PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jellie Aw stands firm on decision to file charges vs Jam Ignacio

Jellie Aw: "Wala na pong kasal na magaganap..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 21, 2025
Jellie Aw stands firm on decision to file charges vs Jam Ignacio
Jellie Aw on fiancé Jam Ignacio: "Yung pagmamahal ko, siyempre nandito pa rin. Mahal pa rin kita, pero siyempre hindi naman puwede na love lang yung papairalin natin."
PHOTO/S: Jellie Aw on Facebook

Trigger Warning: This article contains description of physical abuse, disturbing images

Hindi nagpadala at nagpatinag ang club disc jockey na si DJ Jellie Aw sa pagsusumamo ng kanyang fiancé na si Jam Ignacio na siya'y patawarin at ipagpatuloy ang nakaplano nilang kasal.

Ito'y matapos maghain ng reklamo ni Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Jam, na inakusahan niya ng physical abuse.

Read: Jam Ignacio, Karla's ex, accused of mauling fiancée Jellie Aw

Noong February 14, 2025, dumulog si Jellie sa tanggapan ng NBI para humingi ng tulong sa ahensya na makasuhan si Jam.

Read: Jellie Aw files formal complaint against Jam Ignacio with the NBI

Agad namang umaksyon ang NBI at pinadalhan ng subpoena si Jam.

JELLIE AW: "WALA NA PONG KASAL NA MAGAGANAP."

Nitong Biyernes, February 21, 2025, muling humarap sa media si Jellie.

Hiningan siya ng reaksiyon sa paghingi sa kanya ng tawad ni Jam at pagsusumamo nitong ituloy ang kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Jellie, ayon sa ulat ng ABS-CBN News, "Wala na pong kasal na magaganap o matutuloy yung mga napag-usapan namin dahil po sa nangyari."

Sabi pa ni Jellie, hindi katanggap-tanggap ang rason ni Jam na napuno lang ito at dahil sa sobrang pagod kaya't nasaktan at nabugbog niya ang nobya.

Saad ni Jellie: "Hindi po puwedeng napuno lang siya, e.

"Paano [na lang] po kapag pinagbigyan ko pa siya ng second chance, paano kung napuno po siya sa akin ulit, gagawin po niya ulit yon, mas grabe pa?"

Read: Jellie Aw remains combative with netizens after mauling incident

Sa ngayon daw ay walang ibang iniisip si Jellie kundi ang mararamdaman ng kanyang magulang kung saka-sakaling makipag-ayos siya kay Jam.

Sabi niya: "Respeto na lang din po sa magulang ko kasi sobrang na-trauma din po yung mama ko, parang gabi-gabi po siyang umiiyak. Hindi ko kaya, hindi ko kaya na ganon yung nanay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kumbaga, siya na lang yung natitira sa akin, e, iingatan ko na siya.

"Nang dahil kasi dun sa nangyari sa amin ni Jam, naging kritikal pa yung nangyari sa nanay ko ngayon.

"Hindi po siya makatayo kagabi, e, sa sobra po sigurong pag-aalala niya sa akin, masyado niyang dinamdam."

Read: Jellie Aw's friends reveal what they know about mauling incident

JELLIE ON DECISION TO PURSUE LEGAL CASE AGAINST JAM

Anuman daw ang sabihin ni Jam ay desidido si Jellie na ituloy ang reklamong isinampa niya rito.

Bagamat hindi raw maitatangging mahal pa niya si Jam sa kabila ng ginawa nito sa kanya, hindi raw ito sapat na rason para hindi ito turuan ng leksiyon.

Pahayag ni Jellie: "Noong una pa lang naman po napatawad ko na si Jam, pero tutuloy ko pa rin po yung kaso.

"Yung pagmamahal ko, siyempre nandito pa rin.

"Mahal pa rin kita [Jam] pero siyempre hindi naman puwede na love lang yung papairalin natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Magharap na lang po kami [sa korte].

"Sa ngayon, tinatanggap ko naman po yung sorry niya, pero gusto ko pong bigyan ng leksyon si Jam sa ginawa niya sa akin."

Read: Jam Ignacio no-show at NBI; wants to settle out of court

Sa huli, may mensaheng ipinaabot si Jellie sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Aniya: "Yung sa mama ko po, sa mga kapatid ko, at kamag-anak ko, huwag na po sila masyadong mag-alala, huwag na pong masyadong mag-isip, lalo na yung mama ko, dahil ilalaban ko itong kaso na ito."

Read: Jellie Aw's sister warns her after Jam Ignacio’s apology

JAM IGNACIO APOLOGIZES TO JELLIE AW

Sa 24 Oras noong Miyerkules ng gabi, February 19, ay tila isang maamong tupa na sinabi ni Jam na pinagsisisihan niya ang pananakit kay Jellie.

Ito raw ang dahilan kung bakit siya humarap sa publiko para humingi ng tawad kay Jellie at sa mga kaanak at kaibigan nitong nasaktan sa nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya: "Sa simpleng hindi pagkakaunawaan and siguro, may halo na rin sigurong pagod sa maghapon na lakad namin.

"E, kumbaga, tao lang din siguro ako... baka napuno lang din siguro ako.

"Na hindi ko sinasabi na tama, pero hindi ko... hindi ko para i-tolerate na gawin ulit.

"Humihingi ako ng tawad, pasensiya na talaga. Sorry, sorry, sorry sa lahat."

Read: Jam Ignacio begs for fiancée Jellie Aw's forgiveness

Pinaalala pa ni Jam kay Jellie ang magandang samahan nila bago nangyari ang insidente, na nag-iwan ng pasa at sugat sa mukha at katawan ng DJ.

Get to know DJ Jellie Aw, allegedly abused by Jam Ignacio
Photo/s: Screengrab from Facebook | Jo Aw
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: "Hon, alam mo yan kung gaano kita kamahal.

"Alam mo yan kung gaano kita protektahan, bantayan.

"Sa lahat ng ginagawa mo, lagi ako nakasuporta sa yo.

"Sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay, nakasuporta ako palagi sa yo.

"Sorry sa mga nangyari."

Diin pa niya: "Pinapangako ko sa yo na hindi na mauulit to.

"Ngunit sana, bigyan mo ng pagkakataon na ayusin natin tong pareho nang pribado, na sa ating dalawa.

"Alam ko naman na... alam mo din na mahal natin ang isa't isa.

"Madami tayong gustong gawin, pangarap na sana maayos natin at matupad natin.

"Yan lang naman sana. Mahal na mahal kita."

Sa kabila ng nangyari, gusto pa rin daw ni Jam na matuloy ang binabalak nilang pagpapakasal ni Jellie, makaraan nilang ma-engaged noong November 11, 2024.

Jellie Aw and Jam Ignacio's engagement
Photo/s: Jellie Aw on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya: "Alam mo na gusto ko ikaw na yung makasama ko talaga.

"Alam mo yan na may plano tayo na bumuo ng pamilya.

"Tuparin natin, hon, nagmamakaawa ko sa yo.

"Sana ayusin natin to."

Read: Jellie Aw responds to sister Jo’s warning against Jam Ignacio

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jellie Aw on fiancé Jam Ignacio: "Yung pagmamahal ko, siyempre nandito pa rin. Mahal pa rin kita, pero siyempre hindi naman puwede na love lang yung papairalin natin."
PHOTO/S: Jellie Aw on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results