Hindi big deal kay Jamela "Jam" Villanueva ang unti-unting pagbaba ng bilang ng followers sa kanyang mga social-media accounts.
Ito ang reaksiyon ng dalaga sa isang netizen na napansing pabawas na nang pabawas ang followers niya matapos itong biglaang tumaas nung kasagsagan ng paglantad niya sa pagtataksil ng long-time boyfriend na si Anthony Jennings.

Sa kasalukuyan, mayroong 268,000 followers sa Instagram si Jam; 19,712 sa Facebook; 116,000 naman sa TikTok.
Read: Jam Villanueva claims she received death threats from bashers
Sa Instagram Stories nitong Sabado, February 22, 2025, ibinahagi ni Jam ang natanggap na komento mula sa netizen.
Nakasulat sa comments section (published as is), "I saw n pabawas na pabawas followers m. Nagincrease lang dahil s issue.How will you increase it now??"
Ang sagot ni Jam.
Walang kaso sa kanya kung i-unfollow siya ng mga taong nag-follow lang dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan niya.
Sapat na raw kay Jam ang mga dati niya noong kaibigan at followers na hindi siya iniiwan anuman ang mangyari.
Saad niya: "My world is not revolving around it naman, but I am thankful for those who still stay and show support.
"Reminder na din that our personal worth and self-value should not be dependent sa external validation or the opinion of others."
Payo pa ni Jam sa netizen, malaking tulong ang pagtanggap at pagmamahal sa sarili.
Para anuman ang mangyari, hindi magiging kawalan ang pag-alis ng mga tao sa buhay niya.
"Importante din to understand and know yourself, your values, and your purpose.
"Kasi true fulfillment and confidence naman come from within, not from seeking approval from others.
"Pag may strong sense of self ka, you can just be authentic and go through life without feeling like you have to follow or live up to others' expectations."

THE CHEATING CONTROVERSY
Matatandaang noong December 3, 2024, nag-post si Jam sa Instagram para i-expose ang lihim na relasyon ni Anthony sa ka-love team nitong si Maris Racal.
Read: Maris talks about working with Anthony after cheating controversy
Si Maris ang itinuturong dahilan kung bakit tinuldukan ni Jam ang halos pitong taong relasyon nila ni Anthony.

Bilang patunay, naglabas ng screenshots si Jam ng palitan ng private messages nina Anthony at Maris.
Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup
Labis na pinag-usapan online ang nakakabulabog na screenshots na ipinost ni Jam.
Pagkalipas ng tatlong araw, noong December 6, naglabas ang ABS-CBN ng videos kung saan nag-public apology sina Maris at Anthony.
Read: Maris Racal breaks silence after revelations of Anthony's ex
Inako ng dalawa ang kanilang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga taong nadamay at nasaktan, lalo na kay Jam.
Read: Anthony Jennings apologizes to Maris Racal, Jamela Villanueva
JAM TALKS ABOUT FORGIVENESS
Noong January 29, isang buwan matapos ang kontrobersiya, nasilayan muli ng publiko si Jam.
Sa pagkakataong ito, ipinakilala siya bilang endorser ng isang dental clinic.
Kasabay nito ang unang beses na pagpapainterbyu niya sa entertainment press.
Dito ay tinanong si Jam kung napatawad na ba niya sina Anthony at Maris.
Sagot niya, ayon sa ulat ng ABS-CBN News: "Wala na po akong koneksiyon sa mga tao na nasa loob ng issue.
"Ang plan ko po [ngayon] is to just focus sa sarili ko and i-build yung career.
"Moving forward naman po. Process pa rin po.
"Yung forgiveness po, hindi po sobrang daling process, but I’m getting there.
"Diyos nga po nagpapatawad, e."
Malaki raw ang pagpapahalaga ni Jamela sa usaping pagpapatawad, lalo na kung ang mga nakagawa ng kasalanan sa kanya ay humingi ng kapatawaran.
Aniya, "Very nakakatanggal po ng tinik sa puso kapag nakarinig ka ng sorry.
"At grabe rin po ang matatanggal na tinik sa puso mo kapag nagpatawad ka kasi parang na-release mo na lahat ng mabibigat sa puso mo."
JAMELA ON loving and prioritizing herself
Isang dagok kung ituring ni Jam ang cheating controversy na kinasasangkutan nila nina Anthony at Maris.
Gayunpaman, maraming bagay raw siyang napagtanto at natutunan na naging dahilan para manatili siyang matapang at matatag sa buhay.
Pahayag ni Jam: "My self-worth is non-negotiable. Never lose yourself in the process kung anong nangyayari sa buhay mo.
"Kailangang kilala mo ang sarili mo. Alam mo yung values and principles ng sarili mo.
"And as much as possible, pinipili ko yung mga taong nakapaligid sa akin na talagang support system, na ipupunta ka talaga sa tama at sasabihin kung mali ang ginagawa mo."
Read: Maris Racal and Anthony Jennings reunite after controversy
Bukod dito, mas pinapahalagahan daw ngayon ni Jam ang sarili at ang mga taong nagmamahal sa kanya, lalung-lalo na ang kapatid at mga kaibigan niya.
Saad niya: "People may come and go, but, at the end of the day, sarili mo lang din talaga ang nandiyan sa tabi mo.
"Andiyan din po ang kapatid ko. Dalawa lang po kami ng kapatid ko. We just enjoy our life sa probinsiya sa Laguna.
"Sinu-surround ko rin po yung sarili ko ng mga tamang tao, and they give me enough happiness and peace na kailangan ko."
Read: Jam Villanueva still in the process of forgiving Anthony, Maris
