yun din yung magpapaalala sa kanila dun sa mga magiging desisyon nila sa buhay.

"Because, in reality, hindi mo puwede kontrolin yun.

"Minsan kailangan din nilang madapa para matuto.

"And you just have to be there and make sure that, you know, you're still supporting them and loving them kahit na ano yung mga nangyayari sa buhay nila."

Mapapanood ang Mommy Dearest tuwing 3:20 ng hapon, sa GMA Afternoon Prime.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Halili on what role she's more comfortable doing: kontrabida or bida?: "Hindi ko na nga alam kung comfortable pa rin ako magmaldita, e. Hindi ko alam, hindi ko po alam, parehas na gusto kong gawin."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results