PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado: "Yung cheating, di ko yun tatanggapin."

Dennis: "Gagawin mo lang yun pag wala nang pagmamahal."
by Rachelle Siazon
Published Feb 26, 2025
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado agree that cheating is non-negotiable.
Jennylyn Mercado on settling misunderstandings with husband Dennis Trillo: "Pag nakikita namin na okay na yung isa, yung isa mag-start na ng conversation. Automatic na yun sa amin. Lalapit na, makikipag-usap. Kahit maunit ulo ng isa, bababa talaga, e."
PHOTO/S: @thecreazionstudios Instagram

Pareho sina Jennylyn Mercado, 37, at Dennis Trillo, 43, na "non-negotiable" ang cheating.

"Yung tungkol sa cheating, it's a no-no," saad ni Dennis.

Dagdag niya, "Gagawin mo lang yan pag talagang siguro wala nang pag-asa, wala nang pagmamahal.

Napabuntong-hininga naman si Jen bago seryosong ipinaliwanag ang kanyang opinyon.

"Yung cheating, di ko yun kayang tanggapin, di ko yun mapapalampas.

"Kapag ginawa na yun ng isang tao sa akin, hindi ko na siya kayang ibalik ulit sa buhay ko.

"Feeling ko kasi pag ginawa ng isang tao yun tapos pinatawad mo, pwede pa ulit maulit."

Ibinahagi ito nina Dennis at Jennylyn sa panayam ng The Philippine Star at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado's scene from
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo: No drama, just love

JENNYLYN MERCADO AND DENNIS TRILLO ON MISUNDERSTANDINGS

Aminado sina Dennis at Jennylyn na hindi maiiwasan ang di pagkakasunduan sa isang relasyon.

Paano sila nagkakaayos?

"Usually pakiramdaman kasi ayaw namin mag-usap nang parehong mainit ang ulo," ani Jennylyn.

Sumang-ayon si Dennis na baka "mag-clash" lang silang mag-asawa.

Patuloy ni Jennylyn, "Pag nakikita namin na okay na yung isa, yung isa mag-start na ng conversation.

"Automatic na yun sa amin. Lalapit na, makikipag-usap.

"Kahit maunit ulo ng isa, bababa talaga, e."

Sabay hirit ni Jennylyn, "Sa guwapo ba naman ng lalapit sa yo. Napakakalma, napaka- soft-spoken, so mapapa-'okay' ka na lang."

May isang punto pang dinagdag si Dennis.

Lahad ng aktor: "Importante na wag susukuan yung partner mo, lalo na kung asawa mo.

"Natural lang na mag-aaway kayo, meron kayong mga di pagkakaintindihan.

"Pero kung talagang nagkasundo kayo na gusto niyo magsama habang-buhay, kailangan panindigan niyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinasal sina sa isang simpleng civil wedding ceremony noong November 15, 2021. Bago ito ay mahigit kumulang anim na taon silang magkasintahan.

Read: Dennis Trillo and Jennylyn Mercado are now married

ON BEING FAMILIAR WITH EACH OTHER

Balik-tambalan sina Dennis at Jennylyn para sa pelikulang Everything About My Wife, na palabas sa mga sinehan simula ngayong araw, February 26.

May isang kuwelang eksena sa pelikula kunsaan makikitang nakaupo sa toilet seat si Dennis dahil siya ay tinatawag ng kalikasan.

Nasa loob din ng banyo si Jennylyn na naghuhugas naman ng kili-kili.

Tinanong ng PEP kung sa tunay na buhay ay ok lang sa kanila na makita ng asawa na sila ay nagna-"No. 2."

Natawa sina Dennis at Jennylyn, pati na ang co-star nilang si Sam Milby na kasama sa interbyu.

"Well, hindi para sa lahat iyon," sagot ni Dennis.

Dagdag ni Dennis, "Di ko alam kung lahat magiging okay sa ganong setup. Pero, naging kumportable na kami sa ganung senaryo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Singit ni Jennylyn, "Kung nasa war mode ka pa, papasukin mo talaga kahit nasaan siya."

Ayon kay Dennis, bahagi ng relasyon ang maging ganoon kapamilyar sa isa't isa.

Patuloy ni Dennis, "Dati medyo di ako kumportable ako na makita ako na nakaupo sa trono. Nasanay na lang.

"Kasi sabi ko, 'Bat ka ba nahihiya?' Pero importante na maranasan niyo lahat yun.

"Kasi kailangan makita lahat ng side nung partner mo na di mo nakikita. Kasi mahirap magkagulatan.

"Napasubo na kayo pareho, kasal na kayo. Ta's dun niyo lang mae-experience, di niyo pala kaya, tas dun kayo maghihiwalay.

"So, dapat ma-accept niyo bawat isa kung ano talaga ginagawa."

Natatawang sumang-ayon si Jennylyn.

"Yung eksena na sinasabi niyo na nandun siya sa toilet, ako naghuhugas ng kili-kili, sobrang familiar, kasi ginagawa ko yun.

"Nagulat ako na, 'Alam ng writer na talagang normal na ginagawa ng mag-asawa ito.'

"Kasi wala nang inhibitions, kumportable na kayo sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nasanay na kayo na lagi magkasama, so nagsa-shower, nagkukuwentuhan kayo."

Read: How Dennis Trillo, Jennylyn Mercado's film company was born

ON SINGLES

May payo rin sina Dennis at Jennylyn sa mga single.

Sabi ni Dennis: "Huwag kayo magmamadali. I-enjoy niyo mga buhay niyo habang single pa kayo.

"Para pagdatingng nagpakasal na kayo or nasa isang relasyon pa kayo, di niyo na hahanapin kasi nagawa niyo na dati.

"Ibang level na. Siyempre pag nagma-mature ka, nag-iiba na yung mga gusto mo. Mas nagiging seryoso ka na.

"Hindi rin biro mapasok sa isang relationship, lalo na sa isang kasal."

Sabi ni Jennylyn: "Importante kilalanin niyo mabuti isa't isa. Wag magmadali.

"Mararamdaman niyo naman yun kapag talagang handa na kayo mag-settle down."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado on settling misunderstandings with husband Dennis Trillo: "Pag nakikita namin na okay na yung isa, yung isa mag-start na ng conversation. Automatic na yun sa amin. Lalapit na, makikipag-usap. Kahit maunit ulo ng isa, bababa talaga, e."
PHOTO/S: @thecreazionstudios Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results