Loveless si Rhen Escaño.
Aniya, “Mas focus sa work, mas ang dami pong work and maraming blessings. Ayoko rin ng distractions, to be honest.
“Parang ang hirap na ngang ma-stress pag may mga nangyayaring hindi magaganda. Like, of course hindi naman perfect lagi yung araw natin, di ba? So magdadagdag pa ba ako ng iisipin?
“Nandiyan lang iyan, love life, ganyan, parang hindi siya priority ko ngayon.
"So okay na ito, mas work, mas gusto kong tumanggap ng mas maraming work this year, workaholic lang,” at tumawa ang dalaga.
Nakausap ng press, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Rhen sa contract renewal niya sa CC6 at FunBingo nitong January 31, 2025, sa ballroom ng Hive Hotel, Sct. Tuason, Diliman, Quezon City.
Read: Rhen Escaño admits she has a boyfriend; who is it?

Speaking of her endorsement, nagpakatotoo si Rhen na hindi pa niya nasusubukang maglaro ng online games.
“I'll be honest. Lagi po akong nagtatanong sa kanila, ‘Ano po ba yung mga games diyan? Talaga po bang malaki yung mga premiyo diyan? Try ko nga,’ ganyan.
“Pero dahil sobrang hectic din talaga ng schedule, as in buong taon po ako nagwo-work and I'm so happy, I'm so blessed, wala na rin. Hindi ko na rin nabigyan ng pagkakataon na tingnan isa-isa yung mga games.
“At honestly, alam niyo naman ako, very vocal naman ako sa inyong lahat and transparent, hindi ko pa nata-try."
Pero alam daw niya kung gaano ka-popular ang mga ito.
Sa pagpapatuloy ni Rhen, “Hindi ko pa nata-try, pero lagi kong nakikita yung ibang mga nasa paligid ko tina-try nila.
"So I'm aware and nakikita ko kung ano yung mga klase ng mga games na nilalaro nila.
“May mga color games, merong parang Crush Candy [Candy Crush], merong parang mga… yung mga slot machine, may mga parang mga cards.
”So iyon, and tingnan ko minsan pag ano… pag gusto ko lang… wala lang, fun lang, try ko. Wala naman, okay naman, okay naman sa akin, so iyon.”
Read: Rhen Escaño finally breaks silence on breakup with Kokoy de Santos
on bashing of online gaming endorsers
May mga iba pang celebrities na nag-i-endorso rin ng online gaming, pero ilan sa kanila ay naba-bash dahil tingin ng fans ay hindi akma sa imahe nila.
Si Rhen ba ay nakaranas ng ganoong klase ng pambabatikos?
Aniya, “Surprisingly, as in walang echos, for the whole year, wala po akong nakitang bashing kahit isa.
“Kahit i-check niyo po yung ano ko, Facebook, TikTok, Instagram, every time na nagpo-post ako, walang negative comments."
Sa tingin ni Rhen, ito ay dahil hindi niya raw hinihikayat ang mga taong maglaro. Bagkus, ang marketing campaign ng kumpanya ay nagpapakita ng kawang-gawa.
“Because hindi naman po kami mas... parang hindi namin focus yung hinihikayat na, ‘O maglaro kayo, mag-download kayo nito, dito kayo maglagay ng pera niyo. Maglaro ka diyan, laruin ninyo ito,’ ganyan. Hindi po, e.
“Mas more on ano kami, mas more on ang posting namin and yung mga pino-post namin online para maging aware yung mga tao..."
on gaming for a cause
Ipinapakita rin ng posts ni Rhen ang mga charitable activities ng kumpanya.
Kabilang dito ang pamimigay ng grocery items at mga gamit sa mga biktima ng baha at landslide sa Davao del Norte at Marikina, at pag-organisa ng feeding programs sa mga mahihirap na komunidad sa Makati, Cavite, at Manila.
May tree-planting activities din sa Rizal at Antipolo.
Tumulong din sila sa mga batang may kapansanan, mga indigenous Aeta students sa Bataan, at mga kababaihang biktima ng pang-aabuso sa Bulacan, kung saan nagdiwang si Rhen kamakailan ng kanyang kaarawan.
Paliwanag niya, “Ang ginagawa namin is nagpapakita kami ng mga videos and photos kung ano yung ginagawa namin every month, kung saan napupunta yung mga pera nila na pinanglalaro nila.
“So para sa akin, oo nga naman. Parang sa dinami-dami ng mga nag-e-exist na mga online games, casino platforms ngayon, na very easy na ma-reach ng mga tao, saan kayo makakakita na nag-gi-give back or merong good cause? So iyon.
“So I think wala silang masasabi din talaga. Parang kahit si Lord malilito, ‘Teka lang,’ di ba?
“Parang okay, alam naman natin lahat na, aware naman tayo na hindi naman talaga maganda yung tingin ng karamihan pero, di ba?
“For us, eto yung mas importante, kung ano yung nakita niyo kanina sa AVP, iyon yung focus din po namin, so yun, wala, zero, wala pong namba-bash.”
Three days a week ang taping niya for the TV series na Lumuhod Ka Sa Lupa ng TV5.
On weekends, kasama siya sa mga charitable activities.
And with these alone, halos araw-araw ay mga ganap sa buhay ni Rhen. No wonder, wala talaga siyang panahon sa love life.
